21. His Plot

307 42 0
                                    


"What the hell are you doing, Ate Val?" Pagtataka ni Gilrei buhat-buhat ang dalawa sa alaga n'yang tuta.

Nakadapa si Valentina sa kama ng dalagita at naka-subsob ang mukha sa unan, "pwede bang dito muna ako?"

"Sige lang, I don't mind. Ano ba nangyari? Ano pinag-usapan n'yo ni dad?" Lumapit si Gilrei sa tabi nito.

"N-Nothing, pinapapunta n'ya ako mamayang alas dose sa kanya at medyo pagod ako kung pagt-trabahuin n'ya pa ako." Paliwanag ni Valentina at bumangon.

"Goodluck, malapit na mag-alas dose." Humagikgik pa si Gilrei na animo'y nang-aasar.

"Pero hindi naman siguro diba? Kumbinsihin mo 'ko please." Kapilyuhan ni Valentina kay Gilrei.

"Sige, ipag-dasal natin 'yan." Pakikisabay ni Gilrei at inilapag ang mga tuta sa kama.

"May mga pangalan na ba 'yan?" Interesadong tanong ni Valentina at hinimas ang mga tuta.

"Hmm, wala pa nga... pag-isipan muna natin." Sagot ni Gilrei.

Dumako ang tingin ni Valentina sa kamay ni Gilrei, "Okay na ba yung kamay mo? Masakit pa ba?"

"Yes po, medyo okay na. Nabigla lang yung kamay ko kanina kaya siguro nanginig Ate Val." Aniya.

"Oh! Quarter to twelve na, going na muna me. Babalik ako." Sambit ni Valentina at bumangon mula sa kama.

Huminga s'ya nang malalim bago lumabas at kumatok sa pinto ng kanyang amo, "Master Cain?"

Hindi naman naka-lock ang pinto kaya pumasok na ito. Nadatnan n'ya si Stella na naka-patong kay Cain, "S-Sorry po sa abala!"

"Wait," pigil ni Cain sa kanya nang akma itong lalabas ng pinto. Bumangon si Cain at kinuha ang maliit na paperbag sa loob ng drawer n'ya bago lumapit kay Valentina.

"This is a gift from Gilrei before your day ends." Iniabot ni Cain ito sa palad n'ya.

"O-Okay, Master Cain." Usal ni Valentina nang hindi nililingon si Cain.

Hinawakan ni Cain ang panga nito palapit sa kanya ngunit agad na umiwas si Valentina, "s-sorry sa istorbo, Master Cain..."

Agad na lumabas ng kwarto si Valentina at sinara ang pinto. Nanghina ang tuhod nito at napahawak sa kanyang dibdib, "I-I thought..."

Huminga nang malalim si Valentina at bumalik sa kwarto ni Gilrei, "anong nangyari?"

Bumuntong hininga si Valentina, "m-mabuti na lang ay nakalabas ako na buo pa ang katawan." Pilit na tumawa si Valentina at nilapitan si Gilrei.

"Binigay ni Master Cain, sabi n'ya ay gift mo raw 'to sa'kin." Binuksan ni Valentina ang paperbag at pinagmasdan ang kwintas.

"R-Rei... ang mahal nito." Gulantang ni Valentina.

"You're more worth than that, wala akong maisip na gift kaya ayan na lamang ang naibigay ko." Nginitian ito ni Gilrei.

"H-Hindi ko kayang tanggapin 'to, masyadong maganda at parang makasalanan na suotin." Pag-tawa ni Valentina at isinuli ang kwintas sa loob ng paper bag.

"Keep it, it's still a gift. Tsaka regalo ko 'yan! Subukan mong tumanggi!" Kapilyahan ni Gilrei sabay nguso.

Napatawa si Valentina, "thank you so much, Rei... iingatan ko 'to nang mabuti..."

"Alam ko naman na magaling ka mag-alaga ng mga bagay, halata naman Ate Val! Haha!" Pag-tawa ni Gilrei at nakisabay na rin sa kanya ang Valentina.

Pag-katapos ng kwentuhan ay nagpaalam na si Valentina na babalik na ito sa kwarto n'ya upang matulog. Nilabas n'ya ang kwintas mula sa paperbag at maingat itong tinago sa drawer n'ya.

Napangiti s'ya habang ginagawa iyon, "talagang napaka-bait na bata..."

Nang maisara ang drawer ay itatabi n'ya na rin sana ang paperbag nang may makapa s'ya sa loob. May papel na naka-tupi roon.

Umupo s'ya sa gilid ng kama bago buksan ang papel dahil akala n'ya ay ito na ang resibo ng kwintas.

'Faint heart never
won fair lady.'

"Ano ba talagang gusto n'ya?" Tanong ni Valentina at nilukot ang papel.

"I TOLD YOU, wala kang mapapala sa'kin. They never reveal their secrets." Sambit ni Akito.

Kanina pa s'ya pinapahirapan ng mga tauhan ni Alejandro, "kaya nga pinapapunta ko ang boss mo." Ngisi ni Alejandro.

'There are really only two people who plan this chaos.' Dinura ni Akito ang laway nitong may kasamang dugo.

"Tell me, what are you plotting right now, Alejandro? Kumikilos na ba ang mga agents mo?" Lakas loob na tanong ni Akito, nakagapos pa ito habang naka-upo sa tapat ni Alejandro.

Napangisi si Alejandro at tumawa, "matagal nang nag-simula 'to. Ang tagal naman kasi lumabas sa lungga ng tinuturing n'yong Godfather. Takot ba 'yan?" Sarkastikong sambit n'ya.

"What do you mean?" Tanong ni Akito.

"My agents... has been luring the mansion for a long time..." Ngisi ni Alejandro.

"What...?" Mahinang usal ni Akito.

"Kayo? Anong klaseng plano ang ginagawa n'yo? Gusto ba malaman ng Godfather kung ano ang takbo ng utak ko?" Alejandro laughs hysterically.

'Who? In the mansion? Sino? Nagsisinungaling lang ba 'to para takutin kami?' Tanong ni Akito sa isipan.

"Ano nga ba ang tumatakbo sa isip ng isang Alejandro Bennett?" Tanong ni Akito.

"A plot." Sagot ni Alejandro.

"What is your goal, Alejandro?" Sunod na tanong ni Akito.

"Make the criminals cry." Alejandro smirks.

A gunshot suddenly occurred. Kumalat din ang smoke bomb sa paligid, huling nasulyapan ni Akito ay ang ngisi ni Alejandro.

"Nakaka-istorbo kayo ng nagrerelax." Reklamo ni Drago habang tinatanggal ang pagkagapos ni Akito.

"Agh, he's the most twisted person I know." Buntong hininga ni Akito at inayos ang suot at ang kanyang buhok.

Agad silang lumabas sa abandonadong factory at pinasabog ang lugar.

"Very childish, hindi ba nila kayang i-public yung ka-gwapuhan natin nang pagkaguluhan tayo ng mga babae?" Kapilyuhan ni Drago habang pinapanood na mag-liyab ang buong lugar.

Sinindihan n'ya rin ang kanyang sigarilyo, "buti buhay pa 'yang laman loob mo sa kaka-sigarilyo mo." Sambit ni Akito sabay hawi sa mga usok na pumupunta sa kanya.

Maya-maya'y may dumating na isa pang kotse at iniluwa nito si Alessandra, "Aki!" Sinalubong ito ng yakap ng dalaga.

Nakahinga nang maluwag si Alessandra, "you're safe now..."

"Yes, of course... you're here..." Kaginhawaan din ang naramdaman ni Akito nang mayakap ang kanyang pinakamamahal na babae.

Tila'y nabulunan si Drago nang biglang umubo ito, "okay na ba kayo? Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko, I'm getting blue balls." Iritang sabi nito at sumakay sa kotseng Rolls Royce Phantom na kulay itim. Gayundin ang mga tauhan nitong bumuntot na sa kanya na mga naka-motor.

"Let's go home, my love." Bulong ni Alessandra at hinalikan ang binata sa kanyang labi.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon