26. Exhaustion

305 42 0
                                    


"How's he?" Tanong ni Valentina sa personal doctor ni Cain. Isang linggo na ang lumipas nang mawalan ng malay si Cain at dalawang araw na s'yang may lagnat.

"Heart rate and breathing are stable. However, wala pa rin s'yang malay." Sagot nito, "maiiwan muna kita." Paalam nito at tumango na lamang ang dalaga at pinanood ang pag-lisan ng doctor.

Cain's absence can lead to Gilded Flame's organizational failure. Habang wala si Cain, si Valentina ang nag-lakas loob na kumausap sa Godfather na bigyan sila ng isang buwan upang ayusin ang mga nangyayari.

Binalaan na si Valentina na hindi n'ya ito kaya sa loob lamang ng isang buwan ngunit malaki ang tiwala nito kay Cain, at sa lahat ng myembro ng organisasyon.

Pumasok ng silid si Valentina at pinagmasdan ang isang mabangis na leon na ngayo'y mahimbing na natutulog, "Gilrei has friends, yey." Pilit na tumawa si Valentina. Hinanda nito ang palanggana na may maligamgam na tubig at binabad ang bimpo upang ipunas ni Valentina sa katawan nito.

"Pero ang sabi n'ya mas gusto n'ya lang makipag-laro sa mga aso n'ya. Also, she's getting better from her asthma." Pagka-usap ni Valentina sa kanya.

Pagkatapos punasan si Cain ay tiningnan ni Valentina ang oras, "susunduin ko na muna si Rei."

"Get well soon, Cain..." Bulong ni Valentina at hinalikan ang binata sa noo bago lumisan.

Pagkalabas ng kwarto ay sinalubong ito ni Lucius, ang sekretaryo na ina-sign ng Godfather kay Valentina.

"Mrs. Ferrer, Godfather is here." Iniabot ng binata kay Valentina ang coat nito.

Tinanggap ito ni Valentina at isinuot bago bumaba ng hagdan upang salubungin ang Godfather.

"Here she comes." Sambit ng Godfather. Sinalubong n'ya ito ng yakap, "how are you, Godfather?"

"I'm great. How's Cain?" Nakangiti ito at alam kong nag-aalala rin s'ya. Dahil sa pag-ako ni Valentina ng responsibilidad ni Cain, nakilala ng dalaga ang Godfather.

Hindi s'ya mahilig mag-labas ng emosyon pero maaalahanin ito, naiintindihan n'ya rin ang sitwasyon ng iba.

"Wala pa rin s'yang malay." Buntong hininga ni Valentina.

"I'll visit him, susunduin mo ba si Rei?" Tanong ng matanda at tumango si Valentina, "alright, take care of yourself." Paalala ni Godfather at hinalikan ang dalaga sa ulo.

"I will, Godfather." Napangiti si Valentina at gumanti ng halik sa kanyang pisngi.

Pag-kalabas ng mansyon ay hinanda na ng mga tauhan ang kanilang sasakyan. Si Lucius ang nag-mamaneho dahil ito ang bilin ni Godfather.

"Any upcoming schedules?" Tanong ni Valentina habang nasa loob ng kotse. Hawak n'ya ang tablet ni Lucius at nag-babasa ng updates sa media. Ganito ang strategy n'ya upang malaman ang maaaring galaw ng kalaban.

"Private meeting with Boss Drago on Wednesday regarding sa incident ni Gilrei last week, Drake's birthday party on Thursday, and flight mo na sa Friday, may appointment ka kay Mr. Mihajlovich about investment." Saad ni Lucius.

Napahawak sa noo si Valentina at bumuntong hininga, "I almost forgot about my flight..."

"Sigurado ka na hindi ko pwedeng sabihin kay Godfather ang plano mong mag-invest kay Mr. Mihajlovich?" Tanong n'ya.

"Yes, huwag mo muna ipaalam." Usal ni Valentina.

Lumipas ang trenta minutos na byahe ay nakarating na sila sa tapat ng school ni Gilrei. Naunang lumabas si Lucius at pinag-buksan ng pinto si Valentina, "thank you, Lucius."

"Don't sweat, Mrs. Ferrer." Ngumiti ito.

Lumabas ng kotse si Valentina at sinalubong si Gilrei, "I'm so tired!" Napabuga ng hangin si Gilrei habang naka-akap kay Valentina. Kinuha naman agad ni Lucius ang dalang gamit ng dalagita at ipinasok sa trunk ng kotse.

"You survived, my dear. Good job." Sambit ni Valentina at hinaplos ang buhok ng dalagita.

"Bye-bye Maki!" Paalam ng kaklase nitong si Sky. Kumaway naman pabalik si Gilrei.

"Let's go, Ate Val... I don't like attention." Aniya at pumasok sa back seat na ikinatawa ni Valentina.

Bumalik sila sa kotse at agad namang pinaandar ni Lucius ang makina ng kotse. Binuksan nanaman ulit ni Valentina ang tablet ni Lucius at nag-basa ng government updates.

Sinilip n'ya si Gilrei sa rear-view mirror, "may gusto ka bang kainin for lunch?" Tanong ng dalaga.

"Nothing, Ate Val. Medyo napagod lang ako." Sagot ng dalagita.

Isinara ni Valentina ang hawak na tablet at itinuon ang atensyon kay Gilrei na nasa likuran, "ice cream?" Suhestyon ni Valentina.

"Tinatanggihan po ba 'yan?" Muling sumigla si Gilrei.

Pinatigil muna ni Valentina ang kotse at dumeretso sila sa isang ice cream parlor. Pumasok silang tatlo at nag-simula nang pumili ng flavor.

"Nakapili ka na Gilrei?" Tanong ni Valentina, dahil isa lang naman ang gustong flavor ng ice cream ng dalaga.

"I want... strawberry, mango, and vanilla. Nasa waffles po, thank you." Nilista ng nagtitinda ang mga customize na order namin.

"Mango graham special, medium." Magtatanong pa lamang si Valentina kung ano ang gusto ni Lucius ngunit umorder na ito agad.

"Wow, alam na alam agad ang order." Sambit ni Valentina at kumuha ng pera sa kanyang sling bag.

"Yun lang po madam?"

"And one plain strawberry in a crepe." Saad naman ni Valentina sa kanyang order bago ito binayaran lahat.

Tatlo silang umupo muna habang inaantay ang ice cream nila. Pinanood muna nila ang naka-bukas na television sa loob ng lugar.

Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Valentina kaya sinagot n'ya naman agad ito, "I already booked a hotel for you to stay for tomorrow after private meeting." Bungad agad ni Maxin, this is Drago's secretary.

"Thank you, Maxin. Muntik ko nang makalimutan 'yan." Napabuntong hininga si Valentina dahil sa stress.

"No worries, I got you madam." Tugon ni Maxin bago ibaba ang tawag.

"Hindi ka na siguro natutulog, Ate Val... makakalimutin ka na." Sabi ng dalagita.

"Don't worry, babawi ako ng tulog mamayang gabi then tomorrow." Usal ni Valentina.

Dumating na ang order nila at nag-simula na silang kumain, "by the way... Ate Val, may event daw po kami sa Saturday. Parang prom po pero with a twist. Yung kapartner daw po is yung parents. Gusto sana kita yayain."

'Oh no...' huminga nang malalim si Valentina.

"I-I'll try." Usal ni Valentina. Paano kaya s'ya makaka-uwi nang maaga sa sabado?

Pinanood ni Valentina ang pag-kain ni Gilrei ng ice cream. It looks like she's looking forward on Saturday.

"We can reschedule your flight-"

"Ilang beses ko nang inusog 'yan, Mr. Mihajlovich is also looking forward to our appointment." Tugon ni Valentina.

"Try ko na lang umuwi nang maaga..." Mahinang usal nito at kinain ang biniling ice cream.

Kung nag-aalala si Valentina kay Gilrei, gayundin si Lucius kay Valentina. Napaka-sipag na babae at sobrang maalagain.

'Ang swerte ni Boss Cain...' Napangiti ito habang iniisip ang linyang iyon.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon