Chapter 24
"May balita na sa pag-hahanap kay, Xian? Nakita na ba siya?" tanong ko kay, Keilla ng makita ito
"Lea, nakakatulog ka pa ba? Alam mo namang masama sayo ang mag-puyat."
"Ang tanong ko ang sagutin mo, Keilla saka ayos lang ako."turan ko rito
"Wala pa ding balita pero ginagawa na lahat ng rescuers para mapadali ang pag-hahanap." tila napipilitang sagot nito
"Ilang araw na silang nag-hahanap tapos wala pa? Nag-hahanap ba talaga sila, huh?!" hindi ko mapigilan sigawan ito
"Kumalka, Lea alam kong gusto mo ng makita ang Asawa pero hindi naman ginusto ni, Keilla na hindi agad mahanap ang kapatid niya sigurado akong nag-aalala na din siya hindi ba't si, Keil na lang ang pamilyang meron siya? "malumanay na sambit ni, Lea habang nakahawak sa braso ko
Nang titigan ko si, Keilla ay dun ko napansin ang pangingitim ng ilalim ng mata nito tanda na wala itong tulog tila nangangayayat na din ito
Hindi ko maiwasang maguilty dahil Hindi ko naisip na hindi lang ako ang nag-aalala kay, Xian
"I'm sorry, Keilla hindi ko sinasadyang mag-taas ng boses."mahinang wika ko rito
"Ayos lang, Lea naiintindihan ko naman eh kung ako din naman ang nasa lagay mo ay sigurado akong hindi din ako mapapakali at baka masigawan ko lahat ng tao."may kiming ngiting wika nito
"Mag-pahinga kana muna, Keilla baka sa kakahanap mo sa Kuya mo ay may mangyari sayo."masuyong wika ko saka hinaplos ang pisngi nito
"Hayaan mo na muna ang mga rescuer at Sierralee ang mag-hanap kay, Xian."dagdag ko
"Mag-pahinga ka din, Lea masama sa baby ang ginagawa mo alam mong ayaw ni, Kuya na pinapabayaan mo ang sarili mo at ang anak niyo."tumango na lang ako rito
" Huwag kang mag-alala ako na bahala dito sa pasaway kong kakambal."sabat ni, Ria ngumiti si, Keilla rito saka tumango ito
" Halika na kailangan mong kumain sinabi ni Manang hindi ka kumain kaninang breakfast."wika nito saka hinila ako papunta sa, Dining room
" Wala akong ganang kumain, Ria saka isusuka ko lang din naman kung pipilitin ko ang sarili kong kumain."turan ko rito
"Hindi pwede yan kahit konti lang, Lea para naman may laman yang sikmura mo at kailangan ni, baby ng nutrition."malumanay na wika nito
Tumango na lang ako rito at hindi na naki pag-talo tinanggap ko ang pagkaing inabot nito at nag simulang sumubo
Nakakailang subo palang ako ng maramdamang tila masusuka ako kaya tinigil ko na ang pagkain at tinulak palayo ang plato sa'kin
"Hindi ko na kaya, Ria."
"Pero nakakatatlong subo ka pa lang."nag-aalalang wika nito
"Masusuka na ako kung pipilitin ko pa ding kumain."dahilan ko rito saka tumayo na at iniwan ito
Gusto ko mang lumabas para tumulong sa pag-hahanap ay hindi ko magawa dahil bantay sarado ako kaya wala akong ibang pag-pipilian kung hindi mag-hintay sa ibabalita nila
Nag-kulong lang ako mag-hapon sa loob ng kwarto sa kwarto ma din ako nag-Dinner ngunit kunti lang ang nakain ko
"Xian, na saan ka na ba?"mahinang tanong ko sa hanging habang naka-titig sa kisame
"Kung na saan ka man sana nasa maayos kang kalagayan." mahinang sambit ko saka napa-tingin sa side ko kung nasaan ang orasan
12:38AM na pala pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok ilang araw na ba akong ganito?
Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog hindi ko maiwasang isipin si, Xian at mag-alala sa kalagayan nito
Hindi mawala sa isip ko na baka nahihirapan na ito o di kaya ay hinihintay niya kaming kunin siya
"Lea, diba sinabi ko sayong matulog ka ng maaga!"napa-pikit na lang ako dahil sa pagtaas ng boses ni, Ria
"Alam mong masama sayo ang mag-puyat konti na nga lang ang kinain mo eh. Lea,naman alalahanin mo naman ang naka niyo sa tingin mo matutuwa ang Asawa mo kung may nangyaring masama sayo? Hindi!"
"Alam kong nag-aalala ka sa asawa mo pero isipin mo naman yang anak niyo. Lea, alam kong mahirap pero kailangan mong tatagan ang loob mo para sa magiging pamilya mo. Mahahanap din nila ang Asawa mo mag-tiwala ka lang ang anak mo naman ang alalahanin mo oh."nakiki-usap na saad nito
"Sinubukan ko naman, Ria eh pero hindi ako makakatulog ng maayos hangga't hindi ko nalalamang ligtas at nasa maayos ang Asawa ko."mahinang wika ko saka iiwan na sana ito ng matigil ako
"Lea... "puno ng pag-aalalang sambit nito habang naka tingin sa baba ko
Napa-awang ang labi at napuno ng pag-aalala at takot ang puso ko ng makita ang dugong dumadaloy sa hita ko
"Ria... a-ang baby namin... Ria..."Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari ng mag-dilim ang buong paningin ko
Hindi ko alam kung ilang oras akong naka-higa at walang malay ng magising akong nasa hospital na
"Lea, kumusta ang pakiramdam mo?" napalingon ako sa side ko ng marinig ang boses ni
"Mommy..."
"Alam mo bang pinag-aalala mo kami ng husto? Mabuti na lang T walang nangyaring masama sayo." puno ng pag-aalalang wika nito
"Ang baby ko po? Ayos lang po b ang baby namin? Ano pong nangyari?" puno ng takot at pag-alalang tanong ko kay Mommy
"Kumalma ka, Lea ayos lang ang bata walang nangyaring sakanya." kalmadong turan nito
"Kung ganun po bakit may dugo?"
"Dahil sa stress at kakulangan mo sa tulog kaya ka dinugo at wala ding sapag na sustansya ang katawan mo mabuti na lang talaga at naidala ka rito at malakas ang kapit ng bata kung hindi ay baka kung ano ng nangyari sainyo."Hindi ko maiwasang mapa guilty dahil alam kong kasalanan ko kung bakit muntik ng mapahamak ang anak namin
"Ang sabi ng Doctor ay kailangan mo ng madaming pahinga may binigay din siyang riseta para sa vitamins na iinumin ko kumain ka rin ng masusustansya. Total bed rest ang kailangan mo hindi ka na pwedeng duguin ulit dahil baka tuluyan ng mawala ang baby niyo kaya please, Lea makinig ka sa sinabi ng Doctor okay? "tumango na lang ako kay, Mommy
Masuyong hinaplos ko ang sinapupunan ko
"I'm sorry kung napabayaan ka ni, Mommy sorry kung muntik ka ng mawala sa'min... Hindi ko na uulitin pangako ko yan... Iingatan ko na ang sarili ko at kahit mahirap susubukan kong bumawi ng tulog... Nag-aalalang lang talaga ako sa Daddy mo kaya pasensya na Baby..."mahinang wika ko saka pinikit ang mga mata ko saka muling natulog
"Nandito lang kami sa tabi mo, Lea hindi ka namin iiwan..." hindi ko alam kung guni guni ko lang ba yung narinig ko o talagang sinabi yun ni Mommy pero dahil dito kahit papano gumaan ang loob ko bago ako tuluyang makatulog...
BINABASA MO ANG
The Only Heiress(🌹)
General FictionHeiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A punishment that she don't want to experience again... Akala niya wala nang ilala ang Ama niya meron p...