9. Perturbation

383 44 0
                                    

Pagkatapos makapag-ayos ni Valentina ay hinatid s'ya ng mga tauhan ni Cain sa tapat ng pintuan ng kotse nito. 

Mula sa tinted window ng kotseng roll royce ni Cain, pinagmasdan nito ang kabuuan ni Valentina. Mula sa ayos ng kanyang nakalugay na buhok hanggang sa suot na black daffodile heels. 

"Lower the window." Utos ni Cain sa driver nila. His position crossed legs and crossed arms. 

Agad naman sinunod ng driver ang utos ni Cain. Lumingon si Cain sa gawi ng dalaga at sinabing, "Get in the car." 

"O-Ok, Master Cain." Aligaga ang kilos ni Valentina na pumasok sa loob ng kotse at isinara rin agad ito.

Tiyak na mababaliw nanaman s'ya sa katahimikan ngayong nasa loob nanaman sila ng kotse at kasama n'ya pa si Cain na kayang-kayang pumatay ng tao nang walang pag-aalinlangan.

Umandar na ang makina ng sasakyan na hudyat ng kanilang pag-alis.

"Are you relieved?" Pag-basag ni Cain sa katahimikan. Nakatingin lamang ito sa bintana na para bang may ibang kausap. Ilang segundo bago nilingon ni Cain si Valentina at nag-salita ulit, "I'm talking to you."

"A-Ako po ba? Akala ko may kausap ka nang hindi ko nakikita." Mahina lamang ang pagkasabi nito sa huling kataga.

"May sinasabi ka?" Tumaas ang kaliwang kilay ni Cain.

"Wala po." Umiwas ng tingin si Valentina at pasikretong umirap. Parang nakalimutan ni Valentina ang takot n'ya kanina at napalitan ito ng pagkairita. 

'Seriously, ganito ba talaga takbo ng utak ng mga babae?' Tanong ni Cain mula sa kanyang isipan.

"What do you mean relieve, Master Cain?" Tanong ni Valentina. Ang paningin nito ay naka-focus kung sino man ang kausap n'ya. Kabaliktaran ng ginawa kanina ni Cain.

Cain glance at her, "About what I did earlier." 

Tinutukoy ni Cain ang ginawa n'yang pagpatay sa katulong kanina. Nakaramdam ng inis si Valentina at iniyukom ang kanyang kamao. Kung hindi n'ya lang 'to amo, pinagsusuntok na n'ya ang lalaking 'to.

"Tinatanong mo po 'ko kung nakahinga ako nang maluwag sa ginawa mo kanina? Hindi Master Cain, parang dinaganan ako ng taong may singkwenta kilos kaya hindi ako makahinga nang maayos!" Pagkatapos ng mahabang linya ay hapong-hapo ito.

Ayon sa reaksyon ni Cain sa sinabi ni Valentina, wala s'yang paki-alam. Parang pumasok sa tenga ang mga sinabi ni Valentina at lumabas lamang sa kabilang tenga ni Cain.

"Okay, whatever." Anito. Nakaramdam din ng inis si Cain dahil hindi ata naalala ni Valentina kung ano ang dahilan kung bakit binaril n'ya ang katulong kanina.

Ang pagkainis ni Cain ay kitang-kita ni Valentina. Paano ba naman kasi parang toro kung huminga ito at rinig na rinig pa ito ni Valentina.

Hindi na lamang ito pinansin ni Valentina at pinahinga ang sarili sa upuan. Nangibabaw talaga ang pagka-inis nito kaysa sa takot na baka s'ya ang isunod ng kanyang amo sa hukay.

Ilang oras ang lumipas ay nakarating na sila sa casino. As usual, pinasuot ni Cain ang uniporme sa kanya at pinabihisan s'ya sa kwarto.

"Where's Kharkov?" Cain ask Ceejey as he disrobe his suit. Agad na tinanggap ni Ceejay ang suit at inabot ito sa crew upang maitabi, "no worries boss, nasa safe place na yun." Kapilyuhan ni Ceejey.

Naupo si Cain sa couch na palagi nilang pwesto, he sighs, "safe place?" His confusion and lights his cigarette.

"Joke lang po, nandoon po s'ya kay Miss Astrid." Sabi ni Ceejay at nilagyan ng whiskey ang rockglass nito.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon