Chapter 23

1.2K 14 0
                                    

Chapter 23

"Masaya ang buntis palibhasa darating na ang Asawa." natawa na lang ako sa sinabi ni, Ria at parang batang nag-bleh dito

"May asawa ka na rin sana kung hindi mo tinanggihan at hiniwalayan si, Thelonious." natatawang wika ko rito saka kumuha sa inislice nitong apple

"Ayaw ko pa may mga gusto pa akong gawin." turan nito saka ito na ang sumubo sa'kin ng apple ng mauubos ko ang kinakain ko

"Bakit hindi mo ba yan magagawa kung kayo? Kung mag-asawa na kayo?" takang tanong ko rito

"Ayaw ko lang maging unfair sa kanya saka alam ko kung gaano na nito kagustong mag-karoon ng pamilya at hindi ko pa kayang ibigay yun." paliwanag nito

"Malay mo handa ka pala niyang hintayin haggang sa maging handa ka."

"Hayaan mo na nangyari umalis na siya." Hindi na ulit ako nag-tanong rito saka inubos na lang ang apple na inislice nito

Mag-hapong hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko at pananabik na makita ulit ang asawa ko ngunit unti unting nawala ang excitement na nararamdaman ko  dahil kahit sumapit na ang gabi ay walang dumating

Hindi dumating ang hinihintay ko walang Xian ang dumating... Hindi siya dumating tulad ng pangako nitong uuwi ito ngayong araw... walang dumating hanggang sa makatulog na lang ako kakahintay ay hindi dumating ang taong hinihintay ko

"Lea, mag-breakfast kana." wika ni, Ria saka binaba ang tray ng pagkain sa bed table ko

"Ria, dumating ba ang Asawa ko kagabi? O di kaya ay tumawag?"umaasang tanong ko rito ngunit parehong bagsak ang balikat ko ng umiling ito

"Wala akong ganang kumain..." mahinang wika ko rito

"Pero kailangan mong kumain,Lea saka malay mo pauwi na ang Asawa mo natagal lang."sambit nito

"Pero bakit hindi siya tumatawag?"

"Syempre kailangan nitong mag-ingat sa pag mamaneho saka baka walang signal sa biyahe." sagot nito

Napa-buntong hininga na lang ako saka kahit ayaw ko ay pinilit kong kumain ayaw kong pati ang baby ko ay madamay dahil sa lungkot ko

"Huwag mo masyadong alalahanin ang Asawa mo sigurado akong pauwi na yun ngayon." naka-ngiting wika nito saka inabutan ako ng tubig agad ko itong tinanggap at ininom

Tumango na lang ako rito bago pinag-patuloy ang kinakain at ng matapos ako ay agad nitong kinuha ang pinag kainin ko at nilagay sa tray bago lumabas ng kwarto

Balak ko sanang maligo muna ngunit dahil sa biglang pag ring ng cellphone ko ay natigil Ako at mabilis na kinuha ito umaasang ang Asawa ko ang tumatawag

Ngunit ganun na lang ang pagkadismaya ko ng makitang sj, Keilla ang tumatawag pero sinagot ko pa din

"Hello, Keilla na pa tawag ka?"

"Lea... si, Kuya.."

"Wala pa ang Kuya mo eh Hindi pa siya nakaka-uwi dito"

"Lea, si Kuya..." napa-kunot ang noo ko ng mapansing tila umiiyak ang tinig nito

"Puro ka si Kuya, Keilla ano bang meron? Saka umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ko rito

"Basta Lea may darating na sasakyang susundo sayo isama mo na din ang kapatid mo... please, Lea be strong for yourself and for the baby.." napa-kunot ang noo ko dahil sa sinabi nito

"Ano ba talagang meron, Keilla? Saka bakit kailangan mo akong ipasundo? Nasaan ba ang Kuya mo huh?!" hindi ko maiwasang mainis dito

"Sasabihin ko na lang sayo lahat pag dating mo rito mag-iingat ka, Lea." hindi makapaniwalang napa buga na lang ako ng hanging

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero ayaw kong mag-isip ang masama siguro ay may surprised sa'kin ang Asawa ko kaya ganito

"You must be, Lea right?" nag-tatakang tumango ako rito

"I'm, Atty. Sierralee Montel."nag-tataka man ay tinanggap ko ang pakiki pagkamay nito "I'm Keil and Keilla's cousin also your husband lawyer."

"My Husband Lawyer saan?" naguguluhang tanong ko rito

"Your husband file a case to your father at ako ang kinuhang lawyer dahil malakas ang ibedensiya at may mga witness nanalo ang Asawa mo laban sa Ama at mga kaibigan nito."paliwanag nito, nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito

"Ibedensiya? Kaso?Ano bang sinabi mo? Hindi kita maintindihan"

"Yes!Your father deserve to be in jail after all."

"Ano? Paano niya nagawa yun? Saka bakit hindi niya sinabi sa'kin? "naguguluhang tanong ko rito

" Dahil ayaw niyang makitang nahihirapan ka. Ginawa lahat ni, Keil para makakuha ng ibedensiya laban sa Tatay mo at mga kaibigan nito."

"Ginawa niya lahat yun para maging masaya ka na ng tuluyan at maging malaya."Hindi ako makapaniwalang magagawa niyang lahat yun sa'kin

Yun siguro ang ibig sabihin niya noon sa'kin habang nag-uusap kami hindi ko inaakalang iba pala ang ibig sabihin nito

"Kung ganun nasaan ang Asawa ko?Ang sabi ni, Keilla ay sasabihin niya sa'kin pero wala siya." turan ko rito

"Nang nalaman ni, Keil na naipanalo ko ang kaso nag-madali siyang umuwi sainyo para sabihin ang magandang balita,"

"Pero hindi dumating si, Xian..." naguguluhang sambit ko

"Ang sasakyang sinasakyan ay nito ay nakita sa gilad ng river.... Habang pauwi sainyo ayon sa mga nakita may sasakyan gumitgit sa sasakyan ng Asawa mo hanggang sa mahulog ito sa bangin  ngunit tanging sasakyan lang nito ang nakita kaya naisip naming baka dinala ng alon ang katawan nito o may nakita sakanya at tinulugan siya... "natulala na lang ako habang walang ingay ang sunod sunod na pag-tulo ng mga luha ko

"Please... Lea be strong for your baby alam kong alam mong ayaw ni, Keil na may mangyaring hindi maganda sainyo.." puno ng pag-aalalang wika nito habang mahigpit na yakap ako ngunit na natiling naka-titig lang ako sa kawalan

"A-ang Asawa ko.... Nasaan ang Asawa ko... Nangako siyang uuwi siya... Ilabas niyo ang Asawa ko... please... ang Asawa ko... kailangan ko siya..." umiiyak na sambit

"I'm sorry.... pangako gagawin namin lahat para mahanap agad ang Asawa mo, Handa kaming mag-bayad ng malaki mahanap lang si, Keil kaya please... Lea, huwag kang pag-hinaan ng loob mahahanap din natin ang Asawa mo."bulong nitong habang mahigpit ang yakap sa'kin at habang pinapakalma ako

"Gusto ko ng makita ang Asawa ko... Sierralee... ang Asawa ko nangako siyang dalawa kaming mag papacheck-up at alamin kung anong gender ni, Baby hindi pwedeng wala siya..."umiiyak na paki-usap ko rito

"We're doing our best na mahanap agad si, Lea konting tiis lang."umiling iling ako rito

"Ako ang hahanap sa Asawa ko."ani ko rito saka tumayo at handa na sanang umalis ng napahawak ako sa ulo dahil sa biglang hilong naramdaman ko

"Lea, ayos ka lang ba? Lea? Lea? "dinig kong tanong ni, Sierralee ngunit ang sumunod nitong sinabi ay hindi ko maintindihan

"Nahihi—"bago ko pa masabi rito ang nararamdaman ko ay tuluyan ng nag-dilim ang paningin ko...

The Only Heiress(🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon