23. Near Danger

324 44 0
                                    


"Anong nangyari sa'yo?" Gulat ang ekspresyon ni Gilrei nang batiin n'ya si Valentina ng umagahan. Pumasok s'ya sa kwarto ni Valentina upang gisingin ito. Nag-mukhang kinawawa si Valentina dahil sa buhok n'yang guling-gulo at mga mata nitong mala-zombie.

"Hindi ako nakatulog nang maayos..." himas ni Valentina sa kanyang noo at bumangon upang asikasuhin si Gilrei.

"Sorry nga pala dahil na-late ako sa pag-gising, kumain ka na?" Malumanay ang tono nang dumeretso sa banyo upang mag-hilamos at toothbrush.

Umiling si Gilrei, "pero, pinakain ko na 'yung mga tuta. Sa dining table na lang po ako kakain kasama ka."

"Good girl, mukhang gumagaan na ang pakiramdam mo sa mansyon." Ngiti ni Valentina.

"Ate Val, after I recover from my trauma... aalis ka na rin ba?" Tanong ni Gilrei.

"Of course not, hindi ako aalis hangga't hindi ako papaalisin, okay?" Tinapik ni Valentina ang balikat nito, "tara na, mag-almusal na muna tayo."

"Bakit nga pala ang aga mo maggising?" Tanong ni Valentina. Kasalukuyang nag-lalakad palabas nf kwarto.

"Narinig ko kasi si dad na lumabas ng kwarto n'ya, may lakad ata s'ya." Sagot ni Gilrei.

Tumango-tango si Valentina, "nga pala, may balita na kaya kay Mr. Sanjeev?"

"I guess so...?" Mahinang saad ng dalagita.

Nang makarating sa dining area ay agad silang pinag-silbihan ng ktulong, tumulong din naman agad si Valentina sa kusina, "anong gusto mo kainin, Rei?" Tanong ni Valentina.

"Eggs, bacon, and a slice of bread po dalawa." Sagot ni Gilrei.

Nagboluntaryo si Valentina na s'ya na ang gagawa ng almusal ni Gilrei kaya pinanood na lamang s'ya ng mga katulong, "need a hand?" Lumapit si Anthony.

"Pasuyo naman ng gatas ni Gilrei, salamat." Sambit ni Valentina habang piniprito ang itlog at bacon. Agad na kinuha ni Anthony ang fresh milk sa refrigerator.

Habang nagp-prito ay nilagay na n'ya sa toaster ang tinapay at inantay maluto ang piniprito.

Sinulyapan ni Valentina si Anthony na lumapit kay Gilrei.

Agad namang nilapitan ni Valentina ang fresh milk at niligpit ito papasok sa refrigerator at pinunasan ang powder na kumalat sa counter kung saan nag-timpla si Anthony.

'Teka, powder?' Tanong ni Valentina sa sarili at napatigil.

Sinara ni Valentina ang kalan at mabilis na lumapit sa lamesa ni Gilrei kung saan nakapatong ang babasaging baso na may lamang gatas.

'Powder...?'

"What's the matter, Ate Val?" Pagtataka ni Gilrei nang nakatayo si Valentina sa harapan n'ya ng ilang segundo.

"P-Pwede bang pakuha ng cellphone ko sa ilalim ng unan ko? I-I know it's rude to ask you that." Marahang tumawa si Valentina.

"No problem, Ate Val." Mabilis na sumunod si Gilrei.

"Grabe naman ang babaeng 'to."

"Totoo pala na wala s'yang pinagkaiba kay Ms. Stella."

Rinig ko ang kanilang bulungan. Pumasok sa isipan ni Valentina na nahawakan n'ya ang powder at wala itong amoy.

Mabilis na hinanda ni Valentina ang almusal ni Gilrei sa dining table habang hindi pa ito bumababa.

'How I can take care of Gilrei kung pati pala ang mga katulong dito ay pinagtutulungan ako..' Napayukom ang palad ni Valentina.

"Ate Val, dad is calling po." Kumaripas ng takbo si Gilrei palapit sa lamesa.

"H-Huwag kang tumakbo at baka madapa ka d'yan..." alala ni Valentina at tinanggap ang cellphone.

"Hello? Master Cain?" Sagot nito. Walang tugon na narinig si Valentina kundi mga putok lamang ng baril, "Where are you, Master Cain?" Pag-aalala ni Valentina ngunit hininaan n'ya lamang ang kanyang boses.

Narinig n'ya ang pag-tawa ni Cain, "It's just a friendly fight."

"Master Cain, kailangan natin mag-usap." Seryosong saad ni Valentina.

"Later, I'm busy right now." Casual tone from Cain before he hung up.

Napabuga ng hangin si Valentina, "tara Gilrei, doon ka na lang kumain sa garden para makapag-pahangin ka na rin." Pag-hikayat ni Valentina sa dalagita upang maiwan silang dalawa.

Bitbit ni Valentina ang tray ng almusal ni Gilrei palabas ng glass door na papuntang garden. May lamesa doon kaya inilapag na ito ni Valentina.

Umupo si Gilrei sa upuan na duyan, "you look uneasy, Ate Val." Pinagmamasdan ni Gilrei ang ekspresyon ni Valentina.

"Don't drink the milk, may lason 'yan." Diretsahang paliwanag ni Valentina habang nakatingin sa cellphone nito, gusto n'yang tawagan si Ethan para sa advice pero pinagbabawalan s'ya ni Cain.

Si Alessandra na lamang ang kanyang tinawagan na agad namang sumagot, "Ms. Sandra—"

"Oh, what's up Val!" Gayundin ang naririnig ni Valentina sa background, puro putukan ng baril.

"Nasaan po ba talaga kayo?" Tanong ni Valentina.

"Wait! I'll call you later!" Sambit ni Alessandra at agad na ibinaba ang tawag.

"All of you are in a great danger right now, Rei..." Bumuga ng hangin si Valentina at umupo sa upuan.

"Paano ka nakakasiguro na may lason, Ate Val?" Pagtataka ni Gilrei at pinagmasdan ang babasaging baso nito na may gatas.

"I just told him to pour fresh milk for you pero... bakit tinimpla n'ya?" Makahulugang tanong ni Valentina.

Napagtanto ito ni Gilrei, "oo nga ano?"

"Nga pala, diba may taga-luto ka? Bakit wala s'ya rito ngayon?" Pagtataka ni Valentina.

"Oh, umuwi s'ya sa Japan pero babalik naman s'ya after one week." Sagot ni Gilrei. Dahil sa sinabi ni Valentina ay nawalan ng gana kumain si Gilrei.

"Sa labas na lang kaya tayo kumain, Ate Val?" Suhestyon ng dalagita.

"Mas mabuti pa nga." Sambit ni Valentina at niligpit ang pagkain. Iniwan ni Valentina ang baso sa gilid ng halaman na hindi makikita ng iba dahil babalikan n'ya ito mamaya. Kailangan n'yang malaman kung ano ang kulay abo na powder na 'yan.

"Sorry Ate Val, busog na kasi ako..." pagpapanggap ni Gilrei nang makabalik sa dining area. Nadatnan nilang nag-lilinis ang mga katulong at nasa dining table naman si Stella na nag-aalmusal.

Pinagtaka ng dalawa kung bakit naka-wheelchair si Stella at may benda pa sa magkabilang hita n'ya.

'Ano nanamang kadramahan nito?' Tanong ni Valentina sa sarili.

Dumeretso si Valentina sa lababo at tinapon ang mga tirang pagkain sa basurahan, "nabasag ba ni Ms. Ferrer ang baso?" Tanong ng isa sa mga katulong.

Tumango ang dalaga bilang sagot, "oo, niligpit ko na at baka mahirapan pa kayo."

"Wow, marunong ka rin palang mag-pakitang tao." Hindi mapigil ni Stella ang kanyang bibig.

"Of course Ms. Stella, iniidolo po kasi kita." Sarkastikong sagot ni Valentina.

Stella scoffs, "may kaplastikan ka rin pala ano? Ibang-iba ka kasi sa tapat ni Cain. Mahinhin, mahina, at kunyari inosente—"

"Syempre naman kasi amo ko s'ya, it's normal." Pag-putol ni Valentina sa kanyang sinasabi.

"Let's go Gilrei, baka magkapikunan pa rito at habulin tayo n'yan." Panunukso pa ng dalaga.

Nagtaka si Gilrei, "She can?"

Halos kumulo ang dugo ni Stella sa lakas mambara ni Valentina. Sa asaran pa lang ay talo na si Stella, paano pa kaya sa ibang mga bagay?

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon