Chapter 14

166 15 0
                                    

MARAMI ang gustong magtrabaho sa kaharian ng Corohelia. Bukod sa malaki ang pasahod, nakakataas din ito ng dangal sa mga taong namamasukan dito. Hindi rin naman pabaya ang pamilya ng mga Corohelia sa kanilang mga trabahador.

Ngunit may dalawang kautusan silang kailangang sundin. Una, kung ano man ang ipinag-uutos ng bawat miyembro ng pamilya Corohelia ay susundin nila. Pangalawa, bawal silang lumabas o lumayo sa palasyo puwera na lang kung aalis na sila sa trabaho.

Ang mga pag-uutos na 'yon ay ginawa upang protektahan ang mga sikretong pilit itinatago ng bawat tao sa palasyo.

At kahit alam na ng dating mag-asawang si Trevor at Naomi ang bagay na 'yon ay hindi sila nag-alinlangang pumasok doon.

"Para 'to sa anak natin, Naomi," ani Trevor bago hinawakan ang kamay ng dating asawa. "Alam kong hindi naging maganda ang pagsasama natin, pero kahit para kay Ella na lang. Para sa magandang kinabukasan niya."

"Sang-ayon ako riyan," tugon ni Naomi at ngumiti.

Matagal nang hiwalay si Trevor at Naomi, pero naging mabuti naman silang magkaibigan. Tanggap na rin ni Naomi na may bago nang kinakasama ang kan'yang dating asawa, at si Elizabeth iyon.

Nagtrabaho si Trevor sa palasyo bilang tagasibak ng kahoy, habang si Naomi naman ay naging tagapagsilbi ni Ciara, ang bunsong kapatid ni prinsipe Ashton.

Si Naomi, kahit na nagkaroon na ito ng anak, ay napakaganda pa rin. Naaagaw niya ang atensiyon ng mga lalaking madaraanan niya. Ilang buwan ang tumagal at naging usap-usapan din siya ng mga tao dahil din sa angkin nitong kabaitan, kaya naman mas marami pang tao ang naging interesado sa kan'ya.

Isa na roon si Alexander—Ang hari ng Corohelia. Nasa ibang lugar ang kan'yang reyna para magbakasyon, at matagal-tagal na ring nag-iinit ang katawan niya. Nakuha ni Naomi ang kan'yang atensiyon kaya naman ay minamanmanan niya ito.

Lingid sa kaalaman ng lahat, nagpapadukot ang hari ng mga magagandang trabahador sa palasyo at ginagahasa niya ang mga ito. Naniniwala siya na bilang isang hari ay may karapatan siyang matikman ang lahat ng babae sa kanilang lugar.

Dahil ayon sa kan'ya, lahat ng nasa Corohelia, gamit man iyon o tao, ay pag-aari niya.

"Lala," tawag ni Alexander sa tagapagsilbi na nakaupo ngayon sa harapan niya at pinupunasan ang kan'yang paa. "'Yong tagapagbantay ni Ciara. Sino 'yon?"

"Naomi Fortelle ang pangalan niya, mahal na hari," tugon ni Lala, ang pangalan ng tagapagsilbi. "Sa pagkakaalam ko ay kasama niya ang dating asawa rito sa palasyo, at nagtatrabaho sila para sa nag-iisang anak nila."

"Dating asawa? Hindi ba sila magkakabalikan?" Tumaas ang kilay ni Alexander, habang ang isa niyang paa ay naglakbay sa pagitan ng mga hita ni Lala, dahilan upang mapaungol nang mahina ang babae.

Ganoon pa man ay nagawa pa ring sumagot nang maayos ni Lala. "Imposible iyon, mahal na hari. May bago nang asawa si Trevor. Kung makikipagbalikan man si Naomi ay magiging kabit na siya."

"Totoo ba? Hmm. . ." Tumango-tango ang hari, kasabay din ng pagtaas-baba ng kan'yang paa. "Sa ganda niyang 'yon, imposibleng hindi siya balikan ng asawa niya."

Tumango rin si Lala bago mas ibinuka ang mga hita. Bukod sa makapangyarihan ang hari, guwapo rin ito at makisig kaya wala lang minsan sa ibang babae kung gagalawin sila nito. Ngunit kaagad ding naputol ang ligayang nadarama nang may magsalita sa pintuan.

"M-Mahal na hari," nauutal na pagtawag ng isang babae. "May ipinabibigay si prinsipe Ashton. Sabi niya ay dalhin ko raw ito sa inyo nang personal."

Si Naomi iyon. Ito ang unang beses na nakita siya ng hari sa malapitan, at ngayon pa lang ay may nabubuhay na sa loob niya. Sobrang nakakaakit din kasi ang boses nito para kay Alexander.

The Princess Is A Villainess [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon