Sam's POV
"Sabihin mo, bujort ako" turo ko kay Manuel, sabi ko sa kasi kaniya, ang bujort ay mabait at magalang na klase ng lalaki.
"Bujort ako" pag-uulit naman ng uto-uto.
"With feelings naman, Manuel. Este lagyan mo ng kaunting damdamin, dahil mabait ka at magalang. Dapat may konting hagod. Ganern!" unti-unti na akong nawawalan ng gana sa kakauto, kanina ko pa kasi ginugoodtime 'tong isang kambal. Wala namang sense kausap ang mga babae dito sa Beaterio. Kahit saan ako, meron talaga akong dakilang buntot, si Andeng ngayon at Manuel. Pero wapakels ako, tuloy parin ang Oplan takas ni Sam. Kaya pala todo pilit si Tatang Tiyago na dito ako mag-ayos sa Beaterio kasi nandito ang mga make-up ni Maria at mga bonggang mga outfitan! Kahit modern girl na ako, I still appreciate the details, char.
"Maria, ang kabilin-bilinan ni Tiya Isabel na ang puti at berde ang iyong isusuot." Pagdadahilan ni Andeng hawak niya ang hindi ko bet na 'traje de mestiza'.
Magmumukhang lumot ako. No way!
"Gosh! Wala talaga kayong sense of fashion, as in fashion. Yoko nga niyan." Pagmamatigas ko kasi nakita ko na ang gusto ko at dahil ako si Sam at hindi si Maria...
I WILL WEAR RED! RED IS POWER! RED IS MONDRAGON WAHAHAHA.
"Hindi maaari iyang damit na iyan, kasi napakatingkad at mapanukso ang kulay na pula, binibini." Parang iiyak na si Andeng pero sorry bessy, ayoko talaga magmukhang walking halaman. At syempre, wala silang nagawa dahil maghuhubad talaga ako sa kalsada 'pag ipipilit pa talaga ang lumot.
Tanaw na tanaw ko ang bahay ni tatang Tiyago, dinig ko na rin ang music na parang may prosisyon kung mahal na araw. Parang worried face padin si Andeng dahil sa red outfit ko kaya binigyan ko nalang siya ng "dun-worry-I-got-this-kasi-maganda-ako look". Medyo naaawa nga ako sa magkapatid dahil todo effort tapos may oplan takas pala ako, sorry dear friends, I need my freedom!
Nang makababa na kami sa karwahe ay agad naman akong nagsimula na isagawa ang plano ko.
"Uh, Andeng... Pwede bang dumaan muna ako sa likod ng bahay? Papasok lang ako sa kwarto ko muna bago humarap sa mga bisita, magreretouch lang, alam mo na, magkikita kami ng boypren ko, dapat pak na pak ang beauty ko, oh dziba?" with puppy eyes and uwu face, nako 'pag eto hindi pa madala, ewan ko nalang talaga. Nagsasalubong na naman ang kilay niya, it means loading na naman. Hirap kaya ng deep tagalog, 'di keri ng powers ko.
"Hihintayin ko nalang kayo sa may kusina, Binibini" Worried face padin si bessy.
"Naku 'wag na, mausok. Concern ako sa health mo este, baka ubuhin ka. Diyan kalang, babalik ako, for the very fast lang talaga ako, pramis." Hindi ko na pinatapos si Andeng dahil alam kong wewelga parin siya pero umexit na ako.
"Hay ya!!!" Sound effect ko nang papaakyat ako sa pader.
"Pssssh uhu! Pssh huuu" Sound effect ko rin nang makatalon na ako sa kabilang bakod.
"Hu, perfect landing! Kung sa Naruto lang ako na Isekai, wala talaga akong problema, minor lang ang ninja moves" kausap ko sa sarili habang pinapagpag ko ang aking red outfit.
Luke's POV
"Crisostomo Ibarra Y Magsalin, magandang gabi sa inyong lahat."
Ibinigay ko ang napakamaliwanag kong ngiti.
"Ang anak ng aking matalik na kaibigan, si Don Rafael Ibarra. Kagagaling lamang ni Crisostomo sa Europa at ikinagagalak kong ipakilala siya bilang kasintahan ng aking natatanging rosas na si Maria Clara."
BINABASA MO ANG
Touch Me Not!
Historische RomaneOriginally released as a comic series on Webtoon: November 7, 2021 ... Written by: PlumaniKesha Story and Illustration by: Mijji .... Luke and Sam, previously high school classmates, crossed paths after 10 years and got isekai-ed as lovers from a p...
