Chapter 6 (Luke)

145 12 30
                                        

Luke's POV

Katulad ng mga ordinaryong araw, mas nauna na naman akong gumising kesa sa sigaw ng alarm. Hindi na ako nakakatulog 'pag alam kong marami na ang gising para mag hanap-buhay, hindi rin ako kuntento kung walang may natatapos o may nagagawa sa isang araw.

Hinawi ko ang kurtina at hinila ang blinds ng bintana para lumiwanag ng konti at niligpit na ang kama. Gusto ko 'yung hindi nagmamadali 'pag umaga, 'yung madama ko muna ang aroma ng kape ko at makapagbasa ng mga libro. Magiging normal lang naman na araw ito kaso nga lang sira ang sasakyan ko kaya mag cocommute lang ako.

Nagtoast lang ako ng tinapay para sa agahan at nilinis ang condo ko bago umalis. Ganyan ang personalidad ko, malinis at organisado.

"Good morning, Sir Luke!" bati ng mga estudyante sa hallway ng paaralan, samo't-saring tili ang mga naririnig ko.

"Pogi mo talaga, Sir Perez!" Sigaw ng isang Grade 7 ata 'yun, tinanguan ko lang bilang pagresponde. Ayoko ng binabati ako gamit ang hitsura ko, gusto kong batiin ako sa dahil pagiging guro ko.

Kabataan talaga ngayon.

Sanay naman ako sa ganitong mga pagbati, pero dahil wala akong sasakyan ngayon mas lalo akong nawalan ng gana.

Dumaan muna ako sa faculty room para kunin ang mga libro at mga kakailanganin ko sa pagtuturo. Pinagtitinginan na naman ako ng mga co-teachers kong mga babae, nasanay na naman ako pero minsan, nakakairita na.

Saan na ba 'yun? Bigla akong napatigil nang hindi ko mahagilap ang librong Noli Me Tangere, kailangan ko ang librong 'yun. Hinukay ko pati ang kailaliman ng drawer ko ngunit wala akong nakita, napahawak naman ako sa sentido nang maalala na ibinigay ko pala sa isang estudyante ang libro dahil naglakas loob itong lumapit sa akin at nagbigay alam na wala talaga siyang pera pambili, sa awa ko naman, kahit ginagamit ko, ibinigay ko nalang.

Hindi ko man lang naalala bumili ng bago.

Kabisado ko naman ang ganap at pasikot-sikot ng Noli dahil magtatatlong-taon na akong natuturo nito, pero iba parin pag may librong hawak.

Pagkatapos ng klase ay dali-dali akong tumungo kay Miss Mim para makabili ng libro at dahil uwian na halos ng mga commuters, napasinghap nalang ako nang makita ang nagkukumpulang tao.

Kung saan sira ang sasakyan ko, 'dun naman may importanteng bilihin.

Ayokong makipagsiksikan kaya dahil ayoko lang, daming hiningang hindi ko kilala, tinatamad ako. Sa inip ko kakahintay ng pangalawang jeep ibinaling ko na lamang ang utak sa mga gawain at mga bagay na dapat tapusin, kailangan kong ayusin ang pagkasunod-sunod sa memorya ko..

Nang may narinig akong kalabog at sumunod din ang babaeng dumagpa sa lupa. Hindi pangkaraniwan na dagpa lang, para bang lumipad talaga siya galing jeep. Hindi ko napigilan ang tumawa. Wala ako sa mood ngayong araw, 'di ko inakalang may mag eeksibisyon para mapatawa ako. Hindi ko na maalala kung kelan ang huli kong tawa dahil masyado akong seryoso na klaseng tao, pati ngiti ay napakadalang din.

Sakit siguro 'nun hindi na gumagalaw eh.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa gitna ng karsada.

Si Sam...

Ang ngiting lumabas kanina sa mukha ko ay palihim ko nalang na itinago.

Sampung taon na ang nakalipas, hindi parin pumapalya si Sam, napatatawa niya parin ako.


"Miss Mim!" sigaw ko habang buhat-buhat si Sam na tulog na tulog, nakanga-nga pa at patulo na ang laway. Hindi ako sigurado kung ano ang mga nangyayari. Ginapangan na ako ng takot dahil hindi ko makita kung saan si Miss Mim at biglang hinimatay si Sam.

Touch Me Not!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon