Chapter 26

1.2K 13 0
                                    

Chapter 26

"May balita na ba sa pag-hahanap? Ilang buwan na pero hanggang ngayon ay wala pa din?"

"Hindi ko maintindihan kung bakit nahihirapan ang mga rescuer na mahanap si,Kuya kaya naisip naming baka nga may naka kita na talaga kay,Keil at dinala sa isang hospital kaya huminga na din ako ng tulong sa kakilala kong reporter para mas mapabilis ang pag-hahanap sa kapatid ko."sagot ni, Keilla sa tanong ko rito

"Ang ibig sabihin ay mag-hihintay pa din ako?Ilang buwan mo ng sinabi sa'kin yan, Keilla pero hanggang ngayon ay wala pa ni walang improvement sa pag-hahanap niyo bakit kasi Hindi niyo na lang ako hayaang tumulong din sa pag-hahanap?"nanlulumung turan ko rito

"Hindi namin pwedeng pag-bigyan ang gusto mo,Lea pitong buwan na yang tiyan mo baka kung anong mangyari sayo kung ipupumilit mo yang gusto mo."wika nito saka napa-buntong hininga

"Alam kong naiinip kana dahil ganun din naman ako... nag-aalala  din ako sa kapatid ko..."napa-kagat labi na lang ako saka napa-tungo

"Ang plano namin ng Kuya mo ay pareho naming malalaman kung anong magiging gender ng baby namin saka kami mag-iisip ng ipapangalan sakanya,"wika ko rito "Nangako siyang nasa tabi ko siya sa bawat check-up ko hanggang sa habang nanganganak Ako... nangako siyang nasa tabi ko lang... "malungkot na ngumiti ako rito

"Parehong excited kaming makita ang anak namin."sambit ko rito

"Alam ko yun, Lea dahil walang ibang bukangbibig ang Asawa mo kung hindi ikaw at ang magiging anak niyo."turan nito napa-tingin ako rito

" Allessandre Chain ang sinabi niyang gusto niyang ipangalan sa anak niyo kung sakaling lalaki ito at kung babae naman ay Allessandra Heart."napa-awang ang labi ko habang naka-titig rito

"Ang sabi ni, Kuya hindi niya alam kung papayag kang yun ang ipangalan sakanila alam mo ba tinanong ko siya bakit Chain at Heart ang second name nila alam mo ba ang sinagot niya?"

"Chain it's remained me of the past... Lea's past it was like a chain for her that stopping her from being happy and free... Heart because I believe in every past we have heart or let say love can make us accept and move  dahil kahit gaanong kasama ang nangyari sa nakaraan mo may taong darating sa buhay mo at tatanggapin niya ng buong puso ang lahat tungkol sayo." turan nito saka tinignan ako "That's was his exact answered to me..."

"My  brother love you so much, Lea."turan nito

"Alam ko yun, Keilla dahil kahit hindi sabihin sa'kin ni, Xian hindi naman siya nag-kulang na iparamdam sa'kin yun."naka-ngiting wika ko rito

"The way how he looked at me.. the way he call me Wife... The way how he treated me like his Queen.."naka-ngiting wika ko habang inaalala ang mga panahon naming mag-kasama ni, Xian

"He maybe vocal with it, but he never failed to make me feel it."dagdag ko, napa-tingin ako kay, Keilla ng hawakan nito ang kamay ko

"Masaya akong ikaw ang naging Asawa ng kapatid ko dahil nakikita ko kung gaano mo siya kamahal. Akala ko noon ay hindi ko makakasundo ang kung sinong babaeng makakatuluyan ng kapatid ko pero mali ako..."naka-ngiting wika ko

"Alam mo ba may mga babaeng naka-date din ang kapatid ko pero hindi nag-tatagal dahil ang dami nilang hinihiling sa Kuya ko na hindi niya kayang ibigay. Tulad na lang ng huwag na daw akong alalahanin ng kapatid ko dahil malaki na ako o di kaya dapat sila ang laging unahin ni Kuya ko bago ako. Lahat ng naka-date ni, Kuya ay ayaw sa'kin dahil inaagaw ko daw ang oras nila na dapat ay para sakanila."natatawang wika nito

" I was just highschool girl back then... wala pa sa legal age habang si Kuya ay malapit ng matapos sa College..."

"Hindi ko sinabi kay Kuya ang mga sinabi ng kadate niya sa'kin kaya hindi ko alam kung pano niya nalalaman noon na hindi maayos ang trato nila sa'kin."natatawang wika ko

"Maybe because he was brother... He might be don't know but he could feel it that there's something wrong."turan ko rito

Hindi na namin naipag-patuloy ang pag-uusap ng may tumawag  sa cellphone niya

"Sandali lang, Lea ah sasagutin ko lang." naka-ngiting tumango ako rito, tumayo na ito saka medyo lumayo sa'kin saka sinagot ang tawag

Habang nakikipag-usap ito sa kung sino man ay inabala ko ang sarili ko sa pag-tingin sa magazine na  naka-patong sa table

"Lea!" nag-tatakang tumingin ako rito

"May problema ba?" takang tanong ko ng makita ang luhaang mga mata nito

"Naka-hanap na daw si Kuya.." nabitawan ko ang hawak kong magazine dahil sa sinabi nito

"Sabi ni, Sierra may tumawag daw sakanila mula sa isang Hopsin duon daw dinala ng kung sinong naka-kita kay Kuya." sambit nito

"T-talaga? Kung ganun puntahan na natin ang Kuya mo." hilam ang luhang wika ko rito saka hinawakan ang kamay nito

"Masyadong malayo at liblib ang lugar, Lea hintayin na lang natin na mailipit si Kuya sa hospital rito."

"Pero... gusto ko ng makita ang kapatid mo..." mahinang wika ko hindi ko na namalayang napa higpit na pala ang hawak ko sa kamay nito

"Konting oras na lang naman ang hihintayin mo, Lea dahil inasikaso na ni, Sierra ang lahat pabalik na sila rito," malumanay na wika nito saka mahinang pinisil ang kamay ko

"Nasa maayos na lagay daw ba si, Xian? Sinabi niya ba kung ayos lang ang Asawa ko? Kumusta daw siya?" sunod sunod na tanong ko rito

"Walang ibang sinabi si, Sierra maliban sa sinabi nitong nahanap na nila si Kuya at ililipat ng hospital."kiming ngiting wika nito

"Pero sigurado akong ayos lang ang kapatid ko kaya huwag kang mag-alala." naka-ngiting wika nito

"Kailan ko ba siya pwedeng makita?Gusto kong masiguradong ayos lang ang Asawa ko."

"Hintayin natin ang susunod na tawag ni, Sierra sa ngayon ay kumalma ka muna, Lea mag-pahinga ka hindi mo na kailangan masyadong mag-alala dahil nakita na ang Asawa mo. Malapit na nating makita si Kuya."ngumiti na lang ako rito saka tumango

Kahit gaano ko gustong makita si Xian ay kailangan kong mag-hintay hindi ko din naman alam kung saan pupuntahan ang Asawa ko

"Anong meron? Bakit parang masaya kayo na ewan?" parehong napa-tingin kami kay, Ria na bagong dating

"Ria, nahanap na daw ang Asawa ko pero kailangan pa naming hintayin na mailipat siya sa hospital rito."naka-ngiting wika ko rito

"Talaga? "bakas ang tuwang sambit nito saka niyakap ako "Masasabi mo na sa Asawa mo kung gaano mo siya kamahal, Lea natutuwa ako para sayo."mahinang wika nito

"Sana nga, Ria..."sambit ko rito

"Kailan natin siya pupuntahan? Sasamahan kita, Lea ah saka gusto kong pag-sabihan yang Asawa mo dahil masyado ka niyang pinag-alala."parehong natawa na lang kami ni, Keilla sa sinabi nito

"Hinihintay pa namin ang tawag ni, Sierra para sabihing pwede na natin siyang puntahan.."malumanay na sambit ko rito

Hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti dahil sa wakas ay makikita ko na ulit ang Asawa ko... Konting tiis na lang makikita at makakasama ko na siya...

The Only Heiress(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon