30. Big Boss

282 42 0
                                    


"It's finally done!" Nakahinga nang maluwag si Valentina nang matapos na ang ginagawa nila sa venue.

"Thank you everyone." Pasalamat naman ni Lucius sa mga crew na tumulong sa kanila.

Kinuha ni Valentina ang regalong ibinigay sa kanya ng asawa ni Blake. May kalakihan ang kahon at may kabigatan din ito.

Binuksan ng dalaga ang kahon at bumungad sa kanya ang isang baril at ang mga kasama nito; holster, silencer, at may extra na keychain na black hat.

"Wow, FNX-45 from Ms. Natalie?" Pag-hanga ni Lucius. Nasa gilid ang apelyido ni Natalie na nakita ni Valentina.

'I remember... may gun industry sila...' Napagtanto ito ni Valentina.

"Ms. Natalie never customize guns so I'm sure she likes you very much. I'm sure na malaki rin ang binayad ni Boss Blake para d'yan." Saad ni Lucius, hangang-hanga ito sa dalaga.

Isinara ni Valentina ang kahon dahil nanghihinayang s'yang gamitin ito.

'Yung regalo pa nga lang ni Gilrei mas malaki pa sa sampung taon kong sweldo dito sa mansyon bilang babysitter n'ya...' Napabuntong hininga ang dalaga.

"I can't accept this..." Usal ni Valentina.

"Silly, normal lang 'yan sa familia  masanay ka na... mas gusto kaya ng mga tao sa mansyon na palagi mong sinusuot o ginagamit ang regalo nila. It's like a tradition Mrs. Ferrer." Paglilinaw ni Lucius.

"Hindi naman ako masasanay kung bibitbitin ko 'to kahit saan." Nai-stress na tugon ni Valentina.

"May black card ka na ba?" Tanong ni Lucius.

"Madami na akong iniisip, huwag mo na dagdagan... please lang." May halong birong aniya.

Marahang humalakhak si Lucius, "alright, tara na at may flight ka pa Mrs. Ferrer—"

"Palitan mo nga 'yung pag-tawag sa'kin, hindi ako komportable na matawag na misis." Tampo ni Valentina.

"Ok po, lady boss." Pag-tawa ni Lucius.

"Ay, mas gusto ko 'yan." Sang-ayon ni Valentina. Niligpit ng dalaga ang niregalo sa kanya dahil iniisip n'ya pa kung gagamitin n'ya o hindi.

Pag-balik sa hotel ay niligpit na nila ang kanilang mga gamit at bumyahe patungong airport.

"Hmm, walang paramdam sila Ms. Sandra sa'kin... maayos lang kaya sila sa mansyon? Gusto ko tumawag kaso baka malaman nila kung saan ang punta natin." Sambit ni Valentina. Naka-receive ito ng panibagong mga dokumento kaya tinitingnan n'ya ito.

'Bagong biktima ng Greek Tragedy, ganoon pa rin naman ang ginagawa ng grupo. Maghahanap ng babae, sexual assault them, and kill them instantly.' Huminga nang malalim si Valentina habang nakatingin sa mga nakulektang litrato ng media.

"Yeah, kilala ko si Ms. Sandra. Mabilis n'yang mat-track 'tong kotse." Sabi naman ni Lucius.

Nag-patuloy sa ginagawa si Valentina nang malaglag n'ya ang isang sobre. Pinulot n'ya ito at binuksan ang loob.

Lahat ng nakita n'ya ay puro litrato ng mga babae kung paano i-dissect ang mga katawan nito.

Inusisa ng dalaga ang bawat litrato dahil baka makahagilap s'ya ng maaaring clue.

Ilang oras ang byahe bago sila nakarating sa airport. Mabilis lamang silang nakapasok dahil naka-business class ang ticket nila.

Dahil kailangan pa nila mag-antay para sa eroplano ay hinatid sila ng mga security sa business class lounge.

"Nessessary ba na bantayan tayo?" Pagtataka ni Valentina. Nakahiwalay ang pwesto nila sa ibang mga tao at may mga security pa na naka-harang sa kanila.

Pinaupo ni Lucius ang dalaga sa upuan upang komportable ito, "yes, because Godfather had just announced that Boss Cain was officially leading the organization."

"W-What? Gising na si Cain?" Gulat ni Valentina.

"Not yet, Lady Boss... but you are the priority kaya namin ginagawa ito." Paglinaw ni Lucius.

Agad na napawi ang namumuong excitement sa puso ni Valentina nang malamang hindi pa nagigising si Cain.

"I'll get food, Lady Boss... wait here." Sambit ni Lucius at naglakad paalis upang pag-silbihan ng pagkain si Valentina.

Binuksan ulit ni Valentina ang mga dokumento dahil hindi pa s'ya tapos tumingin sa mga litrato.

Kumuha s'ya ng pen and paper sa bag n'ya upang mag-sulat, susulatin n'ya ang mga makikita n'ya sa larawan upang mag-karoon ng ideya.

"Hmm, this one..." Usal ni Valentina at tinitigang mabuti ang nasa sulok ng isa sa mga litrato. There's a mirror, and it reflects the back body of the suspects and also she caught something familiar.

"That keychain..." Usal ni Valentina nang makita sa likuran ng isang lalaking nakatayo ang keychain na naka-sabit sa likurang belt loop nito.

"DAD!" Sinalubong ng yakap ni Gilrei ang ama pag-uwi nito sa mansyon.

"I miss you, sweetheart." Yakap pabalik ni Cain at hinalikan ang ulo ni Gilrei.

"I miss you too, Dad!"

Bumalik ang tingin ni Cain sa kanyang ama, "why are you still here?"

"Daddy! Huwag mo awayin si lolo-dad, s'ya kaya yung nag-bantay sa'yo habang nasa school ako at nasa work si Ate Val." Pag-nguso ng dalagita.

"Tsk, go to your room... mag-uusap lang kami." Bilin ni Cain sa anak na agad namang sumunod sa utos.

Napansin ni Cain na may kakaiba, wala si Leira na palaging kasama ni Godfather.

"Where's your secretary?" Tanong ni Cain.

"In the garden." Sagot ni Godfather kasabay ng kanyang buntong hininga.

"What is she doing there?" Tanong ulit ni Cain.

"Chilling with maggots." Sagot ni Godfather.

"Whatever, where's Valentina?" Sunod na tanong ni Cain.

"I don't know, that's your wife. Hindi ko responsibilidad 'yan... Mainit pa naman sa mga mata ng publiko ang official na fiancee ng isang Ferrer." Kaswal na saad ni Godfather, animo'y iniinis lalo si Cain.

"Tsk, mess with my wife and I'll guarantee your suffering." Nanlilisik ang mga mata ni Cain. S'ya lamang ang nag-iisang taong walang takot kay Godfather.

"Cute." Sambit ni Godfather, "Whatever, do what you want..." tinapik ng kanyang ama ang isang papel sa kanyang dibdib bago s'ya iwan nito.

Tiningnan ito ni Cain. Nagulantang ito at nilingon ang kanyang ama na paakyat ng hagdan, "stop looking at me like that, idiot."

Cain scoffs, "Shut up—"

"Oh I will." Sarkastikong tugon ng matanda at nagpatuloy sa paglalakad paakyat.

Binalik ni Cain ang tingin n'ya sa papel, isang kontrata na nagpapahiwatig na aalis na sa pwesto ang Godfather at s'ya na ang papalit.

Kneel Down, ValentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon