6. Path Alternate

412 47 0
                                    


"Haha! you lose again, Ate Val!"

Valentina pout, "ang daya! Alam mo yung cards mo e!"

"Hala, 'di ko alam! Isa pa." Ani ng munting dalaga at binalasa ang mga cards.

"Wala ang daya mo, suntukan na lang ano, ano, ano." Birong hamon ni Valentina.

"Sige ba! Tara, tara, tara." Pakikisabay ni Gilrei at sabay silang nagtawanan habang naglalaro ng slapjacks.

"Valentina? Can we talk for a moment?" Kumatok pa si Alessandra bago pumasok sa loob. Nadatnan n'ya ang dalawa na naka-upo sa lapag.

"O-of course." Sang-ayon ni Valentina at sinulyapan pa nito si Rei na nakangiting tumango sa kanya.

Agad na tumayo si Valentina mula sa lapag at sumunod kay Alessandra. Isinara nila ang silid ni Rei at naglakad papunta sa opisina ni Cain.

"A-anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Valentina at napalunok ng kanyang laway.

"Huwag kang mag-alala, wala s'ya rito. Gusto sana kitang tanungin kung pwede ka pa bang manilbihan kay Cain?"

Nadismaya si Valentina, "a-akala ko.."

"Ok, we just need you for his need this time. Can you still handle it like the last time?" Kumbinsi ni Alessandra.

"I'll give you a higher salary for that." Dugtong pa nito na nag-pakinang sa mga mata ni Valentina.

Bumuntong hininga si Valentina at walang nagawa kundi sumang-ayon, kasama ito sa kanyang trabaho. Kahit siguro buwis buhay ang trabaho nito ay gagawin n'ya para lamang sa pera.

"Deal."

"Great, have you eaten? Kain ka muna, tara." Pag-eengganyo ni Alessandra kay Valentina upang kumalma ang isipan nito.

"Si Rei? Nag-almusal na ba?" Tanong ni Valentina.

Tumango naman si Alessandra, "prioritize kasi ni Cain 'yang anak n'ya kaya inuuna n'ya 'yan."

"Umalis si Master Cain?" Tanong ni Valentina. Napahanga pa si Alessandra dahil may tawagan pala silang ginawa ni Cain.

"He told you to call him that? He's so absurd." Pag-tawa ni Alessandra habang nag-lalakad patungong kusina.

Nasa tapat sila ng counter at si Akito ang kumikilos upang mag-luto, "M-Mr. Sanjeev, tulungan na kita." Boluntaryo ni Valentina.

"N-no, it's okay. Maupo lang kayo riyan at mabilis lamang itong matatapos." Pigil ni Akito sa dalaga nang mapansin n'ya ang presensya ni Alessandra.

'Now, I need to deal with her...' Sambit ni Akito sa kanyang isipan.

Mabilis na bumalik sa kinauupuan si Valentina at pinanuod ang ginagawa ni Akito.

However, Alessandra felt insecure. She looks at Valentina's natural pulchritude, "You're so pretty with your bare face."

"B-bear face?"

Alessandra and Akito burst out laughing, "M-my stomach hurts, jusko Val..." Sambit ni Alessandra.

"Bigla-bigla naman kasi kayong nag-sasalita, nagugulat ako." Pilit na tumawa si Valentina.

"Bullsh*t! What do you mean Kharkov didn't make it to the courier?!"

Naglakad paakyat ng hagdan si Cain na may sama ng loob pagkatapos ibato ang hawak na mga papel at ang kanyang cellphone.

Umatras ang kanyang mga tauhan dahil sa takot.

Napalingon sila Alessandra sa gawi ng binata, "have you eaten?" Tanong ni Alessandra. Napatigil si Cain at napatingin sa kanila at agad ding nag-patuloy sa paglalakad paakyat ng hagdan.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon