Originally released as a comic series on Webtoon: November 7, 2021
...
Written by: PlumaniKesha
Story and Illustration by: Mijji
....
Luke and Sam, previously high school classmates, crossed paths after 10 years and got isekai-ed as lovers from a p...
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero may naririnig talaga akong mahinang boses ng isang babae na nagbabasa. Napakaweird lang sa feeling kasi kumukulog din nang malakas sa labas.
Jesus saith unto her, Touch me not; for I am not yet ascended to my Father: but go to my brethren, and say unto them, I ascend unto my Father, and your Father; and to my God, and your God.
"Miss Mim!" Medyo pasigaw na ang tawag ni Luke sa babae kanina pero walang sumasagot.
"Miss Mim!!!" Inulit ni Luke ang pagtawag, pero sa boses na parang kinakabahan. Sa apat na taon naming magkasama nung highschool ay hindi ko man lang siya narinig sa ganitong tono. Kung hindi seryoso o blanko, parang bored o walang gana lang talaga ang makukuha mo.
Natakasan ako ng takot ng may biglang umilaw na kandila sa puwesto ni ateng cosplayer pero laking gulat ko na...
kandila lang at wala si ateng.
Ilang sandali pa'y hindi na nag-iisa ang kandila, may kasama na itong makulay na gamu-gamo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Palibot-libot ito sa kandila na sa hindi kinalaunan ay nakahagip ng apoy at tuluyang nasunog.
"Luke..." mahinang tawag ko ng tulong dahil nahilo ako bigla, sobrang hilo.
Hindi ako puwedeng mawalan ng malay, makukuha niya ang libro. Kailangan ko ang 1k.
Kahit pabagsak na ang talukap ng mga mata ko, sinigurado ko paring mahigpit ang kapit ko sa libro.
"Luke, nahihilo ako..." Ayokong umamin na nanghihingi ako ng tulong kasi alam kong malakas ako, pero ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ko maintindihan.
"Sam... Sam!" Boses ni Luke na hindi ko na masyadong naririnig. Naramdaman ko nalang ang kamay niya na umaalalay sa likod ko.
"Ang libro..." lnipon ko lahat ng natitira kong lakas para sabihin kay Luke na akin na ang libro pero hanggang dun nalang ang naalala ko at ang boses niyang kinakabahan at inuulit ang pangalan ko.
"Sam! Gumising ka, Sam!"
**
**Sa kasalukuyan**
"Lagi nalang umuulan, parang walang katapusan tulad ng paghihirap ko ngayon parang walang humpay..." pa kanta-kanta akong bumangon dahil ang sarap-sarap ng tulog ko, ang ganda pa ng view dito sa bintanang estetik, very vintage at classic.
Pati yata ang panahon, naloloka narin, umuulan pero sumisikat ang araw. Sabi ng lola ko, may kaganapan daw na kakaiba kapag ganito o may ikinakasal na enkanto.
EEEHHH? BAKIT GANITO??! NANDITO PA RIN AKO?! AKALA KO PANAGINIP LANG 'YUNG NA ISEKAI AKO?!
Napa-upo ako sa kama na parang Mendawi foam dahil tulirong-tuliro pa ako, ang naalala ko lang ay 'yung nasa bookstore kami ni Luke, nahihilo ako nun nang sobra pero hindi ko binitawan ang 1k ko. Tapos pag gising ko, akala ko nasa set ako ng isang prank show tapos tumakbo ako papalabas na parang naloloka tapos boogssh, nahilo na naman ulit at gumising parin sa the same set.