Chapter 7 (Binondo)

125 12 10
                                        

Luke's POV

Tanaw na tanaw ko na ang daungan mula sa bintana, kahit papano ay nabawasan ang hilo ko dahil pinahidan ako ng lalaki kanina ng mabahong lana, parang amoy laway at panis na kanin. Habang hinihilot niya ang ulo ko panay din ang tawag niya sakin ng "Senyor Ibarra" at ang mga tauhang ipinatawag niya para linisin ang nagkalat kong suka ay "Senyor Ibarra" ,  "Don Crisostomo" o 'di kaya'y "Ginoong Ibarra" rin ang tawag sakin, walang Luke or Perez lang man. Gustohin ko mang magtanong kung nasaan ako at bakit panay "Ibarra" ang tawag sakin dito, pero hindi ko nagawa. Masyado akong takot na magkamali kung totoo ngang nasa misyon na ako.

Kailangang makumpirma ko kung ako nga si Ibarra.

Isinuot ko lang kung ano ang nakita kong nakasabit sa cabinet at parang nakaligpit narin naman ang gamit ng "Ibarra". Alam kong damit ito nga mga "Don" noong 1880s, tinatawag nila itong "three piece suit" na may kasamang kurbata, sombrero at baston na parehong nakalatag sa mesa. Wala naman akong choice kundi isuot kung ano ang mga nandito.

"Tayo'y naririto na sa daungan, Senyor" mabuti naman at kumatok na si manong bago magsalita.

Lumabas na ako sa silid at parang naestatwa nalang ako dahil parang lahat nakatingin sakin, lahat ata ng mga kalalakihan ay pawang ganito rin ang suot,  ang mga kababaihan naman ay naka "traje de mestiza" na tagung-tago ang mga mukha sa malalapad nilang mga abaniko pero kitang-kita na sumusunod ang mga mata sa bawat galaw ko.

Alam ko namang gwapo ako.

Napapikit na lamang ako dahil unti-unti ko nang napapaniwala ang sarili ko na wala ako sa mundo ko at kung tama nga ang hinala ko, nasa loob ako ng librong hawak ko bago ang lahat ng ito, ang Noli Me Tangere.

Papanaog na kami sa bangka ng hinabol ako ng manong kanina.

"Senyor Ibarra" pagpipigil niya sa matulin kong lakad.

"Ako'y nag-aalala sa inyong kalagayan, wari ko'y hanggang ngayon ay mayroon parin kayong dinaramdam"

Tumigil na muna ako sa kakalakad para makadaan ang iba 'pang nasa likuran ko.

"Ayos na po ang pakiramdam ko, salamat sa inyong mabahong lana, este sa inyong mabisang lana". Pinilit kong ngumiti, kasi kung ako nga si Ibarra ngayon, siya ay isang napakabait na tao na sobra-sobra ang malasakit sa mga Indio.

(Indio- ang tawang sa mga katutubong Pilipino na walang bahid ng dugong Espanyol.)

"Ngunit Senyor, akin ho ang tampiping hawak nyo, eto po ang inyong bagahe." Mukhang nahihiya pa si manong pero ako 'yung nahiya kasi sa porma kong 'to na daig pa dadalo sa JS prom, eh tampipi ang hawak.

(tampipi- malaking basket na gawa sa buri.)

"Naku, ako yata'y wala sa aking ulirat, manong. Marami akong nasa-isip ngayon." Kahit nagtuturo ako ng history, bumabaluktot parin ang dila ko sa malalalim na tagalog.

"Baka naman nasa inyong ini-irog ang inyong diwa, Senyor. Dinig ko'y ngayong gabi ay magtatagpo na kayo ng kaisa-isahang diamante na nagbibigay kinang sa inyong buhay". Namumula naman si manong na parang nanunukso.

Ang sarap pala sa tenga kapag ganito ka lalim ang mga salitang ginagamit, tapos topikong pag-ibig pa, hindi gaya sa mga babae sa paaralan na "Pogi mo, sir", "Hot mo, sir", "Pa mine sir Luke", "Choke me, step on me, daddy" at kung anu-ano pa.

Napangiti nalang ako, teka sandali? Iniirog?

"Iniirog? Anong ibig sabihin..." agad namang pinutol ni manong ang mga susunod kong sasabihin.

"Naku Senyor, halos batid na po ng buong bayan na kayo'y magkasintahan ng isang napakagandang dilag, ang anak ni Kapitan Tiyago, ang nag-iisang anghel na si Maria Clara". Hindi ni manong napigilan ang kilig dahil tinakpan na nito ang mukha ng sombrero niyang gawa sa buri at humagikhik na parang nagbibinata palang.

Touch Me Not!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon