Last update for today. 2 times ako maguupdate everyday kasi ang layo na nito eh. Chapter 26 palang ata yung meron nito tapos dito chapter 8 palang. XD Hahaha! Ini-edit ko nalang naman. Again, maraming salamat! > u < ) / Ah, and sorry din! XDD Di ko kasi alam na Ethan Castillo din yung sa Ina Kapatid Anak na show. Di ako nanunuod nun eh! Hahaha!!!
---
Behind Me is A Princess
Chapter 8
Why Him?
(Sophie's POV)
"Antagal ni Amaya! Gutom nako!" sabi ko habang hawak hawak ang tiyan.
"Haha, wag ka nang magreklamo. Mahirap kaya maging slave. Andami pa nating pinabili sakanya. Halika na nga at tulungan mo ako mag-ayos ng frame." Sabi ni Leo na may hawak hawak na martilyo.
Andito kami ngayon sa isang old classroom malapit sa grounds. Bat andito kami? Kasi sabi ni Leo eh. Siya leader so siya masusunod. Dito kami ngayun nagaayos ng framework ng scale-model ng school at gumagawa ng blueprints.
Si Leila andun sa library, para daw makapagreasearch siya at tahimik.
Si Amaya andun pa ata sa mall. Ano kaya nangyari dun. Di kaya kinain ng tiger?
Sana hindi, andun sakanya snacks namin eh. XD Hahaha! Joke lang!
Kami ni Leo ngayon magisa sa classroom. Bukas lahat ng bintana kaya mahangin.
Ang sarap matulog...
Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko at...
*pok*
"Aray ko!" sabi ko sabay pahid ng noo ko. Pinaluan kasi ako ni Leo sa noo gamit ang rolled up magazine na dala namin to pass the time.
"Wag kang matulog. Tulungan mo na nga ako." Sabi niya at binalik ang pansin sa ginagawa niya.
I rolled my eyes at binehlata siya.
"Opo Boss." Sabi ko sarcastically.
Ang hirap pala nito. Kala ko ba naman madali lang. - __ -
"Sophie, makiabot po nun oh." At tinuro niya yung isang piece ng plywood.
Siya kasi yung gumawa ng framework. XD Haha, di ko siya tinutulungan. Ako lang ang mangaabot ng gamit.
Joke lang, ako ang nagaasikaso sa blueprints. Ako pa ang nagmemeasure kung tamang length, width at height yung ginagamit namin.
"Pahinga muna tayo." Sabi ni Leo at humiga sa sahig. Halatang pagod na toh.
Humiga din ako sa tabi niya.
SILENCE
"Bat ang tahimik mo?" tanong niya sakin nang pikit ang mata.
"Pagod din kaya ako. Wala nang energy. Kailangan ko na ng fuel!" at tinaas ko ang mga kamay ko.
"Dadating na din yun si Amaya. Tiwala lang." at ngumiti siya.
Teka, iba tong ngiti na toh ah.
Umupo ako sa sahig at lumapit sa kanya. Yun bang nasa harap na niya yung mukha ko at tinanong, "Hoy Leo, may gusto ka ba kay Amaya?"
Nanlaki ang mga mata nito at bigla-biglang tumayo kaya nagkauntugan kami.
"ARAY!" sigaw ko nang malakas. Ansakit! > ___ <
"Ouch... Ouch... Ouch..." narinig kong sabi niya habang hinihimas ang kanyang noo.
"Ala! Sorry Leo! Sorry talaga!" sabi ko sabay hawak sa namumula niyang noo. "Ayus lang yan Leo, may bangs ka naman, di naman halata."
BINABASA MO ANG
Behind Me Is A Princess
RomanceFalling in love is not as easy as you think it is. You fight for the one you love, do everything to make them happy and love them like you love yourself or even more. But it’s even harder when you’re royalty. Falling in love with a commoner is not a...
