Epilogue

385 19 10
                                    

NAPAAWANG ang labi ni tita Elizabeth nang makita ako. Halata ang pagod sa mga mata nito. Mukhang kagagaling lang din nito sa pag-iyak dahil namumugto ang mga mata niya.

Sa bagay, sino bang hindi maiiyak kung pinutulan ko siya ng dila bago ko pinatay si Dasha noong panahon na 'yon?

Imbes na maawa ay mas lalo pa akong natuwa. Kung tutuusin nga ay kulang pa 'yan dahil buhay pa siya. Mas maganda kung maghihingalo siya sa sakit at pighati dahil sa gagawin ko sa kan'ya mamaya.

Nangangamoy pa ang mga nagkalat na dugo sa sahig nang bumaba ako roon sa maliit na espasyo. Grabe, sobrang bango no'n. Para bang nanunuot ang amoy no'n sa ilong ko.

"Halika rito." Hinila ko siya patayo.

Pinutol ko ang tali sa paa niya, pero nakatali pa rin ang mga kamay niya. Pumipiglas pa siya noong una, pero nang tingnan ko siya nang masama ay tumigil siya kaagad.

"Dadalhin kita sa mga anak mo, huwag kang mag-alala. Sumunod ka lang sa akin kung ayaw mong magbago ang isip ko, okay?" saad ko at ngumiti nang sobrang tamis.

Mabilis siyang tumango, kasabay ng pagtulo ng luha niya. Gusto niyang magsalita pero hindi niya 'yon magagawa dahil putol na ang dila niya.

'Yan kasi, kung hindi ba naman niya ako sinabihan ng kung anu-anong masasakit na salita paggising niya, e'di sana ay may dila pa siya. Nakakairita rin kasi ang tabil ng bibig niya paminsan-minsan.

"Nandito na tayo!" Binuksan ko ang pinto.

Napapitlag pa ang nanghihinang si Anastasia nang makita ako, pero kaagad ding nawala ang takot niya nang makita si tita Elizabeth na nasa likod ko.

"Sige na, magyakapan na kayo," pang-aasar ko bago itinulak si tita Elizabeth sa tabi ni Anastasia.

Napangiwi pa ako dahil naupuan niya 'yong natuyong suka ni Dasha. Mabaho iyon at nakadidiri, pero mukhang hindi naman nila 'yon alintana.

"Mama!" naiiyak na saad ni Anastasia. Gusto niyang yakapin si Elizabeth pero hindi niya magawa. Nakatali rin kasi siya. "Ayos ka lang po ba? Nasaktan po ba kayo?"

"Hmmm!" Iyon lang ang kayang sabihin ni tita Elizabeth.

Napahalakhak tuloy ako bago tiningnan ang mga gamit ko sa lamesa. Mas siraulo pa pala siya kaysa sa 'kin. Saan ka nakakita ng kumakausap ng taong hindi naman makapagsalita?

"Mama?" Napakunot ang noo ni Anastasia. Tinitigan nito nang maigi si tita, at halos humagulgol ito nang makita ang sinapit ng ina niya. "Hayop ka, Cinderella!"

"Prinsesa na ako ng Corohelia. Gumalang ka," mariin kong saad bago ko ipinakita ang daliri ko kung saan nakasuot ang diamond ring na bigay sa akin ni Ashton. "Ang ganda, ano? Sa 'yo sana 'to kung nagawa mo lang nang maayos ang plano mo."

Napasigaw si Anastasia sa sobrang inis. Ikinatawa ko lang 'yon.

"Napakahayop mo! Pagkatapos mong patayin si Dasha sa harapan ko, ganito naman ang ginawa mo ngayon kay mama?!" singhal niya. "Wala kang utang na loob! Pagkatapos ka naming bihisan at pakainin, ganito ang iginaganti mo?!"

Itinagilid ko ang aking ulo bago ngumiwi. Nilinis ko rin ang tainga ko gamit ang aking hintuturo. "Nakakairita naman 'yang mga pinagsasasabi mo."

"Bakit? Totoo naman, hindi ba?" Umismid siya. Lalo lang nag-iinit ang ulo ko dahil doon. "Kung hindi ka namin pinatira sa bahay na 'to, malamang patay ka na ngayon kagaya ng mga magulang mo!"

Napailing ako bago nandilim ang paningin ko. Huminga ako nang malalim bago tumaas ang isang kilay ko. Tanga talaga 'tong si Anastasia. Hindi niya ba alam na dapat ay nananahimik na lang siya ngayon.

The Princess Is A Villainess [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon