18. Gilrei (Side Story)

295 44 0
                                    


"Where's Ate Val?" Tanong ni Gilrei kay Akito nang sinundo s'ya nitong mag-isa.

"Nasa mall sila, gusto mo bang sumunod sa kanila?" Tanong ni Akito.

Umiling ang dalagita, "no, thank you. Can we go home, please?"

"She's back, Ms. Ferrer..." Pagtukoy nito kay Stella, "I don't want you to go home without Valentina." Pag-aalala ni Akito.

"It's alright, makakabalik naman sila Ate Val at nandoon naman kayo, right? It's fine." Walang emosyon ang mukha ni Gilrei pagkatapos sabihin iyon.

Ilang minuto ang lumipas ay tumigil muna si Akito upang magpakarga ng gasolina. Habang may kausap si Akito ay hindi n'ya namalayang lumabas ng kotse si Gilrei.

Gusto lamang magpahangin ni Gilrei sa labas nang masulyapan n'ya ang mga kabataan sa malapit na eskinita,

Nag-tatawanan, at parang may nilalaro. Rinig na rinig pa ni Gilrei ang ingos ng mga tuta.

"Anong ginagawa ninyo?" Tanong ni Gilrei. Tumuon sa kanya ang atensyon ng limang kabataan na may hawak na patalim at sinasaktan ang mga tuta. Naroon pa ang nanay ng mga tuta na bukas ang tiyan.

"Ms. Ferrer!" Hiyaw ni Akito at mabilis na lumapit sa kanya at tinutukan ng baril ang mga lalaki na agad namang nagtakbuhan.

"Get in the car, Ms. Ferrer." Utos ni Akito habang sinisigurado ang kaligtasan ng kanyang amo.

Hindi nakinig si Gilrei at nilapitan ang mga tuta. Umupo ito sa tapat nila, "I'm so sorry..." pag-kausap nito sa nanay ng mga tuta at tinakpan ng kanyang panyo ang katawan ng aso.

Nanlambot ang puso ni Akito sa ginawa ng dalagita. Hindi batid sa dalaga ang karumihan at kaliitan ng espasyo basta makita n'yang ligtas ang mga tuta.

"Akito, pwede ko ba silang dalhin sa bahay?" Pag-lingon ni Gilrei sa kanya.

"Gustuhin ko man 'yan Ms. Ferrer, hindi sasang-ayon si boss. Alam mo namang may hika ka at halos lahat ng klase ng hayop ay nilalayo sa'yo ni Mr. Ferrer." Pinagsabihan nito ang dalagita ngunit hindi n'ya rin naman ito matitiis.

"Fine! Basta huwag na huwag mo ipapasok sa mansyon 'yan dahil alam mo namang may mata ang ama mo sa buong bahay." Anito sabay hubad ng kanyang coat at binalot sa mga tuta, apat na tuta ang naririto.

"Thank you, aakuhin ko ang responsibilities. I promise!" Masiglang sambit ni Gilrei. Halos napangiti na rin si Akito dahil ngayon n'ya lamang nakitang masigla si Gilrei.

Bumalik sila sa kotse, "mahilig ka sa mga alagang hayop?" Tanong ni Akito nang mag-simulang mag-maneho.

Umiling si Gilrei, "No, I just don't like it when human harms them. Pwede naman nilang pabayaan na lamang ang buhay na may buhay pero papakialaman talaga nila." Makahulugang paliwanag ni Gilrei habang pinagmamasdan ang mga tuta na natutulog sa kanyang hita.

"So if you're not into them... why are you wasting your time saving them?" Pagtataka ni Akito.

"I'm not wasting any of my time, Akito. It's just... I felt affection after looking at her eyes..." tinutukoy ng dalagita ang nanay ng mga tuta.

"Just like how my father begs Dad." Makahulugang aniya.

"I'm so sorry about that." Pagka-awa ni Akito.

"It's not your fault, no one's at fault, Akito..." Usal ni Gilrei. Bumaling ang tingin ni Gilrei kay Akito, "Do you believe that only two people are the ones plotting behind the chaos?"

"What do you mean?" Pag-tataka ni Akito. Nakarating na sila ng mansyon kaya nilingon n'ya si Gilrei dahil sa makahulugang tanong nito.

"Finish the puzzle, Akito." Kasagutan ni Gilrei at lumabas ng kotse buhat-buhat ang mga tuta.

"She's so weird..." Usal ni Akito at sinara ang pinto ng kotse bago sumunod kay Gilrei.

Dumeretso si Gilrei papasok sa bahay at dumeretso sa kanyang kwarto, "H-Hindi dito, Gilrei... outside please."

"It's fine, wala pa si dad kaya hindi n'ya 'to makikita. I'll hide them under my bed so no need to worry." Pakalma ni Gilrei sa kanya.

Napabuntong hininga si Akito at sumandal sa gilid ng pinto, "you're so stubborn like your dad."

Dinala ng dalagita ang mga tuta sa banyo upang malinisan ito.

"Need a hand?" Tanong ni Akito at lumapit sa kanya.

"Luke water please,"

"Right away, madam!" Masiglang sang-ayon ni Akito at tumakbo palabas ng kwarto.

Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay naramdaman ng dalagita na may pumasok sa pinto kaya nilingon n'ya ito.

"Long time no see, Maki!" It was Stella. Lumapit s'ya kay Gilrei, "anong ginagawa mo d'yan?" Tanong ni Stella.

Agad na lumabas ng banyo si Gilrei at isinara ang pinto. Hindi ito sumagot o nag-salita.

"I saw puppies! It's cute!" Ngiti ni Stella. Alam ni Gilrei na pakitang tao lang 'tong ugali ni Stella.

"Can I see them?" Lumapit si Stella sa pintuan ng banyo at walang naisip na gawin si Gilrei at tinulak ito.

"A-Aray!"

Alam ni Gilrei na mahina lamang ang pag-tulak n'ya. Ipinagtaka nito kung bakit natumba si Stella at nagkapasa pa sa braso.

"Ms. Ferrer!" Pumasok si Akito at ibinaba ang hawak na takure bago lumapit kay Gilrei.

"Why did you pushed me? Ganyan ba natutunan mo sa bago mong babysitter?" Kalmado pa rin si Stella na tumayo habang nakahawak sa kanyang kaliwang braso.

"...and you, diba pinagbabawal sa mansion na 'to ang mga hayop dahil baka lumala nanaman ang asthma n'ya?" Pinagsabihan ni Stella si Akito.

"I-I'm sorry, I'll settle this right away." Magalang ang tono ni Akito.

Inis naman ang naramdaman ni Gilrei at hinablot ang iniwang takure ni Akito sa lapag. Hinawakan n'ya ito kahit mainit at hinagis kay Stella.

Mabilis itong nasalag ni Akito ngunit natalsikan pa rin si Stella ng mainit na tubig.

"Ms. Stella, are you alright?" Pag-aalala ni Akito.

"Y-Yes, how did she become impulsive...?" Pagtataka ni Stella na may awa sa mga mata na tila'y inaawaan pa si Gilrei.

"We need to tell this to Cain para mapa-suri agad si Gilrei—"

"Please stop Ms. Stella, ibabalita ko agad kay boss ang nangyari ngayon... wala ka na dapat ipag-alala." Sambit ni Akito at inalalayan itong makalabas ng kwarto.

Pagkalabas ng dalawa ay ni-lock ng dalagita ang kanyang kwarto at napa-upo sa sahig dahil sa kaba, "Ate Val..." Humagulgol ito ng iyak.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon