Chapter 12 (Manahimik ka muna)

87 10 4
                                        

Luke's POV

Bakit hindi ko napigilan ang sarili ko?

"Argh!" Ginulo ko ang buhok ko sa inis, ikatatlong kabanata palang, pumalpak na kaagad ako. Kinuha ko kaagad ang ibinigay ni Miss Mim na makahiya sa maliit na bote.

"Kakaumpisa palang ng nobela, ganito na agad ang nawala?" nanlumo ako nang makita na maraming dahon ang tumiklop. Parang nagkakaroon na ng sisihan sa utak ko, bakit kasi pinatulan ko pa ang mabahong prayle na 'yun?

Madilim na ang paligid at hindi gaya ng mga gabi sa Maynila, halos wala ng tao sa paligid. Sa pagkaka-alam ko, may curfew sila ng alas nuebe. Naghahanap na sana ang mga mata ko ng pader na pwede pagbuntungan ng galit nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Crisostomo..." Napa-ayos naman agad ako ng tindig, tindig na parang nasa harap ng mga estudyante ko. Lumiwanag naman ang mukha ko nang makita si Tinyente Guevarra. Nasa ayos parin pala ang istorya kahit may nagawa akong eksena dahil naisulat ang mga pangyayaring ito, mag-uusap sila ni Ibarra.

"Tinyente Guevarra, magandang gabi muli sa inyo, ako'y pagpasensyahan niyo na sa aking hindi mabuting asal, ako lamang ay nagluluksa pa sa pagpanaw ng aking ama na hindi ko lang naman alam." Tinibayan ko ang loob ko sa pagharap sa kanya.

"Kung ako man ay nasa sitwasyon mo, Crisostomo. Huwag mong ikabahala dahil ako'y nasa panig mo". Kalmadong sagot niya sakin.

"Maraming salamat, Tinyente" pinilit kong maglungkot-lungkutan dahil kailangan kong magmukhang nagluluksa.

"Maaari ba tayong mag-usap, Crisostomo?"

"Maaari pa po sa maaari, Tinyente. Ako rin ho ay may napakaraming katanungan tungkol sa pagkamatay ng aking ama ngunit tila wala atang may naglalakas loob upang sabihin ito sa akin." Ayokong magtunog madrama dahil ang layo nito sa personalidad ko.

"Batid mong kapatid na ang turing ko sa iyong ama, Crisostomo. Isa siyang matalik na kaibigan kung kaya kailangan mong malaman ang kalunos-lunos niyang pinagdaanan habang ika'y nag-aaral sa Europa". Pagpapaliwanag nito. Alam kong mabuting kang tao, Tinyente.

"Akoy' nakikinig, Tinyente." Masyado na akong nagmamadaling matapos ang senaryong 'to para wala na akong may magawang mali.

"Nagsimula ang lahat sa pagtulong ni Don Rafael sa isang batang pinagbubuhatan ng kamay ng isang tagapagkolekta ng buwis. Ang kabutihang puso ng iyong ama na tulungan ang bata ay naging susi sa kanyang ikapapahamak. Sa kasamaang palad, naitulak niya ang tagapagkolekta ng buwis at nauntog ang ulo nito sa bato na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Ipagpaumanhin mo, Crisostomo. Ginawa ko naman ang lahat ng aking makakaya para tulungan ang iyong ama" Namumula na ang pisngi nito at halatang pinipigilan ang pag-iyak.

Sinilip naman ako ng awa para kay Ibarra, ang kadahilanang ito ang naging puno't dulo ng kanyang galit. Sino ba naman ang hindi magtatanim ng galit at sino nga ba naman ang hindi maghahangad ng paghihiganti?

"Kalunos-lunos ang kanyang sinapit, Crisostomo. Lalo na at tinawag siyang erehe at pilibustero." Nakayukom na ang kamay ko dahil nakikita ko na sa imahinasyon ko ang mukha ng mabahong prayle na iyon.

"Ibig niyo bang malaman kung sino ang dumiin sa iyong ama, Crisostomo? Tila ata siya'y may malaking galit sa iyong ama."

"Tatanawin kong malaking utang na loob kung maipapasa niyo ang impormasyon, Tinyente." Pagsang-ayon ko naman.


"Wooyy! Psssstt! Luke" biglang may tumawag sakin.


Luke? May nakakakilala ba ng totoong pangalan ko sa nobelang ito? Imposible, baka guni-guni ko lang.

"Ey! Perez!"  Napalakas na ang boses ngayon at pati si Tinyente Guevarra ay napalingon narin.

Touch Me Not!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon