Chapter 28

1.4K 15 0
                                    

Chapter 28

"Hayaan mo na kasi akong dalawin si, Xian kakausapin ko lang naman siya eh sige na, Ria hayaan mo na ako..." nakiki-usap na wika ko rito habang mahigpit ang hawak sa kamay nito

"Lea, kahit gaano man kita gustong pag-bigyan ay hindi pwede ang Doctor mo na din ang nag-sabi." naka-pabuntong hiningang wika nito

"Kahit anong araw o oras pwede ka ng manganak kailangan mong ihanda ang katawan mo." paulit ulit akong umiling rito

"Hindi pa pwede, Ria hindi pa gising ang Asawa ko pwede bang hintayin muna natin siyang magising bago ako manganak?"

"Lea, alam mong hindi pwedeng mangyari ang gusto mo... Sarili at ang anak niyo lang ang pahihirap mo sa tingin mo magugustuhan yun ng Asawa mo? Ang pinaka ayaw sa lahat ni, Kiel ay ang makita kang nasasaktan..."malumanay na wika nito

"Kakayanin kong tiisin ang sakit, Ria makasama ko lang si, Xian habang nasa delivery room. "pag-mamatigas ko

"Bakit ba ayaw kong pag-bigyan ang gusto ko? Ano bang masama sa gusto kong nasa tabi ko ang Asawa ko habang nanganganak ako? Pinag-bawalan niyo din akong dalawin siya..."mahinang wika ko

Napa-ngiwi na lang ako at wala sa sariling mahigpit na napahawak kay, Ria ng maramdaman ang sakit dahil sa biglang pag hilab sa tyan ko

"Tignan mo na, Lea hindi mo kayang tiisin ang sakit.... Huwag ng matigas ang ulo dahil sarili mo lang ang pahihirap mo. Wala ka ng magagawa sa oras na pumutok ang panubigan mo." Hindi na ako naka-imik dahil muling humilab ang tyan ko

"Ayos ka lang? "nag-aalalang tanong nito

"R-Ria... s-sobrang sakit..."mahinang wika ko rito "R-Ria... "

"T-teka tatawagan ko ang Doctor mo."paalam nito saka dali daling lumabas ng kwarto habang ako ay naiwang mag-isa habang pilit nilalaban ang sakit

Nag-halo na ang pawis at luha ko pero kahit ganun ay pinilit kong tumayo

Mahigpit ang hawak ko sa  stand ng lalagyan ng swero ko habang nakahawak sa pader bilang suporta habang pilit palabas sa kwarto ko

Walang tigil ang pag-hilab ng tiyan ko habang nag-lalakad ako papunta sa ICU para puntahan ang Asawa ko

"Please... baby huwag muna..." mahinang paki-usap ko habang naka-hawak sa sinapupunan ko

Lagi akong napapatigil sa pag-lalakad tuwing humihilab ang tiyan ko hindi ko alam kung bakit sunod sunod na ang pag hilab at sakit nito

Natanaw ko na ang ICU ng matigil ako ng maramdaman ang pag-daloy ng kung ano sa hita ko

"H-hindi pa pwede... baby naman eh hindi pa gising ang Daddy niyo..." luhaang wika ko ng napag-tantong pumutok na ang panubigan ko

" Lea! "agad akong napalingon sa likod ko ng marinig ang boses ni, Ria kasama nito ang Doctor ko at ilang pang nurse na may tulak tulak na wheelchair

Umiiyak na umiling ako rito at kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko ay pilit kong hinihakbang ang mga paa ko

Pero bago pa ako maka habang ulit ay may pumipigil sa braso ko

"Lea, naman kailangan mo ng dalhin sa Delivery Room huwag ng matigas ang ulo mo huh?"dahil sa pang hihina ay mabilis lang nilang naiupo ako sa wheelchair

"P-p-please... hindi pa pwede wala pa ang Asawa ko... "nakiki-usap na tumingin ako sa ob doctor ko

"Pasensya na, Lea pero kailangan kung hindi parehong malalagay sa peligro ang kaligtasan niyong mag-ina."malumanay na wika ng Doctor

Walang tigil ang pag tulo ng luha ko hanggang sa matanaw ko na ang Delivery Room at maipasok ako rito

"Kaya mo to,Lea nandito lang ako.." hilam ang luhang tumingin ako kay, Ria naka suot ito tulad ng suot ng mga nurse

"Ready?"umiling ako rito habang patuloy pa din sa pag-iyak

"Lea, please... alam kong kakayanin mo to." mahigpit ang hawak ni, Ria sa kamay ko

"A-ang Asawa ko... Hindi pa pwede wala ang Asawa ko..." umiiling na wika ko

"argghh!!! "hindi ko napigilang ang mapasigaw kasabay ng pag-higpit ng hawak ko sa kamay ni, Ria dahil sa sobrang sakit

"Please,Mrs.Montel huwag mo ng pahirapan ang sarili mo at ang anak niyo... "

"Nakikita ko na ang ulo ng bata
be ready Mrs. Montel pag bilang ko ng tatlo Isang malakas na ire.. "

"Isa.. "

"Dalawa.. "

"Tatlo... ire.. "

" Ahh!!! "wala na akong nagawa kung hindi sundin ang sinabi ng Doctor

"One more,Mrs. Montel.. "

"ire! "

"Ahhhh!!!"hinang hinang muling bumagsak ang katawan ko sa higaan ilang sandali pa ay narinig ko ang pag-iyak ng Bata

"You did it,Lea.. "hindi ko man nakikita ay alam kong naka-ngiti ang kapatid ko

"Congrats, Mrs. Montel it's a healthy baby boy."nang-hihinang napa-tingin ako sa sanggol na inilagay nito sa dibdib ko

"My baby..."mahinang wika ko saka hindi ko na napigilan ang mapa-ngiti at maluha habang naka-tingin rito

"Welcome to the world baby Alessandre Chain Montel... "mahinang wika ko bago dahang dahang bumagsak ang taklupan ng mga mata ko dahil hindi na kinaya ng katawan ko ang pang-hihina

Nagising ang diwa ko ng maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko

"Kumusta ang pakiramdam mo, Lea?"tanging si, Keilla lang ang nakita ko ng ipalibot ko ang buong tingin sa loob ng kwarto

"Umuwi muna si, Ria para kunin ang ibang gamit niyo at kailangan mo babalik din siya agad.."

"N-nasaan ang baby ko?" mahinang tanong ko

"Nasa nursery room dadalhin daw mamaya ng nurse dito at kailangan mong padedehin.." sagot nito

"Pwede ko na bang puntahan ang kapatid mo? Kahit saglit lang hayaan mo akong makita at maka-usap usap siya.." paki-usap ko rito

"Pero nang hihina ka pa, Lea kailangan mong mag-pahinga pa kapapanganak mo lang ay sariwa pa ang tahi mo.." nag-aalalang wika nito

"Mabilis lang naman,Kiella eh pangako ayos na ako kaya ko na.. Kakausapin ko lang naman siya..." nag-papaawang tumingin ako rito

"Sige, pero sandali ka lang talaga dun ah." tumango ako rito "Dito ka lang kukuha lang ako ng wheelchair

Tumango ako rito saka hinayaan kong umalis ito ilang minuto lang ang hinintay ko ng bumalik ito may tulak tulak na wheelchair

"Dahan dahan lang sa pag kilos baka bumuka ang tahi mo."maingat akong umalis sa pag kakahiga ko

Buo ng pag-iingat na tinulugan ako nitong maupo sa wheelchair pati na rin ang swero ko bago nito tinulak ang wheelchair palabas ng kwarto

"10 mins lang, Lea ah kailangan kitang ibalik agad sa kwarto."tumango na lang ako rito bago ako nito iniwan

"Xian... we have a baby boy now... sayang wala ka sa tabi ko habang nanganganak ako tulad ng plano natin... "mapait akong napa-ngiti

" I named him, Alessandre Chain diba yun ang gusto mong ipangalan kung lalaki ang anak natin.. "naka-ngiting wika ko habang hinahaplos ang pisngi nito

"Please, hubby gumising kana ayaw mo bang makita ang baby natin? Ayaw mo bang makasama kami?"hilam ang luhang wika ko

Napalingon ako sa may salamin ng marinig na may kumatok ito

"Mukhang kailangan ko ng umalis, Hubby huwag kang mag-alala babalik ako."paalam ko rito saka hinalikan muna ang likod ng kamay nito bago muling tumingin sa labas ng ICU at sinenyasan si, Keilla na pwede na ako nitong sunduin...

The Only Heiress(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon