Isang sky-blue na t-shirt na amoy alikabok ang nadampot ko at beige na trousers na pang second batch ko nang gamit. Uy heto naman, judgemental, ginagawa mo rin naman 'yan pag hindi pa madumi at saglit mo lang ginamit. Hahah.
Knock knock knock
"Ate..." Si Natnat sa malumanay na boses, it may happen once or twice a year. Depende sa kailangan. Kung walang kailangan, sisigaw lang yan mula sa kawalan.
"Ganda ng ngiti mo, boy. Manghihingi ka na naman 'nu?" Pinandilatan ko na nung pumasok, diskarteng Natnat, panes.
"Alam mo, te. Mukha kang fresh today." Sabay himas-himas 'dun sa mga unan ko.
Hinampas ko na.
"Aray naman, gege" Pago-over react ng jejemong hung-hang.
Kinakabahan ako palagi kapag ganito 'to. Okay lang naman sana kapag manghihingi ng pera, pero dahil kakambal ko ang nagpasimuno ng overthinking.... pano kung...
"Sinasabi ko talaga, Nathan. Alam kong mapusok ang mga kaedaran mo, hindi naman natin mapipigilan yan..."
"Ano ba pinagsasabi mo? Hindi ako nakabuntis! Wala nga akong gelpren. Sa gwapo kong 'to, nahihirapan talaga akong pumili sa mga nakapila" inagaw na niya, alam niya naman siguro kung ano ang patutunguhan, sorry naman.
"Nakapilang langaw, oo nga naman, sa bantot mong 'yan. Mabuti nang nagkakaliwanagan tayo". Nakahinga ako nang malalim at dadampot na sana ng wallet. Bibigyan ko na ng isang daan.
"Hep hep..." Pagpigil niya niya sa kamay ko.
"Hindi yan te...." Pag-iiwas niya ng tinggin. Mas lalo akong kinabahan.
"May nabuntis ka nga, harapin mo ako! Hindi nga ako nag-asawa dahil wala akong pambili ng gatas, gagawin mo pa akong pretty, hot tita? Jusme naman, Nat!" Naiiyak na ako, nag-iimagine ng kung ano-ano.
"Hindi nga! Eto kasi 'yun. May gig ako mamayang gabi at magpapractice kami ngayon. Kailangan ko ng Noli Me Tengene, ba 'yun?, yung libro ni Rizal. "
"Bopols ka talagang asungot ka! Wala kang respeto kay Rizal! Noli Me Tangere 'yun boy!"
Blood pressure check, 140 over 90, asan na catafresh at ilalagay ko na sa ilalim ng dila ko.
Asan kaya nagtatago si Natnat nung nagpa-ulan ng talino? Baka nagpayong?
"Sorry naman, kung hindi ko maipakita sa prof ko bukas na may libro ako, sure na sure babagsak ako. Hindi ko naman puwedeng palagpasin 'tong gig kasi kikita ako ng malaki dito. Ate, please, ip-pray ko talaga na masarap ulam natin for one month" Maluha-luha niyang eksplenasyon.
"Yoko nga!" Mabilis na sabat ko.
"Madami pa akong tatapusin ngayon. Ayoko. Nawawalan na ako ng quality time kay Kook Jung, magtatampo na 'yun." Pagpapaliwanag ko, na may kasaling kumpas pa ng kamay.
"Ate naman, dadagdagan ko prayers ko. Masarap na ulam in one month with premium peace of mind" Hala kumapit na sa braso ko.
"Ayoko nga. Give me some rest" Bobo pala kapatid ko, bakit ako nag English? Baka 'di niya gets. Char.
Hala nag puppy eyes.
Hala lumuhod.
"Ate... please..."
At dahil isa akong dakila at mapagmahal na ate, sino ba naman ako para hindi dinggin ang aking nag-iisang kapatid?
"Magkano?"
Kala niyo ha? Sa panahon ngayon. Wala ng libre, lahat may bayad.
Nako, sumimangot ang garapata.
"Ate naman..." Tumayo na sya nang tuluyan at sumimangot nang walang hanggan.
BINABASA MO ANG
Touch Me Not!
Ficción históricaOriginally released as a comic series on Webtoon: November 7, 2021 ... Written by: PlumaniKesha Story and Illustration by: Mijji .... Luke and Sam, previously high school classmates, crossed paths after 10 years and got isekai-ed as lovers from a p...
