15. Greedy

309 44 0
                                    


"Tell them why are they here, Leira." Godfather's command.

Lahat ng mga mata ay nakatuon kay Leira. Inilapag n'ya ang iba't ibang papeles sa lamesa upang makita ng iba.

"Our spy told us that Wings Agents are in a mission." Panimula nito at inilapag sa mesa ang information paper ng isang tao, "Agent Crimson, informations? Unendentified." Aniya, impormasyon ni Agent Crimson ang nakalapag at walang kalaman-laman.

Inilapag n'ya naman ang isa pang papel, "Agent Scarlet, the most youngest agent. Wala nang ibang impormasyon tungkol d'yan."

"What mission?" Cain's breathed.

"The information was only revealed with Alejandro and his secret agents." Sagot ni Leira. Alejandro is the director of Wings Agency.

"Very clever." Cain scoffs. He starts to light his cigarette.

"No smoking in this room, Cain."

Cain let out a sigh as he stood up to leave, "let me breathe for a moment." Sambit nito bago isara ang pinto mula sa labas.

"I don't want to waste time. Stella will be back in the mansion, to take care of some things." Diretsahang paliwanag ni Godfather.

Gulantang ang reaksyon ng lahat, "f-father, she—"

"She didn't leave her responsibilities here, I let her go for a vacation. Now that she's back... let her do what she wants."

'What the f*ck, that wh*re...' Napayukom pa ng kamao si Leira sa kanyang narinig. S'ya lamang ang nakakaalam na hindi talaga ang Godfather nag-desisyon ng ikinikilos ni Stella.

Si Stella lamang ang kumikilos sa kanyang sarili at pinagtatakpan lamang s'ya ni Godfather.

'What a great f*cking father.' Ngisi ni Leira.

"I had enough." Kinalampag ni Alessandra ang mesa nang s'ya ay tumayo.

"Hayaan n'yo s'yang bumalik pero huwag na huwag n'yang gagalawin si Gilrei dahil kapag nilapitan n'ya ulit 'to... tatandaan mo, hinding hindi kita sasantuhin, Godfather." Seryosong sambit nito.

"Lay your finger on Cain's woman, I guarantee your death... Godfather." Tumayo rin si Natalie upang idepensa ang karapatan ni Valentina.

"Who?" Ngisi ni Godfather.

"Far as I know... inside the mansion, Stella is Cain's fiancé."

"AGH! Thank you boss Kharkov! Nabusog talaga ako." Napahawak pa sa tyan si Valentina. Kakatapos lang nila kumain ng fried noodles sa isang stall.

"You're welcome, you did a really good job! C'mon, order ka pa ng kung anong gusto mo!" Saad ni Kharkov habang humahagikgik dahil sa dungis ni Valentina. Para kasing bata kumain.

"Busog na ako, pero parang gusto ko ng ice cream... tapos lollipop din pala tsaka gum na mint ganoon." Valentina requested.

Natawa na lamang si Kharkov sa kanya dahil ang request n'ya parang puro request ng mga bata, "alright, punasan mo muna 'yang mukha mo." Iniabot n'ya sa dalaga ang tissue.

Pinunasan ni Valentina ang sarili bago tumayo, "nga pala, bakit hindi ka sumama sa meeting nila, Boss Kharkov?"

"Nabalitaan mo ba nung hinabol ako ng mga pulis? Ayon, na-postponed yung deliver ng dinadala ko, I was lectured." Paliwanag ng binata. Hindi na n'ya dinetalye na mga ipinagbabawal na gamot ang ide-deliver n'ya.

"Wala ka namang kasalanan, grabe naman yun..." panlulumo ni Valentina.

Marahang tumawa si Kharkov at inaya na ang dalaga na lumisan pagkatapos bayaran ang kinain nila.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon