8. Glance

368 47 0
                                    


"That f*cking Zeus, I don't want to see him stepping on my land!" Hiyaw ni Cain. Pag-balik n'ya sa opisina at panay lakad s'ya na parang hindi mapirmi sa kinatatayuan.

"Bro, relax. Ginagawa n'ya lang 'yan para asarin ka. Hindi ka naman bata para mapikon sa pinagsasabi n'ya." Umupo si Alessandra sa itaas ng mesa ni Cain.

"At isa pa, ano ang tinutukoy ni Zeus na babae...?" Pag-bago ng usapan ni Alessandra.

Inis na napabuga ng hangin si Cain bago simulan ang pagpapaliwanag, "believe it or not, si Valentina ang nag-patumba ng mga tauhan ni Zeus. She's really... something."

"Bro... she can fight? Edi ayos!" Sambit ni Alessandra.

"I think she can fight when she's... drunk." Usal ni Cain.

"What?" She's confused.

"Agh! Nevermind!" Iritang si Cain. Umupo s'ya sa kanyang swivel chair at binuksan ang computer nito.

Nakikita n'ya sa screen ang loob ng kwarto ni Gilrei.

"You're spying on your daughter —?"

"Shut up, pinapanood ko lang kung anong klaseng pag-aalaga ang gagawin ng babaeng yun." Anito at zinoom pa ang screen palapit sa dalawang babae upang marinig n'ya ang kanilang pinag-uusapan.

PAGKATAPOS kumain nila Gilrei at Valentina ay iniligpit na ni Valentina ang lamesa.

"Aalis kayo later, Ate Val?" Tanong ni Gilrei.

Tumango si Valentina, "opo, tinotorture talaga ako ng ama mo, ano? Nae-enjoy n'ya na 'yan?" Biro nito.

Marahang napatawa si Gilrei, "I apologize about dad, may trust issues kasi s'ya."

"No one's at fault, naiintindihan ko naman." Sambit ni Valentina.

Pagkatapos nitong punasan ang lamesa ay inilabas n'ya ang kanilang plato.

'Sa totoo lang, mas mahirap alagaan ang tatay nito kaysa mismo sa kanya.' Aniya sa isipan at bumuntong hininga.

Dumeretso ito sa kusina kung saan nag-liligpit din ang mga katulong.

"Ilagay mo lang d'yan sa lababo." Sabi ng isang matandang babae.

"A-Ayos lang po, ako na lang mag-huhugas. Kakaunti lang naman 'to." Sambit ni Valentina at itinali pa ang kanyang buhok.

Humarap sa kanya ang babae. Pansin ni Valentina ang pagkainis nito, "sige na, umalis ka na."

"S-sige, salamat na lang." Iyon na lamang ang sinabi ni Valentina at umalis na mula sa kusina.

"Ang susungit din pala ng mga nagt-trabaho dito." Bulong nito sa sarili.

Napasilip ito sa labas ng malaking bintana. Pinanood n'yang hinahanda ng mga tauhan ang sasakyan ni Cain. May inaayos sila sa makina nito.

"Anong ginagawa mo rito?"

Halos tumayo ang balihibo ni Valentina sa gulat nang sumulpot si Akito sa kanyang tabi.

"M-Mr. Sanjeev, babalik na po ako sa itaas pero agaw pansin ko ang ginagawa nila." Sagot ng dalaga.

He scoff, "alright..." Anito at nag-simulang mag-lakad paalis nang lumingon ulit ito, "by the way, siguraduhin mong nasa tabi ka lang palagi ni boss tuwing aalis kayo dahil narinig ko na—"

"Akito."

Napalingon sila sa gawi ni Alessandra nang binigkas nito ang pangalan ng lalaki.

"Yes, boss?" Kaswal na bati ni Akito.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon