28. False Intelligencer

292 43 0
                                    


"Mrs. Ferrer, we're here."

Tumigil na ang kotse kaya gumising na ang dalaga, "I'm still tired..." Usal ni Valentina at inayos ang upuan.

Pinag-buksan s'ya ng pinto ni Lucius at inalok ang kamay nito, "thanks a lot, Lucius." Pasalamat ni Valentina at dahan-dahang bumaba ng sasakyan.

"May tanong ako, Mrs. Ferrer..." Usal ni Lucius. Sabay silang nag-akad papasok ng hotel bago tumugon si Valentina, "spit it out."

"Marami 'to, Mrs. Ferrer." Marahang pagtawa ni Lucius bago nag-simulang mag-tanong, "kaninong pamilya ka?"

Napatawa si Valentina, "anong klaseng tanong 'yan...?"

"Familia, saang sindikato ka nag-mula? Kasi... kung hindi ka nag-mula sa ibang sindikato ay 'di ka papapasukin sa mansyon." Kasagutan ni Lucia.

Napatigil sila sa pag-lalakad. Marahang nagulat si Valentina dahil sa sinabi ni Lucius, "hindi ako sindikato... nagtrabaho ako bilang babysitter ni Gilrei."

"Oh, oo nga pala... hindi sindikato ang hinahanap ni Ms. Sandra para sa anak ni boss, baka kasi kung ano ang gawin nito kay Maki." Paglilinaw naman ni Lucius. Kinausap muna ni Lucius ang hotel staff na mag-aasikaso sa kanila papuntang kwarto.

Nagpatuloy sila sa pag-lalakad nang mag-salita si Lucius ulit,

"Next question, why are you keeping secrets from the familia?"

"I don't want them to worry, ayaw ko rin na pigilan nila ako." Sagot ni Valentina.

Hindi na muling nag-tanong si Lucius pero ang mahalaga ay nasagot ang tanong n'ya. Gusto n'yang mas makilala ang dalaga kahit alam n'yang ikamamatay n'ya ito kapag mas napalapit s'ya lalo kay Valentina.

Nang makapasok sa loob ng kwarto ay pina-iwan na lamang ni Valentina ang mga gamit nito sa lapag dahil aalis din naman s'ya bukas.

"I'll just prepare your bath." Paalam ni Lucius at pumasok sa banyo.

Nilagyan n'ya ng saktong temperatura ang bathtub at nilagyan ito ng bath bomb.

Inayos na rin ni Lucius ang bathrobe nito bago lumabas ng banyo.

"Mrs. Ferrer, it's ready." Sambit ni Lucius, "I'm heading outside, tawagan mo 'ko kung may emergency,  Mrs. Ferrer." Paalam ng binata.

"I will." Tugon ni Valentina at pumasok sa banyo upang makapagbabad sa bathtub.

While Valentina was enjoying soaking in the bathtub, hindi n'ya mapigilang mag-isip sa ibang mga bagay.

Lalo na kay Cain na hindi maalis sa utak n'ya.

"Gumising ka na, parang ang tagal mo nang tulog." Sambit pa nito at napatawa sa sarili.

'Magagalit kaya s'ya kung malalaman n'ya na ako ang umaasikaso sa organisasyon?'

'Paano naman kung pagkagising n'ya... hindi na n'ya ako naaalala?'

"Malamang ipapaalam ko agad, kaunting katok lang sa ulo n'yan maaalala n'ya agad lahat." Kapilyahan nito.

HABANG pinapanood ni Leira si Cain ay hindi nito mapigilang mamangha sa napaka-among mukha nito.

Nasa dining hall ang Godfather kaya inatasan s'yang bantayan si Cain para sa gabing 'to.

"If only I had been your wife, Cain..." Usal ng dalaga at tumingin sa labi ni Cain. Nag-simula nang mag-init ang katawan ng dalaga nang bigla namang bumukas ang pinto.

"What are you doing?" Niluwa nito si Gilrei.

"I was just checking his temperature." Palusot ni Leira.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon