20. Sweet Valentine

305 43 0
                                    


"So, paano mo nakilala 'tong amo ko?" Tanong ni Valentina kay Ethan.

"Well, pauwi na ako nang biglang tumawid 'tong bulinggit na 'to." Anito sabay tapik sa ulo ni Gilrei na ikinatawa nito, "muntik ko na s'yang masagasaan buti naka-preno ako. Alam mo naman na hindi ko kaya i-handle yung mga batang umiiyak kaya dinala ko sa ice cream shop para kumalma." Paliwanag ni Ethan.

"Kanina, ayaw n'ya tanggapin pero kailangan ko lang pala talaga mag-panggap bilang clown." Pag-tawa ni Ethan.

Gilrei giggles, "Ate Val, he even does the chicken dance here."

"Huwag mo na ipaalala, please lang." Napatakip ng mukha si Ethan dahil sa kanyang kahihiyan.

Napatawa sa Valentina dahil sa relasyon na nabuo sa kanila ni Gilrei, "mabuti na lamang ay nakita mo 'yan dahil pinaghahanap 'yan sa mansyon. Natakot ako na baka kung sino na ang naka-hablot kay Gilrei." Alalang-alala pa rin si Valentina.

"Actually, tatawag na nga sana ako ng pulis tapos bigla ka ba naman nanipa." Kapilyuhan ni Ethan.

"E hindi ka naman kasi nagpakilala agad!" Nguso ng dalaga.

"Teka ano ba yung nangyari? Bakit nag-layas 'to?" Pag-tataka ni Ethan. Nilingon naman ni Valentina ang reaksyon ni Gilrei na nakayuko lamang.

"M-May tampuhan kasi sila ni Mr. Ferrer. Actually, kakausapin ko nga s'ya ngayon." Buntong hininga ni Valentina.

Naiintindihan naman ito ni Ethan, "alright, bibili muna ako ng pagkain para sa inyo. Mukhang hindi pa kayo naghahapunan." Paalam ni Ethan at umalis ng parke.

"Gilrei..."

"I don't want to talk about it muna, Ate Val." Tanggi ni Gilrei.

"Pero, hindi naman tama na tatalikuran mo na lamang ang bagay na 'to diba? I already told you, let her talk and I'll do the rest." Paghaplos ni Valentina sa buhok ng dalagita.

"Si dad..." Usal ni Gilrei at nag-simula nanamang mamasa ang kanyang mga mata.

"Well, Gilrei... may point naman si Master Cain, hindi ganoon makipag-usap sa mga nakakatanda—"

"If they want to be respected, they should learn how to respect us too..." Putol ni Gilrei sa sinasabi ni Valentina.

"Oo, pero she respects you... right?"

"No! Ginagawa n'ya lang 'yon sa tapat ni dad!" Pag-taas ng boses ni Gilrei.

"Then also do it, in front of your dad." Pag-ayos ni Valentina sa buhok ni Gilrei papunta sa likuran ng tenga nito.

"But please, gusto ko nasa tabi lang kita Ate Val. I hate her." Usal ng dalagita.

Bumuntong hininga si Valentina dahil nakaramdam s'ya ng kaginhawaan ngayong narito na si Gilrei sa kanyang tabi, "nagugutom na ako, super-duper hungry na me..." Kapilyahan ni Valentina.

"Let's wait for Kuya Ethan po." Paghagikgik ng dalagita.

Inilabas ni Valentina ang cellphone n'ya at dinial ulit ang numero ni Akito ngunit wala pa ring sumasagot at maya't maya binababa ang tawag.

"Anong nangyari sa kanya?" Pagtataka ng dalaga at muli itong tinawagan.

"What's the problem, Ate Val?" Nag-taka na rin si Gilrei.

"Kasama ko kasi si Akito na hanapin ka at ngayo'y s'ya naman ang nawawala." Sagot ni Valentina. Ibinaba na ni Valentina ang telepono at tinawagan naman si Alessandra.

"Yes, Val?" Bungad ni Alessandra sa kabilang linya.

"Tanong ko lang po kung nakabalik na d'yan si Mr. Sanjeev? Hindi ko po kasi ma-contact." Panimula ni Valentina.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon