Chapter 12 (Pasanin at Sagabal? Ano daw?)

264 13 8
                                        

Sam's POV

"SSSHHH" saway niya sakin.

"SSHH SSSH ka diyan! Hindi ako naiihi!" Actually, kanina pa ako naiihi, tapos sshhh pa sya ng ssshhh, 'pag ako naihi dito, iuuncrush na kita talaga, Luke. Naramdaman ko nalang ang pagtama ng likod ko sa pader at ang kamay ni Luke sa bibig ko.

Magrereklamo na sana ako nang biglang naaninag ko ang napakalapit niyang mukha sa mukha ko. Ang liwanag kasi ng buwan kaya kahit madilim na, kitang-kita ko ang histura niya.

Dug dug dug.

Matangos na ilong, mahahabang pilik mata, makinis na mukha at mapupulang labi. Haru, jusmeyo, bakit ang gwapo neto? Perfect na perfect, hindi ko na siya iuuncrush. Alam kong nagmumukhang tanga na ako dito kasi natameme ako sa kalapitan ng mukha ni Luke, as in ang lapit talaga na pati ang paghinga at paglunok niya ay dinig na dinig ko na. Dagdagan pa ng manly scent niya, parang nabuhay lahat ng kalandian na natutulog sa aking buong katawan.

Shocks, dumistansya ka ng kaunti, ser Luke. Baka makiss kita.. char. Hahaha

Bumalik lang ako sa huwisyo ng binitawan na niya ako.

"Ano ba! Ang alat ng kamay mo!" Pagdadahilan ko nalang dahil parang na witness na talaga niya ang pagkakatulala ko sa kaniya. Never pa kami naging up-close ng ganito kahit nung highschool pa kami. Aminadong-aminado ako na may taglay siyang kagwapuhan pero hindi ko inexpect na may igagwapo pa siya ng times wanhandred up-close. Huhuhuhu. Okay, back to the agenda. Focus!

Umupo siya sa gilid ko habang ako ay naeestatwa parin.

"Alam kong naniniwala ka na pwedeng mangyari ang mga ganitong bagay kasi nandito ka" seryosong pagbubukas niya ng usapan.

Umupo narin ako sa gilid niya at hindi na sumagot, gets niya naman siguro na nakikinig ako. 

"Naalala mo ba 'yung babae sa bookstore? Si Miss Mim" hinarap na niya ako at ramdam ko ang lungkot sa mga salita niya.

"Ah, oo si ateng cosplayer? 'wag mong sabihin na siya ang tagapagligtas ng buong daigdig? Tagapagmana ng buong encantadia?" seryosong tanong ko, eh bakit ba? Pwedeng mangyari na ang mga ganyan-ganyan.

"Sabihin nating, may kakayahan siya na hindi magagawa ng isang normal na tao" pagtutuloy niya.

"Hala, hindi naman siya mukhang may amats? Hindi pala siya normal? Kawawa naman."

"Samantha." Hala, buong pangalan ko, okay shut up na me. Galit na si master.

"At magkapareho sila ng kapatid ko na lalaki."

"Akala ko only child ka?"

"Itinago namin sa tao ang kapatid ko dahil delikado. Pwede siyang makasakit at maging banta sa buhay ng mga tao. Hindi nga namin alam kung papano nangyari ang lahat, nalaman nalang namin 'nung simulang magpakilala sa amin si Miss Mim. May ibang nilalang daw ang gumambala sa aming ina nung siya'y nasa probinsya noon, at nabunga ang kahalayan nito. Ibig sabihin, may dugong engkanto ang kapatid ko at kailangan namin siyang ikulong sa isang banal na libro para tuluyang matanggal ang dugong iyon sa pagkatao niya."

Tuloy-tuloy lang ang pagpapaliwanag nito habang nasa malayo ang tingin. Parang napakabigat nito para ikwento.Shocks, goosebumps ako sa mga naririnig ko. Akala ko sa Pedro Penduko lang ang engkanto na yan pero totoo pala siya? My goodness!!! Akala ko sa imagination lang 'yung Dalakitnon vs Floreshka. Is the true pala sila. Huhuhuhu

"Kaya ako nandito, kasi kailangan ko maipasa ang pagsubok ng pananampalataya. Kailangan kong makuha ang kapatid ko dahil pitong taon na siya nakakulong sa libro. Magagawa ko lamang 'yun kung maipapasa ko ang misyon na 'to at makatanggap ng Ichthys. Kialangan kong magbayad sa pagkakasala ng kapatid ko." Napabunting hininga siya habang nagkukwento. Ako naman parang hindi makapinawala.

"Ano ang Ichtys?" Curious mind.

"Naalala mo ang tattoo ni Miss Mim sa ilalim ng kanyang mata?" Naaninag kong sumulyap siya sakin habang nagtatanong.

"Hala, may meaning pala 'yon? Kala ko tilapia lang, fav ulam niya. Shocks" niyakap ko ang sarili at hinalpos-haplos ang dalawa kong braso, nagtatayuan na talaga ang balahibo ko.

"Kaya Sam... Napakaimportante ng misyong ito para sakin at pamilya ko. Buhay ko at buhay ng kapatid ko ang nakasalalay dito. Hindi ko rin naman ginusto na mapasama ka sa nobelang 'to. Ngayon, makipatulungan ka nalang para makalabas tayo ng buhay at makabalik sa totoong mundo natin. Kailangan kong mapanatili sa tamang pagkakasunod-sunod ang istorya."

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang desperasyon. Napakapalengkera kong klase ng babae pero sa ngayon parang hindi ako makahanap ng mga salita para sagutin siya.

"Sa ngayon, isa ka lang sa mga pasanin at sagabal sa misyong 'to. Makipagtulungan ka nalang, at 'wag na 'wag kang tatakas ulit. Dapat sa ngayon ay sa Anloague ka. Bibigyan kita ng pagkakasunod-sunod bukas. Umuwi ka na kung gusto mong makalabas tayo ng matiwasay."

Ano daw? Pasanin at sagabal? Paki-ulit nga, Luke?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Touch Me Not!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon