27. Fear of Drago's Men

293 42 0
                                    


Kinabukasan ay tinanghali na ng gising si Valentina kaya agad s'yang kumilos upang makaalis agad.

"G-Godfather— aray ko naman!" Papasok pa lamang si Valentina ng silid ni Cain nang matumba ito habang nag-susuot ng kanyang beige stiletto heels. Bumagay ang suot na heels sa kulay itim na fitted maxi dress n'yang may slit sa kaliwang bahagi ng hita.

Agad naman itong inalalayan ni Lucius upang tumayo.

"Be careful." Paalala ni Godfather.

"S-Sorry about that. Uhm, okay lang po ba yung suot ko? Should I change?" Inayos ni Valentina ang tindig sa tapat ni Godfather.

"Too much skin." Sambit ni Godfather at nilingon si Lucius. Isang tingin pa lamang ni Godfather ay alam na ni Lucius ang gagawin n'ya.

Hinubad ng binata ang suot na suit at pinatong sa balikat ni Valentina.

"Better," sabi ni Godfather na ikinatawa naman ni Valentina. Nilapitan ng dalaga si Cain upang magpaalam.

"Get well soon, Cain..." Muling sambit at hinalikan ang binata sa noo bago lumisan.

Hindi hinubad ni Valentina ang suit na ibinigay ni Lucius dahil nga ito ang utos ng Godfather.

Dali-dali silang lumabas ng mansion habang nakahawak si Valentina sa palad ni Lucius dahil hindi pa ito sanay gumamit ng takong, "ang hirap mag-lakad." Reklamo ni Valentina.

Pag-kapasok sa kotse ay agad na nag-madaling mag-maneho si Lucius paalis ng mansyon.

"Complete documents?" Tanong ni Valentina habang inuusisa ang mga papel.

Tumango si Lucius, "Including the Greek Tragedy Gang."

"Good." Usal ng dalaga habang binabasa ang dokumento ng mga tauhan ni Zeus.

"About sa mga agents ni Alejandro, may balita rin ba?" Tanong ng dalaga.

Buntong hininga ang tugon ni Lucius bago mag-salita, "kahit si Ms. Sandra hindi makapasok sa security ng computer nila dahil sa sobrang higpit."

Katulad ng mga agents ni Alejandro, kulang din ang mga detalye ni Zeus.

"ANONG oras ba yung dating ni Valentina? Naubos ko na yung dalawang bote ng Alfonso oh." Reklamo ni Drago.

"Manahimik ka nga, dapat dinala mo na lang sa mansion 'yang gagawin n'yo." Pag-irap ni Alessandra.

"FYI! S'ya ang nag-plano nito." Tila'y nag-asal maldita rin si Drago.

"Sabi ni Lucius, nasa byahe na sila." Saad ni Akito habang nakatuon sa tablet nito.

"Ang tagal gumising ni bossing, miss ko na s'ya." Bumuntong hininga si Ceejay.

"Kaya nga, kung pwede lang pumalit sa posisyon ni bossing edi pinalit ko na si Ceejay." Malungkot pa ang ekspresyon ni Kharkov.

"Ang sama ng ugali mo, bossing." Inirapan s'ya ni Ceejay.

"Aba-aba, tinatarayan ako. Wala kang sweldo isang linggo." Banta ni Kharkov sa kanya.

"Isusumbong ko kayo kay bossing, kinakawawa n'yo ako habang wala pa s'yang malay!" Kunyari'y naiiyak ito.

"Dinamay nanaman kami, nanahimik na nga ako." Sambit ni Kharkov. Mabilis na dumapo ang palad ni Natalie sa ulo nilang dalawa.

"Manahimik na nga kayo! Tulakin ko kayo sa tuktok ng skyscraper ni Drago." Pag-babanta pa ng dalaga.

"Opo behave na po ako." Usal ni Ceejay at umupo sa lapag.

May kumatok sa pinto, "pasok." Pagbigay permiso ni Drago.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon