19. Overwhelm

272 43 0
                                    


Pagkatapos tawagan ni Akito ang amo n'ya at ibinalita ang nangyari ay agad-agad silang umuwi sa mansion.

"MAKI GILREI FERRER!"

Kakapasok pa lamang ng mansion ay umaalingawngaw na ang boses ni Cain.

'Anong nangyari?' Napuno rin ng pag-tataka si Valentina dahil nagulat lang din naman s'ya nung hilain s'ya ni Cain palabas ng mall para umuwi. Hindi pa nga ito kumakain kaya parang sumasama na ang pakiramdam n'ya.

Bumaba ng hagdan sila Alessandra, Akito, at Stella. Si Stella ay tila'y binugbog ang katawan sa dami ng benda kahit halos wala namang sugat ang katawan n'ya.

"C-Cain..." Mangiyak-iyak na tumakbo ito pababa ng hagdan.

Si Valentina naman ang sumalubong sa kanya at sinalo s'ya, "be careful, baka madapa ka sa sahig." Nginitian ito ni Valentina.

"Tsk, I need him and not you." Bulong nito kay Valentina at lumapit kay Cain upang yumakap.

'Ang harot-harot naman ng babaitang 'to, sabagay... fiancee nga pala 'to ni Master Cain. Ay naku! Bahala sila maglampungan dito.' Napairap pa si Valentina.

"Ate Val!" Kumaripas ng takbo si Gilrei at yumakap kay Valentina. Napansin ni Valentina ang pamumula ng mata ng dalagita galing sa iyak.

Matalim ang mata nitong lumapat kay Stella at nasaksihan ito ni Cain, "why did you do that, Gilrei?" Baling ni Cain sa kanyang anak.

Itinabi ni Cain si Stella at nilapitan ang anak. Agad na bumaba si Alessandra at Akito dahil baka kung ano ang gawin ni Cain sa kanyang anak.

"I was defending myself-"

"From what?! Diba sinabihan na kita na hindi pwede ang aso at kung ano-anong mabalahibong hayop sa pamamahay na 'to?!" Sigaw ni Cain.

Halos umiyak si Gilrei dahil sa pag-sigaw ni Cain. Umangat ang tingin ni Gilrei sa kanyang ama, "I don't like her! She's a b*tch-"

Natahimik ang lahat sa pag-sampal sa kanya ni Cain, "w-what did you say...?" Hindi maipinta sa mukha ni Cain ang reaksyon nito dahil sa lenggwahe ng kanyang anak.

Narinig ni Valentina ang hagikgik ni Stella kaya nilapitan n'ya ito at hinila ang buhok, "did you just laugh?"

"Valentina, don't interfere-" saway ni Cain.

"S-Sorry." Agad na binitawan ni Valentina si Stella, nabigla rin ito sa ginawa ni Valentina.

'Agh, dala ng gutom ko talaga 'to...' Usal ni Valentina at pinanghilamos ang kanyang palad.

"I HATE YOU! I HATE YOU SO MUCH!" Hiyaw ni Gilrei at tumakbo palabas ng mansyon.

"Gilrei!" Pag-tawag pa ni Cain sa kanya.

Susundan na n'ya sana ito nang pigilan s'ya ni Alessandra, "hayaan mo na muna si Akito ang sumunod sa kanya."

Nilingon ni Alessandra si Stella na gulo-gulo ang buhok dahil sa ginawa ni Valentina, "Val-"

"Ako na lang ang susunod kay Gilrei." Boluntaryo ni Valentina at sumunod kay Akito.

"Cain, huwag mo na ulit gagawin 'yan kay Gilrei." May inis sa tono ni Alessandra habang nakatingin kay Cain.

"You, bumalik ka na sa kwarto mo para makapag-pahinga ka na." Baling naman nito kay Stella. May mga tauhan na umalalay sa kanya upang ihatid ito sa kwarto.

"It's discipline, kaya natututo ng mga ganyang bagay si Maki dahil ini-spoiled n'yo." Tumalikod si Cain upang umakyat sa kwarto n'ya.

Alessandra scoffs while crossing her arms, "Naririnig mo ba 'yang pinagsasabi mo Cain? Nakakalimutan mo na ba na kriminal ka? Tapos gusto mong good manners ang matutunan n'ya sa loob ng mansyon na 'to?"

"That's why I want her to maintain her good manners, dahil kriminal ako." Sagot ni Cain na nagpatahimik kay Alessandra.

"Huwag kang mag-alala, ako ang maghahanap sa kanya ngayon. Kukunin ko lang ang susi ko." Kalmado lamang si Cain at nag-patuloy sa pag-lalakad.

"GILREI!" Paghahanap ng dalawa kay Gilrei. Umabot na sila sa syudad dahil hindi talaga nila mahanap ang dalagita.

"Maghiwalay muna tayo, mag-tatanong tanong ako roon." Paalam ni Valentina.

Binuksan ni Valentina ang cellphone n'ya upang may maipakitang litrato sa pagtatanungan n'ya.

"Excuse me po, tanong ko lang po kung may nakita kayong bata dito," panimula ni Valentina, "ito po pala yung picture n'ya." Sambit nito at pinakita ang kanyang cellphone.

Agad na umiling ang napag-tanungang ale kaya naglakad-lakad ulit ito upang mag-tanong naman sa iba ngunit pag-iling lang din ang mga sagot nila.

"Iha..." napalingon si Valentina sa likuran n'ya.

"Yung hinahanap mo, naka-suot ba ng kulay rosas na bestida?" Tanong ng babae sa kanya. Medyo nagulat si Valentina sa pag-lapit ng babae pero nakisama naman s'ya agad.

Tumango si Valentina, ang kulay rosas na bestida ay pantulog na suot ngayon ni Gilrei.

"N-Nakita n'yo po ba s'ya? Alam n'yo ba kung saan s'ya dumaan?" Pag-aalala ni Valentina.

"Kasabayan ko s'ya sa ice cream parlor kanina, may kasama s'yang lalaki... may itsura ang lalaki. Ang akala ko nga ay kapatid ng lalaki ang bata." Paliwanag ng babae at tinuro ang ice cream shop, "ang pagkakaalam ko... pagkalabas nila ay doon sila dumaan." Pag-turo naman nito sa kaliwang daan.

"Papuntang park?" Pagtataka ng dalaga bago pasalamatan ang babae.

Dinial ni Valentina ang numero ni Akito upang ibalita kung saan n'ya matatagpuan si Gilrei ngunit napatigil s'ya sa paglalakad nang hindi sumasagot si Akito, binabaan lamang s'ya nito.

"Mr. Sanjeev..." Usal nito at nag-madaling pumunta sa park.

Mabuti na lamang ay nadatnan nga n'ya si Gilrei na naka-upo sa park bench habang kumakain ng ice cream at may kasamang lalaki na naka-suot ng cap kaya hindi masyado maaninag ni Valentina ang mukha nito.

Naghintay ng tyempo si Valentina. At nang tumayo ito ay agad n'yang sinugod ng sipa at mabilis na naka-ilag ang lalaki.

"Ate Val!"

"D'yan ka lang muna, Gilrei. I can handle this." Sambit ni Valentina at agad na namuo ang tensyon na namamagitan sa dalaga at sa lalaking katapat nito.

Muling sumugod si Valentina at sunod-sunod na sinipa ang lalaki, hindi n'ya inakala na magaling pala umiwas ang lalaki.

"Tsk..." Usal ng dalaga at sinugod ng suntok ang lalaki. Sinalo ng lalaki ang kamao ng dalaga at hinila ito palapit sa kanya.

"Huwag mo naman sirain ang kapogian ko." Inalis ng lalaki ang sumbrero n'ya at nginitian si Valentina.

"E-Ethan?!" Napawi ang matalim na tingin ni Valentina at napalitan ito ng kasiyahan sabay yakap sa matalik na kaibigan.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon