Chapter 1 - Hidden Princess

6.9K 72 36
  • Dedicated kay II-Pythagoras! Sila ang unang nakabasa nito! Labyuu guys! Thanks sa support!
                                    

Behind Me Is A Princess

Chapter 1

Hidden Princess

(Amaya’s POV)

“Maya, gising na! First day mo sa new school mo. Sige na, maligo ka na.” I heard my mom as she knocked on my bedroom door.

“Opo, bababa nalang po ako.”

“Okay.”

At bumaba na si Mama. Ako naman nagsitayo na sa aking higaan para maligo. Pakaligo ay tinignan ko yung new uniform ko na nakahanger sa may cabinet. Ang cute, parang ang sa Japan lang ah. Naiimagine ko tuloy nasa anime ako ngayon. Haha, dreamer ko naman.

Ano kaya ang naghihintay sakin sa new life ko dito sa Pilipinas…

I’m getting nervous. 

AH!

Ano ba naman, wala pa nga eh kinakabahan na ako. Grabe naman.

“Kaa-san, una na po ako. Ayokong malate eh.”

Natapos na akong kumain at humalik sa pisngi ni Mama sabay lakad palabas ng pinto.

“Itte Kimasu!” sabi ko sabay takbo papunta sa gate. Makalakad nga papunta sa school kahit ang layo. Ang aga pa, eh 6:30 palang. Hala, sige ako na ang excited.

(L/T: Kaa-san or Okaa-san means Mother; Itte Kimasu means I’m off/I’m leaving)

Grabe, iba talaga dito sa Pinas noh? Kahit nasa city kami, ang daming puno, mapresko ang hangin at ang linis. Makasoundtrip nga. I took my music player from my skirt pocket at inilagay na ang earphones sa tenga ko. Alangan sa ilong ko ilagay, earphones nga ang tawag eh. XD

♪ You take a deep breath and you walk through the doors

It's the morning of your very first day

And you say hi to your friends you ain't seen in a while

Try and stay out of everybody's way ♪

Wow.

Fifteen.

Nagpatama ang mundo oh. Haha. Oo, first day ko ngayon. Parang ang sa Japan din naman ang sistema sa Rosario. May Middle School pa after elementary at High School na. Pero,tama ang kanta.

Hi to my friends I ain’t seen in a while…

Namiss ko tuloy sila.

Ang tagal na ata nung nagkita kami.

10 years na ba?

♪ It's your freshman year and you're gonna be here

For the next four years in this town

Hoping one of those senior boys will wink at you and say

"You know, I haven't seen you around before ♪

Sana maraming gwapo dun. Hahaha! Landi ko naman! > 3 < But, sana mababait mga tao dun.

Walang diskriminasyon…

♪ 'Cause when you're fifteen and somebody tells you they love you

You're gonna believe them ♪

“Amaya…”

♪ And when you're fifteen feeling like there's nothing to figure out ♪

“Uyy! Amaya…”

♪ Well, count to ten, take it in

This is life before you know who you're gonna be ♪

“AMAYA VILLANUEVA!!! BINGI KA BA?!!!”

Ay anak ng tikbalang!” napatalon ako nung biglang may sumigaw at inalis ang earphones sa tenga ko. Ano ba naman toh, feel na feel ko na yun kanta tapos sisirain lang niya.

Di pa naman pinaabot dun sa ‘Fifteen’ part ng song. > n <

Sino ba toh?

Tumalikod ako para harapin ang nangistorbo sakin para mapalipad ko na papuntang Andromeda. Eh nakakainis. Sigawan ka ba naman sa tenga ng sobrang lakas. Pero nagulat nalang ako sa nakita ko.

“S-Sophia?!!!”

“Hindi Amaya, ako ang Tooth Fairy para ibalik itong ngipin mo kasi bulok.” Sabi niya sarcastically.

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko tong gagang to eh! Ilang taon na kami di nagkita.

Ah, BTW isa siya sa mga friends na tinutukoy kong 10 years di nagkita-kita.

Siya si Sophie Claire Flores. Ang aking bestest friend sa buong Universe! Sophia tawag ko dito sa babaeng to. XD Haha! Nasanay kasi ako eh. Ang ganda kasi ng Sophie kaya ayun, Sophia tawag ko para pumangit. Hahahaha! XD

“Aray ko naman Amaya. Papatayin mo ba ako? Andami kong gagawin sa buhay alam mo yun?” at tumawa siya.

“Eh! Namiss kita! Super! Ang laki ng pinagbago mo grabe! Ang ganda mo na ngayon, dati para kang-“

*bam*

And nakatanggap ako ng batok. - ___ -

“ARAY KO PO! Ano? May sinabi ba ako? Grabe ka naman makabatok, matatanggal ulo ko.” Sabay pahid sa likod ng ulo ko.

“Wag mo nang ituloy kundi aalisin ko talaga yang ulo mo! Di mo na kailangan ipaalala yun sakin. Kahit ikaw ang laki ng pinagbago mo. Hindi talaga, kala ko pa naman maganda kang lahi paglaki mo.Bat ganyan itsura mo?”

Ay, nakakainsulto toh ah. Siguro sipain ko toh tulad ng plano ko.

“Hay naku Sophia. Dami ko sayong ikwe-kwento. Pero mamaya nalang sa bahay.”

“Sige! Namiss ko narin si Tita eh! At, alam ko andaming pagkain dun sainyo. Hahaha!”

Wow. Isang decade na ang lumipas, ang takaw parin nitong babaeng ito. Pasalamat siya at di siya tumataba kahit gano karami ang kainin.

“Teka? Sa Rosario ka rin papasok?”

Nakita ko Straight yung hair niya, maputi at blemish-free and face niya.

“Yes! Palagi na tayo magsasabay ah.”

Lord, thank you at hindi na magiging mahirap ang school life ko. Andito na ang best friend ko.

“Teka lang Amaya.”

Napatigil kami sa paglalakad at tiningnan niya ako ng seryoso.

“Bakit? Anong problema? Wag mong sabihin meron ka ngayon? Natagusan ka ba? Tingnan ko nga.”

*bam*

Isa pang batok. Ano ba yan, daming kong narereceive na batok ah. Greeting na ba dito sa Pinas ang pagbatok sa isang tao?

“Hindi! Baliw mo talaga. Ano, Amaya…”

“Bakit? Ituloy mo!”

“Amaya… Yung 10 years ago na dahilan kung bakit ka umalis.” She paused.

“Totoo ba yun?”

I looked at her and her eyes are full of sadness and curiosity. Parang ayoko tuloy sabihin sa kanya.

“Yes Sophia.” I tried to smile and moved closer to her.

“So,” tinaas niya ang ulo niya at hinawakan ang balikat ko.

“As much as I want to disregard that fact, totoo talaga yun Sophia.” I gave out a silent laugh.

“You are Japan’s Hidden Princess after all.”

Behind Me Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon