24. Alluring

316 43 0
                                    


"Yum! Sarap!" Enjoy na enjoy ni Gilrei ang pag-kain ng tapsilog.

"Ngayon ka lang naka-kain nito?" Pagtataka ng dalaga habang pinapanood si Gilrei kumain. Ang saya naman kasi panoorin dahil ang sigla-sigla.

Tumango si Gilrei, "sabi kasi ni papa, delikado raw kumain sa labas."

'Aba malamang, ikaw lang ang prinsesa nun kaya pinoprotektahan ka.' Napangiti si Valentina sa kanyang naisip.

"There's no safe place in the world, kung tutuusin... wala ring safe na tao..." Usal ni Valentina.

"I feel safe when I'm with you, Ate Val." Pag-ngiti ni Gilrei.

Napatawa si Valentina, "kumain ka na nga lang d'yan."

"CAIN!"

"Ano?!" Naririndi na si Cain kakabanggit ni Alessandra sa pangalan nito.

Inambush sila ng mga tauhan ni Alejandro habang papunta sa casino. Ang resulta, nagkagulo sa buong syudad dahil sa kanila.

However, nakarating sila nang ligtas sa casino at kasalukuyang kinokolekta ang mga impormasyon tungkol sa mga kalaban ng organization.

"Nasa mansyon si Godfather. Leira informed me na wala si Val at Rei doon." Bungad ni Alessandra.

"Baka nandyan lang 'yan sila sa garden, or in Gilrei's room." Kalmado pa rin si Cain.

"Cain, did Val called you?" Tanong ni Alessandra na nag-patigil kay Cain sa kanyang ginagawa.

"No? Napindot ko lang kanina at na-dial ang number n'ya." Usal ni Cain at hinablot ang cellphone n'ya.

"Did she said something important?" Tanong ulit ni Alessandra na lalong ipinagtaka ni Cain.

"Yes, may gusto nga s'yang sabihin but I hung up on her." Tugon n'ya.

"Tiningnan na nila ang bawat sulok ng mansyon at wala talaga ang dalawa, ang sabi pa ni Stella ay kinuha ni Valentina si Gilrei. Silly, right? Kahit ang mga katulong mo sumang-ayon." Saad ni Alessandra.

Naka-focus naman si Cain sa panonood n'ya sa camera na nasa loob ng mansyon. Pinanood nito ang oras kung saan bumaba ang dalawa upang mag-almusal.

Nilapit n'ya ang screen sa mukha ni Anthony dahil nakaramdam ito ng inis nang nginitian ito ni Valentina.

Kitang-kita ni Cain kung paano lagyan ng katulong ang baso ng powder bago ibuhos ang fresh milk.

"Sh*t." Sambit nito at nagmadaling maglakad paalis sa silid nila..

"S-Saan ka pupunta?! Hoy!" Habol pa ni Alessandra.

"Hayaan mo na muna 'yan, mag-focus ka muna rito." Pagtawag sa kanya ni Blake. Oo, nandito rin s'ya. Dahil sa pag-kilos ni Alejandro ay napagdesisyunan n'yang bumalik.

Ang pamilya naman nito ay ligtas sa pangangalaga ng organisasyon nila.

"Nabanggit ni Alejandro na may agent s'ya sa loob ng mansyon, right Akito?" Pag-usisa ni Natalie sa mga dokumento.

"Yes, hindi ako sigurado kung totoo 'yon o tinatakot n'ya lang tayo. Mas maiging imbestigahan muna natin 'to para masigurado natin." Sagot ni Akito.

"Paano? Ni-hindi nga natin alam ang mga pagmumukha ng mga 'yan at kung lalaki ba o babae. Pinagmumukha tayong tanga ni Alejandro." Iritang sambit ni Drago.

"Their behavior is very professional, like well-trained men." Saad naman ni Ashton.

"That's a bit sexist, my love." Bulong ni Natalie sa kanyang kasintahan.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon