13. Development

309 44 0
                                    

"Sigurado ka na dito ka matutulog? Baka hindi ka maging komportable sa liit ng lugar na 'to, Master Cain." Sambit ni Valentina habang inaayos ang hihigaan ni Cain, ang kama ni Ethan.

Gamit naman ni Cain ang cellphone nito upang ilawan si Valentina sa kanyang ginagawa. Hindi naman sa sobrang dilim ng paligid, makulimlim ang langit sa labas kaya medyo madilim sa loob ng apartment.

Tumango si Cain, "masyado pang malakas ang buhos ng ulan at masama ang pakiramdam ko." Anito.

Nang mapagpagan na ni Valentina ang kama ay pinahiga na n'ya roon si Cain, "mag-pahinga ka muna, Master Cain. Maaga pa naman."

"Ikaw din." Sambit nito at umupo sa kama. Bago patayin ang flashlight ay nasulyapan n'ya ang mga missed calls ng kanyang kapatid at ng mga taong parte ng kanilang organisasyon.

Alam n'ya sa sarili n'ya na hindi s'ya makaka-abot ng kanilang flight papuntang Taipei, at wala na s'yang magagawa. He made this choice, wala na s'yang magagawa kundi panindigan ito. At isa pa, mukhang nasulit n'ya naman at mukhang susulitin pa.

Humiga na rin s'ya sa kama at isinara ang cellphone n'ya.

Nakatitig nanaman sa kisame ang dalaga at nag-iisip nang malalim. Ang ingay din kasi ng ulan kaya hindi s'ya makatulog.

"Introverted kaya yung mga kamote?" Tanong nito sa sarili. Tumagilid pa ito sa kama, "kasi diba, mag-isa sila sa ilalim ng lupa tapos hindi sila nakikipag-interact sa ibang mga kamote..."

"...at isa pa! Magkamag-anak kaya ang kamote at patatas? Tapos bakit tinawag na sweet potato yung kamote? Sweet ba sila tapos walang modo yung patatas? What." Walang kabuluhang pag-kausap nito sa kanyang sarili.

Ilang minutong lumipas ang pag-mumuni-muni at pag-iisip ng kung ano-ano nang makaramdam s'ya ng parang nanginginig sa kama.

Bumangon s'ya at sinilip si Cain. Nadatnan n'ya itong nanginginig sa lamig.

"Master Cain?" Pag-aalala nito. Malay ba ng dalaga kung napopossess na pala yung amo n'ya.

Agad s'yang bumaba mula sa kanyang kama at hinipo ang noo at leeg ng kanyang amo, inaapoy ito ng lagnat.

"Nag-pabili ng gamot tapos hindi naman ininom kanina." Reklamo ng dalaga.

Upang maging presko ang pakiramdam ni Cain ay hinubad ni Valentina ang suot nitong hoodie.

Inayos n'ya ang higa ng kanyang amo at pansin n'ya na hapong-hapo ito. Binuksan n'ya ang benda na nasa braso ng kanyang amo at bumungad sa kanya ang magang-maga na braso. Ayon sa sugat ni Cain, hindi pa napapagamot ito.

"Jusko." Usal ni Valentina kasi hindi n'ya alam ang kanyang gagawin.

Inilabas na lamang n'ya ang first aid kit at kinuha ang agua oxinada tsaka binuhos sa sugat ni Cain. Nakahinga s'ya nang maluwag dahil hindi manlang nag-react si Cain kundi patay s'ya nito.

Pagkatapos nun ay pinunasan n'ya ang sugat ng malinis na tela na may alcohol at nilagyan na ito ng betadine atsaka binalot ng benda, "i-ito lang talaga ang alam kong first aid..."

Hinipo n'ya ulit ang leeg ni Cain at sobrang init pa rin nito. At isa pa, walang tigil ang panginginig nito.

Bumuntong hininga si Valentina at tinabihan sa pag-tulog si Cain at gumamit pa ng kumot para sa kanilang dalawa.

Gumalaw ang kamay ni Cain at mabilis na yumapos sa kanyang bewang at hinila pa ang katawan ni Valentina palapit sa kanya dahil sa nararamdamang kalamigan.

"A-Ang init..." Usal ni Valentina. Dahil na rin sa blackout ay wala silang magagamit na electricfan o aircon. Kaya walang nagawa si Valentina kundi hubarin ang kanyang pang-itaas para presko ang kanyang pakiramdam.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon