Chapter 20

1.3K 17 0
                                    

Chapter 20

"Bakit kasi ayaw mo akong isama?" inis na inis na turan ko rito

"Wife, hindi naman sa ayaw kitang isama pero masyadong mahaba ang biyahe natin ayaw ko lang maging uncomfortable kayo ni Baby lumalaki na siya at nagiging maselan na ang pag bubuntis mo." malumanay na turan nito saka masuyong nginitian ako

"Ayaw kong may masamang mangyari sayo saka babalik naman ako pagkatapos ng kailangan kong gawin dun." napa-pikit na lang ako ng masuyong angkinin nito ang labi ko

"Sasamahan ka naman ni, Ria rito habang wala ako eh saka Bakit hindi mo subukan kausapin ang Mommy mo habang wala ako? Alam kong kaya mo siyang harapin ng wala ako sa tabi mo." naka-ngiting turan nito

"Ano naman ang sasabihin ko sakanya? Saka hindi ba pwedeng kausapin ko siya habang nasa tabi kita?" naka-ngusong turan ko rito

"Gusto kong nasa tabi mo ako habang kaharap ang Mommy mo pero diba mas maganda kung ikaw lang? Hindi ba't magandang pagkakataon ito para mag-usap kayo bilang pamilya?"masuyong sambit nito

"Pero hindi ko nga alam kung pano at anong dapat sabihin ko sakanya."naka-ngusong kunot noong turan ko rito

"Harapin mo siya sa paraan ipapakita kung sino ka talaga sabihin mo sakanya lahat ng gusto mong sabihin kahit ano ba yan itanong mo lahat ng gumugulo sa isip mo lahat lahat tapoa pagkatapos nun saka mo pag-isipan kung gusto mo bang maging parte pa siya ng buhay mo hindi na."

"Alam kong kakayanin mo lahat alam kong kung ano man ang magiging desisyon mo ay tama."pumikit na lang ako ng halikan ako nito sa noo

"Kung anong magiging desisyon mo dapat sigurado kang magiging masaya ka sa resulta dahil yun lang naman ang gusto ko ang makita kitang masaya at malaya."

"Huwag ka na lang kasing umalis huwag mo akong iwan. "naka-ngusong turan ko rito hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa sinabi nito

"Ang kulit mo talaga Wife alam mo namang kailangan ko talagang umalis eh saka pag hindi ako umalis sigurado akong si, Keilla mismo ang pupunta rito para sunduin ako."natatawang wika nito

"Ayaw mo naman kasi akong isama."reklamo ko rito saka naupo sa kama namin

"Babalik naman kasi agad ako Wife saka alam mo naman kung bakit ayaw kong pumayag diba?"naka-ngusong napa-tango na lang ako

Alam ko namang ang kaligtasan ko at ng baby namin ang iniisip niya lalo na't nitong nakaraan ang bilis ko ng mapagod

Kailan kasi nitong bumalik sa Manila dahil nagka-problema ang Companya at hindi alam ni Keilla ang gagawin dahil wala ito masyadong alam sa business

"Basta bumalik ka agad ah saka tumawag ka pag nakarating ka dun." bilin ko rito, ngumiti ito saka lumuhod ito sa harapan ko

"Babalik ako agad." naka-ngiting wika nito saka ang sinapupunan ko naman ang binalingan nito

"Hello, baby aalis muna si Daddy, ha?! Pero huwag kang mag-alala dahil babalik agad ako  mamimiss ko kayo ng Mommy ng sobra."pasimpleng huminga ako ng malalim saka tumingala sa taas para pigilan ang luhang nag-babadyang mahulog

"Huwag mo masyadong pahirapan ang Mommy ah wala pa naman ako para alagaan kayo pero alam ko namang hindi kayo pababayaan ng Tita Ria mo."masuyong napa-ngiti na lang ako habang pinapakinggan ang pakikipag-usap nito sa baby namin

"Wife please don't stress yourself too much okay? Don't tire yourself. Take care of yourself."

"I will, basta mag-ingat ka okay? bumalik ka agad please Hubby.." paki-usap ko rito

"I will Wife ayaw kong ako ang maging dahilan kung bakit ka stress at malungkot kaya tatapusin ko agad ang kailangan kong gawin para makabalik agad ako sayo." pigil ang luhang tumango ako rito

The Only Heiress(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon