Chapter 18
"How's your feeling Wife?" masuyong tanong nito habang hinahaplos ang buhok ko
"I'm feeling better." naka-ngiting sagot ko rito
"Are you sure?"tumango ako rito saka yumakap rito
" Do you think she's telling me that truth? Naguguluhan na kasi ako kung dapat bang paniwalaan ko siya eh."mahinang wika ko rito habang yakap siya
"Hindi pa ba sapat na kamukhang kamukha mo siya? "balik tanong nito
"Hindi ko alam, Xian.... sobrang naguguluhan talaga ako ang daming tanong na gumugulo sa isip ko."tugon ko rito
"Bakit hindi mo siya subukang maka-usap ulit? Itanong mo lahat sakanya ang gumugulo sa isip mo para mapanatag ka."masuyong wika nito
"Ayaw mo ba nun? May iba ka ng pamilya maliban sa'min. Hindi ba gusto mong malaman kung may iba ka pang kadugo? Ito na yun hindi mo lang siya basta blood related kung hindi kalahati mo."ani nito
"Hindi ba nabanggit mong tila pakiramdam nawawala ang kalahati mo lalo na tuwing dumadating ang kaarawan mo ayaw mo bang mapunan ang kalahating yun?"masuyong tanong nito nag-angat ako ng tingin rito
"Natatakot ako, Xian kahit nararamdaman kong dapat ko siyang paniwalaan ay hindi ko magawa natatakot akong masaktan at umasa." pag-amin ko rito
"Pano kung saktan niya ako? Pano kung ilayo niya ako sayo? "puno ng pangambang tanong ko rito
"Hindi niya gagawin yun, Wife hindi siya ang Daddy mo. Hindi ko man ganun kakila si, Ria pero ng araw na yun nakita kong pananabik na makasama ka."naka-ngiting wika nito habang masuyong hinahaplos ang pisngi ko
"Hindi ba sinabi mong sinubukan ka niyang hanapin ng malaman niya ang tungkol sayo? Ibig lang sabihin nun ay gusto niyang maging parte ka ng buhay niya at gusto niyang makilala ka."dagdag nito
"Kausapin mo siya, Wife para mawala niyang pangambang nararamdaman mo at masagot lahat ng tanong na gumugulo dyan sa isip mo."malambing na wika nito
"Gusto kong maging masaya ang Asawa ko at maramdaman nitong buo na talaga siya."ngumiti ako rito saka tumango
"Sige, susubukan kong kausapin siya."
" Kung ganun ay tara na sa baba dahil kanina pa siya ruon nag-hihintay."nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito
"Ano?! "
"Kanina ka pa niya hinihintay sa may sala dahil gusto niyang maka-usap ka."natatawang turan nito
Masama ang tinging pinukol ko rito habang nag-lalakad ako papunta sa pinto
" Lagot ka sa'kin mamaya."may pag-babantang wika ko rito bago tuluyang lumabas ng kwarto
Gusto ko mang tumakbo pababa para agad siyang makita ay hindi ko ginawa dahil safety pa rin ng baby namin ang priority ko
"Ria!" tawag ko rito ng madatnan itong naka-upo sa may sala
"Lea."agad itong tumayo at naka-ngiting nag-lakad palapit sa'kin
"Alam kong naguguluhan ka pa rin at kailangan mo pang isipin lahat ng nalaman mo pero gusto na kasi kitang makita at maka-bonding eh." paliwanag nito "Matagal ko ng gustong makasama at makilala ka hindi lang ako nabigyan ng pagkakaton." ngumiti ako rito
"Hinga, Ria huwag kang mag-alala dahil darating din tayo dyan pero gusto kong ikwento sa'kin lahat lahat para mabilis kong maintindihan kung ano ba talaga ang nangyari."wika ko rito
Hinayaan kong hilain ako nito papunta dun sa may mahabang sofa saka kami sabay na naupo
"I was 20 nung nalaman kong may unang Asawa si Mommy at yun ay ang Daddy niya dun ko din nalamang naiwan ka sakanya."panimula nito "Ang sabi niya ay hindi naman niyang gustong gawin yun pero wala na daw siyang pag-pipilian."
" Ang Daddy na kinilala kong Daddy ay ang siyang tumulong sakanya para maging matagumpay ang pag-takas nito sa Daddy natin."
" Ang sabi ko kay Mommy hahanapin kita at kukunin kita sa poder ni Daddy pero ang sabi niya ipapahamak ko lang daw ang sarili ko ganun din ang buhay na meron kami ngayon gusto ko mang magalit ay hindi ko magawa kasi alam kong kung may pag pipiliin siya ay kukunin ka niya sa poder ng Daddy natin."lintaya nito
Tila may bumara sa lalamunan ko habang pinapakinggan ang kwento nito
Isa lang tumatak sa isip ko yun ay buhay talaga si Mommy sinadya niyang iwan ako para makawala kay Daddy
"B-buhay ang mommy natin..." hindi ko na napigilan ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko
"Hindi niya ba naisip ang pwede kong maramdaman sa oras na nalaman kong wala na siya?"Umiiyak na turan ko rito
"D-dahil.... dahil sa ginawa niya..."Hindi ko na nagawang tapusin ang gusto kong tapusin ng humagulgol ako ng iyak dahil muling naging sariwa ang sugat na Akala ko ay tuluyan ng nag-hilom
"Shh.... hindi ko alam kung anong sasabihin ko para mapagaan ang loob mo pero sigurado akong mahal na mahal ka ni, Mommy." bulong nito habang mahigpit akong niyakap
"Huwag ka ng umiyak,Lea makakasama sa baby mo." tila nag-mamakaawang wika nito ngunit hindi ko mapigilan ang pag-buhos ng mga luha ko dahil sa dami ng sakit na kinikimkim ko
"He never a father to me..."mahinang wika ko "Habang ang inaakala kong patay na ay buhay pala masaya kasama ang ibang pamilya.." puno ng sakit na turan ko
"Habang impiyerno ang buhay ko langit naman ang sainyo.." usal ko rito
Humiwalay ako ng yakap rito saka tinitigan ito sa mga mata niya
"Gusto kong sabihin ang swerte mo dahil hindi ikaw ang nasa lugar ko habang nasa poder ni Daddy, pero alam kong hindi mo naman ginusto at wala kang ideya sa nangyari." hilam ang luhang ngumiti ako rito
"Nag-papasalamat ako dahil hindi hinayaan ni Mommy na tayong dalawa ang mag-dusa...." pigil ang hikbing wika ko
"Lea... "
"Ayos lang kahit ano yung nag-bayad sa kasiyahang meron kayo ngayon.... Masaya akong makilala ka at malamang gusto mo akong maging parte ng buhay mo."masuyong pinunasan ko ang luha nito sa pisngi
"Alam mo bang matagal ko ng pinangarap na mag-karoon ng babaeng kapatid lagi kasi akong mag-isa noon wala akong kalaro maliban kila Manang na siyang nag-alaga sa'kin."pag-kwento ko
"Saka ko lang naranasang magkaroon ng makilala ko sila, Kara at Sera sigurado akong masaya sila para sa'kin pag nalaman nila ang tungkol sayo."naka-ngiting saad ko
"Pangako, Lea babawi ako sayo... kaya sana hayaan mong bumawi ako kahit may Asawa kana.. "nakiki-usap na ani nito
"Hindi mo kailangan bumawi sa'kin pero kung yan ang ikakasaya ml ay sige huwag kang mag-alala kay, Xian dahil sigurado akong tutulungan ka pa niya kung sakali."natatawang wika ko rito saka siya masuyong hinila at muling niyakap
"Masaya akong makilala ka, Ria sana bigyan tayo ng pag kakataon na mag-kasama ng matagal..."mahinang wika ko saka bumitaw rito
"Salamat, Lea dahil tinanggap mo ako."
"Salamat din, Ria."naka-ngiting wika ko rito saka ito naman ulit ang yumakap sa'kin ng mahigpit na ikinangiti ko na lang...
BINABASA MO ANG
The Only Heiress(🌹)
General FictionHeiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A punishment that she don't want to experience again... Akala niya wala nang ilala ang Ama niya meron p...