Chapter 10 (Ang Alamat Ng Tuko)

113 10 11
                                        

Sam's POV

"This is sexbomb Sam roger... 1 2 3, clear..." Pagkumpirma ko nang wala akong makitang aninong nakasunod, kaya patakbong nagtago ako sa likod mg malaking kahoy.

 "Follow... follow" char, wala pala akong kasama. Sus, hindi nga siguro ako mahihirapan kung sa mga pelikula ni FPJ ako na isekai. Kering-keri ang moves, paihip-ihip pa sa dulo ng baril pagnakachugi ng kontra partido, nyahahahha. Panglimang oplan takas na ata 'to pero feel ko ngayon ako magiging successful nyahahhaa. 

Kahit sumakit bahagya ang hita ko sa pag-akyat ng bakod, worth it naman kasi sure na sure na ako na hindi ako mahuhuli ng "taranta siblings".

 "Aroy aroy" pagrereklamo ko, parang nasobrahan ata sa stretch ang legs ko at biglang bumagsak ang balikat ko nang makitang may back gate pala, at bukas pa.

Nag isplit pa ako ng wala sa oras." Panghihihinayang ko. 

"An enemy is approaching..." sabi ng radar ko nang may narining akong tunog ng kalesang papalapit, pero huli na ang lahat, nakita na nila ako dahil super kitang-kita ang suot kong red outfit, kung nag Green nalang sana ako edi nag camouflage pa sana sa mga halaman, tigas kasi ng ulo ko. 

Sige lang, there's always good in bad nga daw sabi ng mama ng kapitbahay namin. 

"Ya hu..." Pagpapatigil ng kotchero at shocks may nakita akong pogi na nakasakay sa likod.

 "Binibini, masyadong madilim para ika'y mag-isa lamang sa lugar na ito." nagsalita si Kuya pogi, nyahahahah parang hindi niya ata kilala na ako si Maria. I'll grab this wondaarful opportunity.

 "Oo nga eh, mag-isa lang ako." Nagmamaka-awa look. Kuya, Isakay mo na ako, pls. "Oh siya, ika'y aking tutulungan upang maka-akyat, marami kasing ligaw na mga masasamang loob, lalo na at ika'y isang nakakahumaling na binibini." 

Kahit madilim nakita ko kung papano mamula ang pisngi ni koya pogi. Baka may naka-inom? Ah bahala na.

 "Saan ang iyong tungo? Ako kasi ay papatungo sa Maynila" Tanong niya.

 "Dun din ako, hihihi." Sagot ko naman habang nakayuko dahil baka may makakita sakin na sumama sa isang pogi. 

Sorry na, Dr. Rizal. Kalayaan ko muna bago landi kay Ibarra, next time na siya. 

"Ano ba pangalan mo... po?" makalimutan lang lahat 'wag lang ang mahiwagang "po". Kailangan kong malaman, baka side character lang siya. Mabait naman ho kayo kaya sana hindi na important character, tragic story nga eh, so less participation, less ligwak. 

"Ako is Alfonso." Alfonso? Alfonso? Shocks. 

"Linares??!" Jaw drop na naman ako, akala ko bujort 'to sa libro, bakit ang pogi, jusme!

 "Stop the car, I mean the kalesa!" Na shookt ako bigla, kasi naman, need na bumaba, si Linares pala to eh, escape nalang huhuhu.

 "Manong, itigil mo daw ang kalesa." Naks naman, educated na si koya this generation, knows na umenglish!

 "Dito lang pala ako, hindi na pala ako tutuloy, sorry sa abala" Dali-dali akong bumaba, safe naman siguro dahil lagpas na ng ilang metro sa bahay ni tatang. Oks na siguro 'to. 

"Thank you po, Ginoong Linares!" pagpapasalamat ko bago tumalon pababa.

 "Binibini! Ako'y iyong hintayin" Luh, bumaba 'din. Haru, kinikilabutan na ako. 

"Ako'y biglang nabulabog sa ating unang pagtatagpo, at baka hindi ako magkakaroon ng katahimikan kung ika'y aking papalagpasin na hindi man lang batid ang iyong pangalan." Hay pogi sana kaso daming satsat, pinapahaba pa eh, nagtatanong lang naman pala ng pangalan.

 "Sam, ako si Sam. K. Bye" sagot ko at tuluyan nang tumakbo.


 "Tada!" Kinuha ko ang maliit na lagayan mula sa dibdib ng traje de mestiza. (Kaya ko pinili ang red kasi may space sa dibdib, so now, gets nyo na?) Guess kung ano ang laman? Syempre, kayamanan! Mabuti nalang talaga at mayaman itong si Maria Clara, daming alahas eh, unang tingin palang, alam mo na talagang mamahalin at tunay na gold. Kung bitbit ko 'to papabalik ng mundo ko, isasangla ko kaagad sa Pawalan Pawnshop hahahahahha. Magkano na kaya lahat 'to? Hihi Hindi naman ata pagnanakaw 'to diba? Ako naman daw si Maria Clara so habang dito ako, it's mine. 

Lumingon-lingon ako sa paligid, parang hindi safe, anytime pwedeng may makakita sakin, kaya umakyat ako sa second floor ng isang malaking bahay ba 'to o simbahan? Parang may hallway kasi kaya better nalang kung dun ako dadaan, kasi wala akong nakikitang tao, kesa naman sa gitna ng daan ako mag fashion show. 

Wala talaga akong nakitang tao. Medyo malamig ang hangin ah, nakakakilabot. 

  *silip silip 

"TUUKKOOO!" biglang may tumunog na maliit na halimaw.

 Ay anak ng tuko!!! Tuko nga!

 Biglang may lumitaw lang naman na tuko habang sumisilip ako sa bintana, nag-eye to eye pa nga kami. At dahil sa gulat ko, bigla ko nalang naitapon ang kayamanan. Pinagmasdan ko nalang ang pouch na lumilipad sa hangin, sinubukan ko pang isalba pero huli na ang lahat.

 "Plok" tunog ng pouch na nahulog sa pond. 

Ang aking kayamanan!!! 

Wala na, wala na akong maisasangla. Huhuhu. Mangiyak-ngiyak ko nalang na pinagmamasdan ang paglubog nito sa tubig. 

"Kasalanan mo 'to eh!" Sigaw ko sa tuko na parang nakangiti pa!

 "Tunggaakk!" hala, sumabat pa talaga! At tama ba ang narinig ko?! Tungak? Naghahanap talaga 'to ng digmaan eh, sandali, maghahanap lang ako ng stick, tutusukin talaga kita, tingnan natin kung sino ang tungak sating dalawa! Habang nakayuko ako at naghahanap ng pwedeng maging armas laban sa tuko ay may narinig akong nag-uusap. Boses ng dalawang lalaki, kaya sumilip ako. 

Unlimited jaw drop. Tama ba 'tong nakikita ko?

*kurap kurap


Si Luke?!!

Syet, si Luke nga! Tama, si Luke nga! Hala! Bakit narito 'yan? Napasok din siya sa Noli? So, dalawa kami ang nakapasok kasi sabay naming hinawakan ang libro. Buong akala ko naging ulam na siya. Nakahinga ako ng malalim dahil may kasama na ako, hindi na ako mag-isa sa scary and lonely world na ito!

 "Wooyy! Luke! Pssst!" Nilakasan ko talaga ang sigaw para dinig agad, pake ko kung may kausap siya. Napatingin sila ng kausap niya sa kinatatayuan ko pero agad niyang iniwas ang paningin at inakbayan ang kausap na parang hindi ako nakita. 

"Ey, Perez! Walang ganyanan, alam kong nakita mo ako." Hindi na ako naghintay pa ng sagot, bumaba na ako para puntahan siya.

 "Sabi ko na nga ba, ikaw nga Luke! Kunwari ka pa, ha!" Hinampas ko siya kasi parang timang, denedma ang beauty ko.

 "Hindi ba't siya ang anak ni Kapitan Tiyago at ang iyong mapapangasawa, Crisostomo?" Kunot- noong tanong ng matandang lalaki na mukhang Spanish sa kay Luke na parang naka uniporme.

  Wait, whut? Ano ang tawag sa kanya? Crisostomo? Shocks! Crisostomo? As in Crisostomo?

Unlimited jaw drop part two.

Namilog naman ang mga mata ni Luke na parang gulat na gulat din.

"Ikaw si Maria Clara?!" / "Ikaw si Ibarra?!" Sabay naming tanong sa isa't-isa.

Touch Me Not!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon