CHAPTER 1 (Palaban si Sam)

360 19 14
                                        


"Ang hirap maging mahirap"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang hirap maging mahirap".

Eto nalang 'yung naibulong ko sa sarili. Pano ba naman, sis? Lunes na lunes, ang pagod ko pang Biyernes na. Kakapikit ko palang, tapos tumilaok na 'yung tandang sa kabilang bahay.

"Oo na nga! Babangon na!" Bulyaw ko sa manok na tanaw na tanaw ko pa mula sa kahoy kong bintana.

"Pag ako talaga napuno, magkikita-kita talaga kayo ng patatas at gisantes, langya ka!!"

Padabog akong bumangon.

Wala pang alas syete ay to the highest level na kung sumikat ang araw, gusto talagang bumida. Kaya kakagising ko palang, amoy lupa na ako dahil sa pawis. Wala na talaga akong chance maging fresh sa buong buhay ko.

"Susmaryosep" Napahawak nalang ako sa dibdib, dadamputin ko lang naman sana ang nakasabit kong tuwalya sa gilid ng cabinet...

na may salamin.

Dry hair-check

Eyebags, I mean eye luggage na sa laki, ichecheck-in na talaga, hindi na puwede sa hand carry- check.

Dry at choppy lips – check.

Buti nalang walang pimples, kung meron pa talaga, magpapanggap nalang ako bilang isang lumpia.

Pumarada na ako papuntang banyo dala-dala ang fruit salad sa ulo ko, sari-saring pasanin at problemang kailangang harapin. Kung puwede lang sana mawala kahit saglit lang tapos babalik lang 'pag okay na lahat. Pero hindi naman tayo special batchoy with egg, below ordinary pa nga kaya we always end up with...

NO CHOICE.

Nag-aral naman ako nang maayos, nakagraduate nga ako on-time, pasang-awa nga lang. Masakit mang aminin pero bopols talaga ako. Kaya ngayon, parang lahat ng part-time job pinasukan ko na at ngayon, isang ESL teacher at nagtutor ng kung ano-ano.

Oh, 'di mo kaya! Bopols man pero kaya kong mang-uto.

Charawt.

Parang lilipad na talaga ang pasensya ko 'nung makita kong mas malakas pa ang ihi ng kapatid ko kesa sa tubig sa gripo.

Takteng buhay.

"Nathan!!!"

Asa pang sasagot 'yan. Oh 'diba hung-hang kasi 'tong kapatid ko.

"Bumangon kana diyan, pag-igib mo ako ng tubig". Utos ko sa kapatid kong nakahilata pa.

"Ayoko nga, mag-igib ka 'dun kung gusto mo, pagod ako. May gig ako kagabi." Pahikab-hikab niya pang sagot at pumikit ulit.

"Mas lalaki ka pa kayang tingnan kesa sakin." Dinagdagan pa ng pangungutya.

"Ayaw mo?" Napunta na sa baywang ko ang dalawa kong kamay at nag-umpisa nang sumakit ang batok ko dahil sa altapresyon. Hindi ako mamamatay sa kakatrabaho. Mamamatay ako sa kawalang-hiyaan nitong kapatid ko.

Touch Me Not!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon