Chapter 05

2.4K 32 0
                                    

Chapter 05

"What?" natatawang tanong nito ng masama ko itong tinignan

"Look what have you done to me!" inis na singhal ko rito, I'm referring to my wet clothes

"Hindi ko sinasadya, ginulat mo ako, Wifey eh." naka-simangot katwiran nito na ikinairap ko

Hindi ko naman kasalanan kung magugulatin siya, tinawag ko lang naman siya dahil naka-handa na ang almusal namin

"Tsk! Tapusin mo na nga yang dinidiligan mo! Breakfast is ready." turan ko rito saka siya muling inirapan bago siya iwan sa may garden

Nag-tuloy tuloy na ako sa kwarto namin dahil mag-papalit ako ng damit tapos naman na akong maligo kanina eh

"Are you still mad, Wifey? Hindi ko naman talaga sinasadya eh." naka-ngusong sambit nito ngunit nag-iwas lang ako ng tingin rito

Pa-cute ang loko akala ata niya madadaan ako sa paawa effect niya

"Wifey? Please forgive your hubby?" mariing napa-kagat labi ako para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko lalo na't kita sa gilid ng mata ko ang pag-nguso nito

"Please Wifey? forgive me? please! please!"Hindi ko na napigilan ang sariling mapangiti dahil sa kacutetan nito

"You're smiling na, Wifey's Am I already forgiven?"naka-ngiting tumango ako rito

"Yeheyy! So tuloy yung date natin, Wifey okay?"ngiting ngiting wika nito saka maganang kumain ng niluto ko

Hindi ko maiwasang masuyong kumawala ang ngiti sa labi ko habang pinag-mamasdang sarap na sarap ito sa niluto ko

Matutuwa akong kahit hindi naman siya kumakain ng breakfast ay nakakarami siyang kain ng niluto ko, nabanggit kasi ni, Manang na hindi siya nag brebreakfast at tanging kape lang ang pang-umaga niya

"Eat up, Wifey." paulit ulit akong napa-kurap ng lagyan nito ng kainin at ulam ang plato ko "Kailangan mong kumain, ayaw kong pumayat ka saka ang sarap sarap kaya ng luto mo." malaki ang ngiting sambit nito na para bang proud na proud ito

"Wala nman espesyal sa luto ko, It's just normal breakfast." iiling-iling na sambit ko rito kung makapag-salita kasi ay akala mo pang international na ang luto ko samantalang simpleng prito lang nman lahat

"Para sa'kin sobrang espesyal lahat ng luto mo, Asawa kita eh." naka-ngiting wika nito habang nag-tataas baba ang kilay nito

"Kumain ka na nga lang."sambit ko rito saka nag-baba ng tingin sa pagkain ko,Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko

Parehong tahimik kaming dalawa habang pinag-patuloy ang umagahan ngunit wala kang mararamdamang awkwardness sa pagitan namin

"Let's go, Wifey." ngumiti ako rito saka tinanggap ang kamay nito at hawak kamay kaming lumabas ng Mansion niya

Dahil maaga pa ay hindi ganun kainit ang sinag ng araw kaya napili naming mag-lakad na lang papunta sa park na sinasabi nito

Habang hawak nito ang kamay ko ay hawak naman nito sa kabila ang picnic basket kung saan nakalagay ang kailangan namin mamaya

Habang palayo ng palayo ang tinatahak ang daan ay unti unting nawawala ang mansion na nakikita ko at dumadami ang mga punong nadadaanan namin

"Nandito na tayo." agad akong napalingon sa harapan namin ng sabihin niya yun

Hindi ko maiwasang matuwa sa nakikita ko, napapalibutan ng iba't ibang bulaklak at puno ang paligid

"Ang refreshing naman dito." turan ko

"Dito kami noon madalas nag pupunta ng kapatid ko, Aksidente naming na kita ang lugar na ito."turan niya na ikinalingon ko rito

"Hindi  pa ito ganda noon, ang totoo niyan halos patay na ang mga halaman rito pero dahil nagustuhan ng kapatid ko ang lugar na ito inalagaan at nag-tanim ulit siya ng mga bagong halaman." naka-ngiting wika nito, halatang mahal na mahal nito ang kapatid

"Hanggang sa naging ganito na. Parehong inalagaan at hindi namin pinabayaan ang lugar na toh."

" Nasaan ang kapatid mo?"tanong ko rito habang inaalalayan ako nito sa picnic blanket na nilatag niya sa damuhan

"Nasa ibang bansa may inaasikaso lang,pero ang sabi niya babalik siya agad lalo na ng banggitin ko sakanyang kasal na ako." naka-ngiting wika nito

"Sa tingin mo magugustuhan ako ng kapatid mo para sayo?" nag-aalalang tanong ko rito, ayaw kong mawala ang kapayapaang nararamdam ko sakanya

"Sigurado akong mag-kakasundo kayo."masuyong wika nito "Matagal na nga niyang gustong mag-asawa ako eh." natatawang wika nito

"Mukhang masungit at spoiled ang kapatid ko pero mabait yun, Ang gusto lang niya ay makita akong masaya at ganun din Ako."naka-ngiting wika nito, tama nga ako mahal na mahal talaga nito ang kapatid

" Eh ang magulang niyo? Nasaan ang magulang niyo? Bakit parang hindi ko pa sila nakikita? "takang tanong ko rito

"Matagal na silang wala."malungkot ang ngiting wika nito hindi ko tuloy maiwasang maguilty dahil nag tanong pa ako

" I'm sorry, Hindi ko alam."mahinang wika ko saka nag-baba ng tingin

"Ano ka ba, Wifey ayos lang naman, saka normal lang na tanungin mo ang tungkol sakanila."masuyo ang ngiting sambit nito

"Matagal ko naman ng tanggap na wala na sila sadyang hindi ko lang maiwasang malungkot tuwing naaalala sila."sambit nito saka mahinang pinisil ang pisngi ko

"Kung ayos lang, Anong dahilan kung bakit nawala sila? "dahang dahang tanong ko rito

"Its was a car accident, Iniwasan nila noon ang isang sasakyang nawalan ng preno kaso nag kataong sa bangin ng diretso ang sasakyan nila, Hindi agad sila nahanap dahil nagkataong may bagyo noon."ngumiti ito ngunit mararamdaman mo ang sakit at lungkot sa ngiti nito

"Parehong wala na silang buhay ng mahanap ang katawan nila."Hindi ko maiwasang masaktan para sakanya, Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha sa mga mata ko

"Silly, Wifey you don't need to cry for me."natatawang wika nito habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko

" I feel sad and hurt for you. I can't stop my tears from keep falling."humihikbing wika ko rito

" It's okay, I'm okay now."masuyong wika nito habang yakap ako

" Matagal ng nangyari yun saka alam ko naman kung may pag pipilian lang sila, Mommy hindi nila kami iiwan."

"Me and my sister already accepted the fact that they already gone. Ayos lang kahit kaming dalawa na lang, we always get each other back. An your here too."malambing na wika nito

"Ang swerte ko dahil ikaw ang naging Asawa ko, Dahil kung hindi naging ikaw baka hindi ko na alam kung ano pang mangyari sa'kin."turan ko rito saka kumalas ng yakap sakanya

"Salamat, Hubby dahil lagi mo akong pinapasaya, lagi mo akong iniintindi at salamat dahil nag kwento ka sa'kin."ngumiti ako rito

"You're my wife, and as your husband it's my priority to make you happy."napa-pikit na lang ako ng masuyong hinalikan ako nito sa noo

"As long as it's you, I'll be the most understanding husband."

"I hope it's not just a dream."mahinang wika ko habang naka-pikit "Ayaw kong magising na lang bigla na hindi pala totoo ang lahat, na panaginip lang ang kasiyahang nararamdaman ko o baka balang araw ay iwan mo ako."puno ng takot na sambit ko rito

"It's not a dream, Wifey it's our reality and no matter what I will not leave you. I promise that I will always stay here. beside you."tinanggap ko ang halik nito ng maramdaman ang pag-lapat ng labi nito sa labi ko

It's feel so unreal because of the peacefulness and happiness that I'm feeling with him...

It's feel like home...

The Only Heiress(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon