Originally released as a comic series on Webtoon: November 7, 2021
...
Written by: PlumaniKesha
Story and Illustration by: Mijji
....
Luke and Sam, previously high school classmates, crossed paths after 10 years and got isekai-ed as lovers from a p...
Eto na'yung pinaka-ayaw ko sa lahat, ang magkaroon ng tamad na teacher na ang mga estudyante pa ang magch-check ng papers after exam. Tapos, kahit pagrerecord ng scores tamad parin kaya uupo lang siya, idi-dicta ang mga pangalan namin at kami na mismo ang mag-aanounce ng scores namin sa buong klase at ililista lang niya. Mabuti naman kung with flying rainbow colors ang score mo, pero sa katulad kong palaging nasa below passing score, traumatizing siya mga sist, sobra.
Namamawis na ang mga palad at batok ko.
12 over 50. Shuta, nagreview na ako niyan kagabi ha, pero bakit? Kahit 21 nalang sana.
Huhugot muna ako ng lakas ng loob sa mga kasamahan kong bopols.
"Pssst.. Sarah! Score mo?" Patago kong tawag 'dun sa mga kagrupo ko sa bandang gilid.
Sumenyas siya ng one at five. Buti pa siya pa siya naka 15.
"Psstt... Beky! Score mo?" tawag ko naman sa kabila.
"10" Malamyang sagot nito. Nakahinga na ako nga malalim. Hindi ako ang lowest.
"Sam! Sam!" Tawag ni Ermengarde sakin mula sa likod. Kaya ng sensyasan na kami ng score at same kami na 12 kaya tumawa kami nang konti.
Pero heto na ang pinakasamaklap na part.
"Perez, Luke Edward" Dumagundong na ang boses ni ma'am.
"50." Shocks ang guwapo pakinggan. Blanko lang ang ekspresyon niya tapos mukhang tinatamad at inaantok. Napatitig nalang ako sa kanya dahil binuhusan na naman ako ng hanga. Nakakahiya dahil seatmate kami tapos perfect score siya tapos ako?... hay.
"Perez, Samantha Irene" The moment of truth.
"Tu-twelve" Hininaan ko ng bahagya. Nakakahiya kasi, maitabi ka pa ba naman sa top-notch.
"Pakilakasan, hindi ko madinig"
Maglinis ka kaya ng tenga mo, Ma'am.
"12 daw, ma'am!" Hindi ako 'yan. Sobrang lakas pa ng pagkasabi kaya umatras ang dila ko pagkatapos niyang ianunsyo.
Tinitigan ko na lamang siya na parang gulat na gulat. Unti-unting gumuhit sa bibig niya ang maliit na ngisi.
Pag ako tumalino, who you ka talaga sakin, Luke.
***end of flashback
"Kelan ka pa nagkainteres sa libro, Sam?" Sabay lingon at tinitigan ako ng diretso sa mukha, kasama ang napakagwapong hitsura.
Syet, chupapi.
Kilala pa pala niya ako? Mabuti naman hindi niya nakalimutan ang beauty ko and sad to say pati kabopolans ko ay hindi 'rin niya nalimutan.
*crack... clap... fumfum* (thunder sound)
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.