Chapter 17

1.4K 20 0
                                    

Chapter 17

"Kompleto na ba lahat?" tanong ko kay, Xian habang abala ako sa pag-hihiwala ng ingredients na kailangan namin

"Yes, Wife nahugasan ko na din." sagot nito bago ko naramdaman ang maingat nitong pag-kuha sa kutsilyong hawak ko at ito ang nag-tuloy sa ginagawa ko

"Ako na dito, Wife maupo kana lang at panoorin mo kung pano maging chef ang asawa mo." naka-ngiting wika nito saka kinindatan ako dahil para matawa ako

"Business Man ka, Hubby hindi Chef." natatawang wika ko rito pero sinunod ko pa din ang sinabi nito

Naisip kasi naming mag-handa para sa pag-dating namin rito para naman maka halubilo kami sa mga tao rito lalo na't dito kami mananatili hangga't hindi namin naaayos ang problema kay Daddy

"But, this business man can cook a very delicious food pwede ng class a sa isang expensive restaurant." natawa na lang ako sa pag-yayabang nito

"Sinong mas masarap ang luto sa'tin dalawa?" naka-ngising tanong ko rito

"Syempre ang luto ng Asawa ko wala ng mas masarap pang mag-luto kaysa sa sayo."naka-ngiting wika nito

"Aba dapat lang hindi na talaga kita pag-luluto pag-sinabi mong may iba pa." kunyaring masungit na turan ko rito

"Wala ng mas masarap sayo ay mali mas masarap pang mag-luto sayo Wife." napa-iling na lang ako sa unang sinabi nito

"Mag-luto kana nga lang dyan ang dami mo pang sinasabi mamaya nandyan na yung mga bisita hindi pa tayo nakakapag-handa." turan ko rito

"Yes, Wife!" naka-ngiting napa-iling na lang ako rito ng sumaludo pa talaga ito sa'kin bago nag-seryosong nag-luto

Naka-halumbaba lang ako habang pinapanood kung pano ito kumilos habang nag-luluto paminsan minsan ay nginingitian ako nito o di kaya ay kikindatan minsan ang bigla bigla na lang nang hahalik na tinatawanan ko na lang din sa pagiging pilyo nito

"Mauna ka ng mag-ayos Wife ako ng tatapos rito ilang sandali na lang ay darating na ang mga bisita." turan nito saka ako hinawakan sa kamay para kunin ang mga platong hawak ko

"Sigurado ka? Ikaw na nga nag-luto kanina tapos hindi pa kita tutulungang mag-ayos?" tanong ko rito, naka-ngiting tumango ito saka mahinang pinisil ang pisngi ko

"Ayos lang saka alam kong mabilis mapagod ang mga buntis at bawal mapagod ang Asawa ko." masuyong wika nito, ngumiti ako rito saka tumingkad para maabot ang labi nito at hinalikan

"Okay!" parang batang tumango ako rito saka umakyat na sa taas dahil pakiramdam ko ay naiinitan ako mabilis akong nag-shower

Simpleng maternity dress ang sinuot ko at flat sandals hindi kasi pwede yung may heels baka mag kamali Ako maipahamak ko pa ang sarili ko at baby namin

"Such a beautiful queen I have here." naka-ngiting wika ni, Xian ng makita Ako nito sa harapan ng salamin pag-pasok nito sa kwarto namin

"Tapos ka ng mag-ayos?" tanong ko rito

"Yup!"

"Maligo ka na kung ganun." natatawang wika ko rito

"Wait for me, Wife sabay na tayong bumaba. "tumango ako rito, hinalikan muna ako nito bago ito pumasok sa bathroom

Habang hinihintay siya ay pinaka-titigan ko ang sarili sa salamin habang masuyong hinahaplos ang umbok ng tyan ko

Hindi ko maiwasang mapa-ngiti tuwing pumapasok sa isip kong ilang buwan na lang ang hihintayin namin ay makakasama na namin siya

Dalawang buwan pa ang hihintayin namin para pwede na naming malaman kung anong gender niya at maka-isip kami ng magiging pangalan niya

"Let's go, Wife." agad akong napalingon rito at napa-ngiti na lang ng makitang pareho ang kulay ng suot namin na tila ba sinadya niya

The Only Heiress(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon