Chapter 27

1.2K 14 0
                                    

Chapter 27

"Sierralee, nasaan ang Asawa ko? Pwede ko na ba siyang makita? Maka-usap?"naka-ngiting tanong ko rito agad niya kaming sinalubong ng pumasok kami sa hospital

"Where's my brother, Sierra? How is she?" tanong ni, Keilla na katulad ko ay atat na ding makita si, Xian

"Ano kasi...."

"Anong ano kasi?" naguguluhang tanong ko rito hindi ko maiwasang mapa-kunot noo lalo na ng mapansin ang lungkot sa mga mata nito

Naramdaman ko ang pag-hawak ni, Ria sa braso ko pero wala siyang sinabi

"Tatagan niyo ang loob niyo lalo kana, Lea." sunod sunod ang nagawa kong pag-lunok para alisin ang tila bumara sa lalamunan ko

"Hindi maganda ang lagay ni, Keil ngayon ang sabi ng Doctor ay ilang buwan ng hindi nagiging si, Keil o pinapakitang sintomas na magigising siya..."

"A-Ano...?"tila nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig ko kung wala lang siguro si, Ria na naka-alalay sa'kin ay baka bumagsak na ako

"Nasa ICU ang Asawa mo,Lea at ilang buwan ng nasa Comatose state..."

"Ano ka ba, Sierra alam mo namang hindi maganda ang biro na ganyan lalo na kay, Lea."pilit ang tawang sambit ni, Keilla rito ngunit traydor ang mga luha nitong walang tigil sa pag-bagsak

"Keilla..."

"A-ang sabi mo a-ayos lang kapatid ko k-kaya anong sinabi mong nasa Coma siya? N-na baka hindi na siya magising?Nag-sisinungaling ka lang naman, S-Sierra diba?" basag na basag ang boses na turan ni, Keilla rito

"Lea..." walang ingay na umiyak ako sa balikat ni, Ria habang pa higpit na pa higpit ng yakap ko sakanya at palakas din ng palakas ang pag-iyak ko

"Tatagan mo ang loob mo, Lea ngayon ka mas kailangan ng Asawa mo kailangan ka din ng anak mo... Mag-pakatatag ka nandito lang kami para sayo..."walang tigil ang pag-iyak ko kahit ano pang sabihin ni, Ria ay hindi ko kayang pigilan ang sarili ko

Akala ko masasabi ko na sa Asawa ko kung gaano ko siya kamahal pero pano ko magagawa yun kung nasa ganung kalagayan siya?

"M-magigising ang Asawa ko.... nangako siyang sasamahan niya ako... n-nangako siyang nasa t-tabi ko siya habang nanganganak ako... A-Alam kong m-magigising siya..."hirap na hirap kong turan rito

Alam kong namumula na ang ilong at mata ko dahil sa sobrang pag-iyak ko

"Gusto kong makita ang Asawa ko, Sierralee dahil mo ako sakanya.."sambit ko rito

"Pero, Lea—"

" Please... Sierralee dalhin mo ako sa Asawa ko... nakiki-usap ako sayo... H-hayaan mo na akong makita ang Asawa ko... "nakiki-usap na wika ko habang hawak ang kamay nito

"Please... Hayaan mo na ako..."

"B-baka Anong mangyari sayo pag-nakita mo ang lagay ng Asawa mo."puno ng pag-aalalang wika nito "Saka wala pang go signal ang Doctor na pwede ng pumasok sa loob ng ICU."dagdag nito

" Kahit sa labas na lang ako, Sierra... gusto kong makita ang Asawa ko... p-payagan mo na ako please.... Nakiki-usap na ako sayo, Sierra... "humihikbing wika ko rito

"Sasamahan ko ang kapatid ko, huwag kang mag-alala hindi ako aalis sa tabi niya kaya hayaan mo na siya sa gusto niya."sabat ni, Ria

Nilingon ko ito saka kiming ngumiti bilang pasasalamat

"Sige." sukong wika nito saka naunang nag-lakad tahimik na sumunod kami sakanya

Tulad ng sinabi ni, Ria ay hindi ito umalis sa tabi ko naka-alalay lang ito sa'kin habang tinititigan ko ang Asawa ko habang nasa labas ng ICU

"Hubby...." pigil ang hikbing wika ko saka  hinaplos ang salamin na tila ba ito ang hinaplos ko

"Please... imulat mo na ang mga mata mo... a-alam mo ba d-dalawang b-buwan na lang ang hihintayin natin makakasama na natin ang anak natin..."sinandal ko ang noo ko sa may salamin habang patuloy pa din ang pakikipag-usap rito kahit alam kong hindi naman nito naririnig

"S-sinabi sa'kin ni, Keilla ang g-gusto mong i-ipangalan sa a-anak natin... M-maganda siya, H-Hubby... G-gusto ko ang p-pangalang naisip mo k-kaya yun na lang ang ipapangalan natin sa b-baby natin...." naramdaman ko ang pag-haplos ni, Ria sa likod ko ngunit hindi ko ito pinansin

"S-sinabi na din sa'kin ni, Sierra ang g-ginawa m-mo... S-Salamat, Xian.... d-dahil binigyan mo ng hustisiya ang nangyari sa'kin... T-tuluyang malaya na ako sa A-ama ko..."

"Naayos mo na ang p-problema natin... w-wala na tayong problem... p-pero bakit nandyan ka? Kung kailan a-ayos na tayong lahat bakit nangyayari sa'tin ngayon 'to? "

"G-gising na Hubby... miss ko na ang pag-aalaga mo sa'kin... miss ko ang pag tawag mo sa'kin ng W-Wife... g-gusto ko ng makita ulit ang ngiti at m-marinig ang boses mo... H-Hubby...."Napa-hagulgol na lang ako sa sa'kin habang tinititigan ang nakaratay nitong katawan na para bang langtang gulay

"Malalagpasan niyo din ito,Lea... "mahinang wika ni, Ria habang yakap ako nito sa likod

"P-p-please... Hubby wakeup.... m-may gusto pa akong sabihin sayo... A-ang dami pa ng plano nating dalawa... d-diba may p-promise ka pa sa'kin? P-pano mo tutuparin yung kung natutulog ka dyan... please Hubby... miss na miss na kita.."

"K-kailangan ko ang yakap mo... miss na miss ko na ang Asawa ko..."paulit ulit kong sambit rito hanggang sa hindi ko namalayang unti-unting nag-dilim ang paningin ko...

"Hi, Hubby nandito ulit ako..."naka-ngiting wika ko habang maingat na hinawakan ang kamay nito at nilagay sa pisngi ko

"H-hanggang kailan mo ba balak matulog, Hubby? Mas masaya ka ba dyan sa panaginip mo kay sa kasama ako?" pigil ang hikbing wika ko rito

"A-alam mo ba pinagalitan ako ni, Ria kasi ang t-tigas daw ng ulo ko eh g-gusto ko lang naman na makasama ka at d-dito lang sa t-tabi mo wala namang masama dun diba?"

Ilang araw ng mawalan ako ng malay ay hindi agad nila ako pinayagang puntahan ulit si, Xian hangga't hindi nagiging maayos ang lagay ko

"M-malapit na ang kabuwanan k-ko H-Hubby kaya please imulat mo na ang mga mata mo... g-gusto kong n-nasa tabi kita hawak hawak ang kamay ko h-habang nanganganak ako... D-diba promise mo y-yun?"humihikbing wika ko

"H-hihintayin kitang magising hubby... N-nasa tabi kita h-habang nanganganak ako d-diba?"malungkot akong napa-titig rito

Wala pa ding nag-babago sa lagay nito ganun pa din...maputla pa din ang mukha nito pero kahit ganun siya pa din ang pinaka gwapong lalaki sa'kin

"Hihintay kita, Hubby... tutuparin natin ang pangako mo..."mahinang wika ko saka hinalikan ang kamay nito...

The Only Heiress(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon