Originally released as a comic series on Webtoon: November 7, 2021
...
Written by: PlumaniKesha
Story and Illustration by: Mijji
....
Luke and Sam, previously high school classmates, crossed paths after 10 years and got isekai-ed as lovers from a p...
Naka-upo na ako ngayon sa kama habang kinakamot ang paa ko, hindi ako sanay sa damit ko. Kanina pa ako kamot nang kamot. Madulas kasi ang tela kaya hindi ako kumportable.
Kanina ko parin tinitigan ang portrait na nakasabit sa kahoy na dingding.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sumasakit din ang ulo ko kasi akong-ako talaga ang nasa portrait, nakaligo version lang siya while nilalagnat version naman ako ngayon.
"So, Andeng, sinasabi mo ngayon na ako 'yan?" Magkaharap kami ngayon habang nililigpit niya ang mga kalat sa kwarto at mga maduduming damit ko kanina. Nakaligo na kasi ako. Nagulat nga rin ako kasi pati ang tubig pampaligo nila, lasang Walkins Watur din.
"Mahigit sitenta na niyo iyan naitanong sa akin, Binibini. Iisa lang po ang maaari kong sagot. Ikaw po ang babaeng nasa larawan. Nag-iisang anak ni Tiyo Tiyago at ang tintanging binibini ng buong San Diego".
Grumaduate lang ako pero confused parin talaga ako sa sitenta at sisenta. 60 ba o 70?
Ilang beses ko na din sinasabi sa kanya na hindi ako si Maria dahil ako si Sam.
"Nasa panahon tayo ng isang libo walong daan at walong pu't isa, kabuwanan ng Oktobre" dugtong ni Andeng na parang chill na chill pa habang binabanggit ang deep tagalog numbers. How to be you po?
Mas lalo ko nang ninamnam ang mapait na katotohanan na na isekai nga ako.
Hindi ko rin naman maipaliwanag sa kanila ang lahat kasi hindi rin naman nila ako maiintdihan. Kaya mas lalo akong naguguluhan. Wala man lang akong mapagtanongan ng maayos. It doesn't make sense lang kasi, hinawakan ko lang naman ang libro tapos napasok na ako rito. So, totoo nga talaga ang supernatural or paranormal activities?
"Kuwentuhan mo nga ako, Andeng. Story tell ka nga!" Eto nalang ang paraan ko para hindi na ako ma fefeeling out of place. Hindi ko kasi alam kung anong part na ito ng Noli, baka nashookt nalang ako, na need ko na palang machugi, kasi 'diba? Tragic itong Novel na ito, gusto kasing manakit ng damdamin ni Dr. Rizal. Hindi ko man nabasa ang buong libro, naalala ko parin naman ang mga role play namin nung high school. Kaso hindi si Maria Clara ang role ko, si Sisa. Highschool palang kasi, lokarit na talaga ako.
"Ano po ba ang ibig mong sabihin, Binibini?" umupo na si Andeng sa sahig habang nakatingala sa akin na nasa ibabaw ng kama. Kunot-noo at para bang alalang-alala sa akin.
"Kuwentuhan mo ako, kahit ano, sayo o sa buhay ni Maria" seryosong tugon ko habang tinitigan siya sa mata.
"Ako, si Manuel at Miguel ay magkakapatid. Mahapdi ang kapalaran sa amin, wala kaming magulang dahil sila'y lumisan na sa mundong ibabaw. Nakita kami ni Tiyo Tiyago na nanghihingi sa daan at siya'y dinagsa ng awa kaya niya kinupkop kaming tatlo, binihisan at pinag-aral. Ikaw naman, Binibini, minahal mo kaming tatlo na parang tunay mong mga kapatid." Maluha-luha ang mga mata ni Andeng habang nagsasalaysay. Kitang-kita mo talaga sa ekspresyon niya ang pasasalamat at galak dahil napunta sila sa pamilya ni Kapitan Tiyago.