34. Finale

532 42 7
                                    

Takot na takot si Valentina nang maabutan n'yang naka-gapos ang Godfather sa upuan, may balot na sako ang ulo, at sa gitna mismo ng mansyon. 

Binalak s'yang hulihin ni Alejandro ngunit naka-talon s'ya palabas ng sinasakyan nitong van.

"G-Godfather..." Nilapitan n'ya ang duguan na matanda at sinubukang tanggalin ang lubit kahit nanginginig ang mga kamay nito.

Napatigil s'ya sa kanyang ginagawa nang bigla s'yang makarinig ng kasa ng baril mula sa kanyang likuran. It was Zeus.

"Got you." Ngisi ni Zeus sa likuran ng maskara.

Imbis na pangamba at takot ang makikita n'ya sa reaksyon ni Valentina kapag nilingon s'ya nito. Napawi ang ngiti ni Zeus nang makita n'yang nakangisi ang dalaga,

"No, I got you."

Nagulat si Zeus sa mga laser ng mga rifles na tumutok sa katawan at ulo n'ya, sobrang dami. Halos napuno ng red dots ang katawan nito.

Pumalakpak si Alejandro habang pababa ng hagdan. Halos matawa si Alejandro sa mga nangyayari ngayon at sa mga ginawa ng kanyang paboritong agent.

"Astonishing... right? Ethan Delavigne, A.K.A. Zeus." Sambit ni Alejandro, "Ethan... ang matalik na kaibigan ni Valentina. You met her at the bar, when she's desperate to get any job... at naisip mong magagamit mo s'ya laban sa organization ni Giovanni... right?"

Laking gulat iyon ni Ethan sabay lingon kay Valentina na tila'y walang paki-alam sa nangyayari, malayo sa Valentina na kilala n'ya.

"If you think you can fool me, think again...Ethan." Sambit ng dalaga.

"Marvelous, Agent Crimson." Pag-hanga ni Alejandro kay Valentina. Inirapan ito ni Valentina at umakyat ng hagdan upang ipagpatuloy ang kanyang gagawin, sunugin ang buong mansyon.

'What the f*ck?! She's Agent Crimson?! How I didn't know that?!' Gulantang ito. Walang nagawa si Ethan kundi sumuko sa kanila.

Bumaba ang ibang mga tauhan at ginapos din s'ya sa upuan, "May susunod pang bisita, mag-handa kayong dalawa at batiin n'yo sila." Sarkastikong bilin ni Alejandro.

"F*ck you Alejandro! May papatay din sa'yo!" Hiyaw ni Ethan.

"I'll be waiting for that." Pag-tawa n'ya bago umakyat sa itaas ng hagdan upang pag-handaan ulit ang pag-dating ni Giovanni.

Halos kalahating oras ang lumipas ay tapos na rin ang ginawa ni Valentina na pag-kalat ng gasolina sa buong mansyon. Sakto namang dumating Gilded Flame Organization nang ihagis n'ya ang lighter sa kwarto ni Cain at mabilis itong nag-liyab.

Nag-madali silang pumunta sa mansyon at nadatnan nilang kumakalat na ang apoy nito. Walang alinlangang tumakbo si Cain papasok sa mansyon.

"CAIN!" Habol pa sa kanya ng iba.

Nadatnan ni Cain ang ama na nakagapos at gayundin si Zeus sa tabi nito, "What the hell is happening here...?"

"C-Cain!" Valentina is back. Sinalubong n'ya ng yakap ang binata.

"Valentina... where have you been?" He asks worryingly.

"HUWAG KANG MAKINIG SA KANYA CAIN! S'YA ANG TUNAY NA KALABAN DITO, SI AGENT CRIMSON ANG KATAPAT MO!" Hiyaw ni Ethan. Napansin nga ni Cain ang amoy ng dalaga, amoy gasolina.

Nasulyapan ni Cain ang kamay ni Valentina na may hawak na baril at handa nang hilain ang gatilyo kaya agad n'ya itong sinipa palayo. Agad namang naka-iwas si Valentina sa sipa nito at napaatras s'ya palayo kay Cain.

Nag-simulang tumawa si Alejandro na rinig na rinig sa buong mansyon ngunit hindi pa rin ito sumusulpot. 

"Valentina..." Usal ni Cain. Hindi n'ya alam kung anong mararamdaman n'ya ngayong nalaman n'ya na ang kasintahan n'ya ang kalaban na matagal na n'yang hinahanap at inaalam. 

"Val!" Pag-alala ni Natalie nang makarating sila sa loob. Hinarang ni Cain ang kamay n'ya sa mga akmang lalapit kay Valentina.

"Cain, what's happening?" Pagtataka ni Natalie.

Muli, pinalibutan ng mga red dots ang katawan nila.

"She's Agent Crimson." Sambit ni Cain.

"W-What...?" Gulantang ng mga kasama nito.

Bumaba ng hagdan si Alejandro at lumapit sa likuran ni Valentina, " Excellent, Agent Crimson... Now, kill the Godfather."

Walang emosyong nilapitan ng dalaga ang nakagapos na matanda at tinutukan ang ulo ng baril, na niregalo pa ni Natalie sa kanya, "...no, hindi magagawa ni Val 'yan! sigurado ako na blackmail lang 'to." Kumbinsi ni Natalie kay Cain.

Narealize lahat ni Cain, bakit hindi s'ya nag-taka sa lahat ng ikinilos ng dalaga? bakit hindi n'ya ito pinag-dudahan? 

"Nabulag tayong lahat, binulag n'ya tayong lahat... t*ngina..." Gulong pag-iisip ni Cain at napahawak sa kanyang ulo.

"You f*cking traitor!!" Galit na galit na sigaw ni Alessandra.

Valentina pulled the trigger na ikinagulat ng lahat. Gulantang pa rin ang reaksyon nila nang tuluyang bumagsak sa lapag ang Godfather. All of them rage after Valentina takes down the Gilded Flame Godfather.

"NO!" Hiyaw ni Alessandra at humiyaw ng iyak. Sumugod ang iba upang patumbahin ang ibang mga tauhan at sniper na nag-kakalat sa paligid. Nangunguna na rito si Natalie na mabilis naka-akyat sa pangalawang palapag nang hindi napapansin ng ibang tauhan. Gayunpaman, sumunod sa kanya ang paningin ni Valentina, hindi nga lang s'ya nito pinigilan.

'What's her purpose?' She asks herself.

Hindi napigilan ni Cain ang galit nito nang tumawa pa si Alejandro sa pagkamatay ng kanyang ama kaya mabilis s'yang sumugod kay Alejandro. Mabilis din namang humarang si Valentina at tinutukan ang panga nito, ang baril naman ni Cain ay nakatutok na sa noo ni Alejandro.

"How do you feel... Giovanni?" Sarkastikong usal ni Alejandro. 

Sinipa ni Valentina ang tagiliran n'ya kaya ito napaatras. Hindi alam ni Cain ang gagawin ngayong magkatapat sila ng asawa n'ya.

"Kill him in any way you want." Utos ni Alejandro. 

"Hindi! Boss Cain!" Hiyaw ni Akito. Napansin nitong kasalukuyang wala pa sa reyalidad ang amo n'ya. 

"Boss--" 

Bago pa makalapit si Akito ay sinaksak s'ya ni Alejandro sa tagiliran, "away mag-asawa 'yan, hayaan mo na." Ngisi pa nito bago iwan ang binata.

"AKITO!" Hiyaw ni Alessandra at mabilis na lumapit kay Akito, "I-I'll be fine... si Big Boss..."

Mabilis na nagpalit ng panibagong baril si Valentina at ikinasa ito, "Please die already." She didn't say his name.

Binaril s'ya ni Valentina sa hita at tagiliran kaya napaluhod ang isang tuhod nito, "Fight back." Sinipa ito ni Valentina upang bumagsak sa lapag. Nabitawan ni Cain ang baril n'ya.

Inapakan ni Valentina ang pulsuhan nito nang balakin pa n'yang kunin ang baril n'ya at umupo pa sa tapat nito, "What now?" 

Valentina saw his expression. Fiery eyes full of hatred, "S-Somewhere... d-deep down... in THAT heinous heart of y-yours... there's a part of you that still care about me, Valentina,"

"D-Do you think... t-that killing me..., the government will give heroin reward for you? No, they will continue using you... Agent Crimson..."

"I want him dead... I want him cold and dead with no blood in his veins!" Hiyaw ni Valentina ngunit hindi naman alam ni Cain kung sino ang tinutukoy nito, "I wish... that all of these are just a bad dream, Cain."

Mas inilapit ni Valentina ang baril n'ya sa dibdib ni Cain. Lumapit ang dalaga sa kanya at may ibinulong sa tenga bago iputok ang baril na ikinasawi ni Cain. Kumalat ang dugo sa dibdib ni Cain at sa kamay ni Valentina.

"CAIN!!!" Hiyaw ng mga kasama ni Cain. 

"Well done, everyone..." Ngisi ni Alejandro at umakyat ng hagdan upang tumungo sa pinakatuktok ng mansyon dahil doon naka-abang ang helicopter na sasakyan nila.

Huling sumunod si Valentina. Sumulyap pa ito sa kanyang kasintahan, 

"...I can't accept the fact that I can't be with you in the next chapter anymore, Cain." 

"But, the story must go on... My Love."

(End)

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon