Chapter 29

1.6K 15 0
                                    

Chapter 29

"Isang taon ka nang natutulog Hubby ah bakit hindi ka pa ding nagigising?" mahinang sambit ko habang hinahaplos ang pisngi nito

"Mag-iisang taon na ang anak natin marunong na siyang mag-lakad mag-isa kahit minsan ay natutumba siya," kwento ko rito

"Alam mo ba tuwing pinapakita ko ang picture mo sakanya natutuwa siya at pilit inaagaw yung picture mo na hawak ko?" mahinang natatawang wika ko

"Pasensya kana kung hindi na kita madalas dalawin inaalagaan ko kasi ang anak natin para pag-nakita mo siya malusog siya."naka-ngiting turan ko

"Ang sabi ng Doctor bakit hindi ka na lang namin sukuan?Pero huwag kang mag-alala Hubby hinding hindi ko gagawin yun kahit ilang taon pa ang lumipas hihintayin kitang magising dahil alam kong lumalaban ka para makasama kami ng anak mo..."pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko

"Miss na miss na kita Hubby please.... wake-up for me... for us...."

"Diba gusto mong makita kung pano lumaki ang anak natin? Ikaw ang mag-tuturo sakanya kung pano mag-basa? Mag-sulat at kung ano ano pang gusto mong ituro sakanya..."

"Ayos lang naman ako Hubby hindi ako iniwan ni, Keilla at Ria. Si, Sierralee minsan ay dinadalaw ako pero sa tingin ko ang baby talaga natin ang gusto niyang puntahan."natatawang wika ko rito

"Sila, Mommy at Dad din ay tuwang tuwa sa apo nila tuwing nasa bahay sila ay halos hindi ko na mabuhat si Baby dahil ayaw nilang bitawan maliban na lang kung kailangan ko na siyang I-breastfeed o kung ayaw tumigil sa pag-iyak hangga't hindi ako ang nag-bubuhat sakanya."

"Sila Mommy nga ngayon ang nag-aalaga kay baby ngayon eh at tyaka huwag mong alalahanin yung company dahil hindi yun pinapabayaan ni, Keilla salit salitan ding tumutulong ang kaibigan mo sakanya..."

"Ang alam ko ay dinalaw ka na nila dito hindi ba? Sigurado akong nag-kwento na sila sa nangyari."natatawang wika ko saka hinalikan ang likod ng kamay nito

"Gumising kana Hubby ang dami ng nangyayari oh ayaw mo bang ikaw mismo ang makasaksi?"

"Oo nga pala pag-gising mo mag-handa ka dahil pag-sasabihan ka daw ni, Ria at ng mga kaibigan mo dahil ang tagal mong natulog... "natatawang wika ko rito

"Ayaw mo pa bang makasama ako Hubby? Kasi ako gustong gusto kong makasama at maka-usap ka...."napa-yuko na lang ako

"Ilang buwan na lang mag-iisang taon na ang anak natin.... Ayaw mo bang kasama ka sa first birthday ng anak natin? Ano ba kasi niyang napapaginipan mo at hanggang ngayon ay ayaw mo pang magising.. "

"Wake-up Hubby...." ilang oras pa akong nanatili sa loob ng ICU bago nag-paalam ritong kailangan ko ng umuwi dahil hinihintay pa ako ng anak namin

"Lea, kumusta? May improvement ba sa lagay ni Kuya?"agad akong umiling kay, Keilla saka malungkot na ngumiti rito

"Nasaan si, Chain?"tanong ko rito

"Na kay, Ria pinapatulog iyak kasi ng iyak kanina mukhang hinahanap ka at dahil kamukha mo naman si, Ria kahit papano tumigil sa pag-iyak pero sa tingin ko ay nararamdaman niyang hindi niya Mommy ang may buhat sakanya. "napa-ngiti at mahinang natawa na lang ako sa sinabi ni, Kiella

"Sige pupuntahan ko lang sila."naka-ngiting wika ko saka umakyat sa kwarto

"Uyy buti nandito kana."maingat na kinuha ko si, Chain kay Ria

"Grabe yang anak mo, huh! Inihian ba naman ako."natawa na lang ako sa sinabi nito

"Bakit kasi hindi mo dina-diaperan."

"Papalitan ko sana kaso bigla na lang siyang nag pa fountain ng ihi niya."naka-ngusong wika nito hindi ko tuloy mapigilang matawa ng tuluyan dahil sa kwento nito

"Tawa mo dyan." ngumiti na lang ako rito saka nag-lakad palapit sa crib ni baby Chain saka siya maingat na inihiga duon bago hinarap si, Ria

"Salamat sa tulong, Ria ah? Pasensya na din sa storbo."

"Naku, Lea hindi ka storbo sa'kin lalo na si baby Chain nakaka-aliw kaya yang anak mo lalo na kung ngingiti at tatawa hindi din mahirap alagaan minsan lang pag-may topak." natawa na lang ako sa huling sinabi nito

"Kumusta naman ang pag-dalaw sa Asawa mo? May improvement na ba?" malungkot na umiling ako rito saka naupo sa gilid ng kama agad naman ako nitong tinabihan

"Magigising din ang Asawa mo,Lea magiging kompleto din kayong pamilya." kiming ngumiti ako rito saka tumango

"Sana nga, Ria dahil ayaw kong maranasan ng anak ko ang naranasan ko. Gusto kong maranasan ng anak ko ang masaya at kompletong pamilya."sambit ko habang naka-titig sa anak kong nasa crib

"For sure he will."ani ni, Ria "Sigurado akong lalaki ang anak niyo ng punong puno ng pag-mamahal galing sainyo—sa amin. Lalaki silang bilang mabuti at mapag-mahal dahil ganun kayong mag-asawa.."ngumiti na lang ako saka tumango....

"D-Da... da.. "gulat na napalingon ako kay, Chain "D-Da...da... "nauutal na sambit nito saka ngumiti habang naka-turo ang darili sa larawan ng ama

"Yes... baby.. That's Daddy... "hilam ang luhang wika ko saka mahigpit itong niyakap

"D-Dada..." hindi ko maiwasang mapa hikbi dahil sa sayang nararamdaman... It's Chain first word

"Dada, love you baby..."naka-ngiting wika ko saka hinalikan ito sa noo

"Sigurado akong sobrang saya ng Daddy mo pag narinig niya ang first word mo." naka-ngiting wika ko rito

Naka-titig lang sa'kin ito mukhang pilit iniintindi ang mga sinabi ko

Napa-ngiti na lang ako ng maramdaman ang malambot na palad nito sa pisngi ko at tila pinupunasan ang luha ko

"Aww... my baby is sweet like his father.." naka-ngiting wika ko saka ito niyakap

"M-moma... t-tap... clarin..." naka-ngiting tumango ako rito ng maintindihan ang ibig nitong sabihin Moma stop crying

"I will baby..." mahinang wika ko rito  pinanood ko lang na mag-laro ito sa lapag

"Anong plano mong gawin sa first birthday ni, Chain?" tanong ni, Ria

"Siguro simpleng handaan lang tayong pamilya." sagot ko rito parehong pinapanood lang namin ang anak ko

"Okay, sabihin mo lang kung anong maitutulong ko." tumango ako rito

"Salamat, Ria."

"Ayan ka na naman sa Salamat Ria mo diba sabi ko sayo hindi mo kailangan mag Thank you kada tutulungan kita o may gagawin ako para sayo. Ginagawa ko lahat ng ito dahil gusto at bukal sa puso kong tulungan ka,Lea ang makitang masaya at okay ka ay sapat na sa'kin."niyakap ko na lang si, Ria

"I'm so proud of you,Lea dahil kahit alam kong nahihirapan ka sa situation ng Asawa mo nagagawa mo pa ding mag pakatatag para sa anak niyo. Ipag-patuloy mo lang yan nandito lang ako laging naka supporta sayo... "

"Nakakaya ko dahil nandyan kayo. Alam kong kakayanin ko basta nasa tabi ko kayo...."mahinang wika ko rito...

The Only Heiress(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon