Chapter 39 - Stand

537 24 22
                                        

"Reika-hime, doko ni iru?"

What dalampasigan?!!!! > ___ <

Reika? As in Princess Reika?? And as in Princess Reika, ako?!

Anong kailangan nila sakin? Anong ginawa ko? Bat nila ako kilala? Bat alam nila na nandito ako? Bat-... Teka, bat nga nila kilala yang name na yan??

"Anong sinasabi niyo? Di namin kayo maintindihan." sabi ni Kuya na katabi ko. Siguro naman lumakas na loob nito knowing na ligtas ang kapatid niya.

"May hinahanap kami. O siguro mas mainam na sabihing may pinapahanap samin." patuloy paring lumilibot ang pagtingin niya.

"Pero may problema..."

Problema??

"Ang binigay lang samin ay ang pangalan ng kailangan namin mahanap... Kaya..."

Then yung isa niyang kasama bigang kumuha ng baril at binaril yung isang vase sa main desk. May sumigaw dun na girl at tinago ang kanyang mukha sa kamay niya. She's crying. Tiningnan ko si Luna at mas humigpit ang yakap niya sa kanyang tuhod.

Please stop this...

"Nasa sakanya niya kung magpapakita siya sa amin..." sabi nung may hawak ng baril at tumawa.

So, di nila alam kung sino si "Reika". Di nila alam na ako siya. Nasa sakin? Ako ang pipili kung magpapakita ako?

"So, Reika, kung alin ka man dito sa mga taong toh, pumili ka. Magpapakita ka na at aalis na tayo dito nang walang masasaktan pa, o iisa-isahin naming babarilin ang mga tao dito at pati ikaw eh mapatay?"

Badump Badump

Katahimikan ang bumuo sa main lobby.

Badump Badump

Nagtitinginan ang mga tao, halatang naguguluhan at natatakot sila sa mga nangyayari. Juice ko, pati ako naguguluhan at natatakot.

Badump Badump

Then, may nakita akong maliit na girl na yinayakap ang kanyang ina. Umiiyak toh habang kinocomfort siya ng mama niya. Biglang pumasok sa isip ko ang pagbaril sakanya dahil sakin. Naku, wag naman po! ;; _ ;;

Badump Badump

Anong gagawin ko?

Badump Badump

"Sabi niyo pinapahanap sainyo yung Reika na yan? Di ba kayo papagalitan pagpinatay niyo siya?"

Napatingin kaming lahat kay kuya na kapatid ni Irie. Oo nga, may point siya.

Tumawa yung boss ng mga holdaper.

"Wala yang problema iho. Dahil ang sabi samin, hindi daw yan gagawin ni Reika. At kung di man siya magpakita, pwede na raw namin siya patayin..."

What the packing tape?!!! Sino yang nagpahanap sakin?? Ogag pala siya eh! Pinapahanap tapos pag di magpakita pwede nang patayin?? Juice ko!!! Ano ba??!!!

Badump Badump

"You have 3 minutes Reika." sabi nung isa at nagload ng ammo sa baril.

What the hell is going on here...

Bat ngayon pa toh?? Actually, bat nangyari pa toh? May ginawa ba ako? At bat kailangang i-involve ang mga inocenteng mga taong toh? Nakita ko ulit yung mag-ina kanina at pati yung mama umiiyak na habang mahigpit ang yakap sa kanyang anak...

What is this all about? Pag di ako magpakita lahat ng tao dito mamamatay dahil sakin, at pati ako mawawala na sa mundong ibabaw. Meron bang ganung case ng hostage taking? At babalik tayo sa nagpapahanap sakin. Ang chunga niya naman, anong purpose ng pinanggagawa niya? Sino nga ba siya?! Sarap i-kamehameha.

Pero, natatakot ako. Natatakot ako sa mangyayari. Hindi sakin. Natatakot ako sa mangyayari sakanila. Kay kuya na kapatid ni Irie, kay Luna, dun sa magina, dun sa girl na umiiyak... Sakanila...

"Naiinip na kami..." sabi nung isang holdaper at hinanda ang baril. Naghanap siya ng una niyang aagawan ng buhay.

No...

Badump Badump

Unti-unti akong tumayo, nanginginig at feeling ko manghihina ang tuhod ko kahit kakatayo ko palang. Tiningnan ako ng ibang hostages, ng mga holdaper at sa reflection sa glass door na malapit sakin, tiningnan ko ang sarili ko. I need to take my stand.

"Ohh, ano miss?" sabi sakin nung isang masked guy.

Ayoko. Ayokong madamay sila dito. Ayokong may mamatay dahil sakin. So what kung ako ang mapahamak, as long as wag silang masaktan. Masaktan dahil sakin... Hindi na ito laban ni Amaya... Laban na toh, ni Reika.

"I'm Reika..." sabi ko.

Ngumiti sila at lumapit sakin. Di ako kumibo. Tiningnan ko yung mga nakatingin sakin at nginitian sila. Si kuya na kapatid ni Irie, tinitingnan ako na parang nalilito. Si Luna may mga luha pang tumutulo sa mga mata. See? Nakita niyo kung bakit ayokong madamay sila?

"Magpapakita ka naman pala eh..." sabi nung isa at hinawakan ang braso ko.

"Wag niyo silang sasaktan..." sabi ko.

Tinalian nila ang kamay ko at papaalis na kami nung bigla nalang sumigaw si Luna, na ikinagulat naming lahat.

"Hindi yan si Reika! Ako si Reika!!!!!!!"

Tiningnan ako ng mga holaper at tumingin din sila kay Luna. Sakin at kay Luna, kay Luna at sakin. Naguguluhan sila.

They grabbed Luna's arm at tinalian sabay sabing, "Wala na tayong oras, naririnig ko na ang mga pulis. Dalhin niyo nalang yang dalawa."

At nung papalabas na kami, bigla nalang sumugod si kuya na kapatid ni Irie samin at sinuntok ang isang holdaper na humahawak sakin.

"Bitiwan niyo silang dalawa!" sigaw niya. "They're only trying to save us all! Di naman nila kilala kung sino si Reika!!! Wala silang kinalaman dito at -"

*booom*

No....

No no no no no!!!!

Binaril nila si kuya.

"Nooo!!!" sigaw ko at pinilit na makatakas sa mga holdaper para mapuntahan si kuya na ngayon ay nakahiga sa sahig, napapalibutan ng sarili niyang dugo.

"Kuya Clarence!!!!!" sigaw ni Luna, at nangingiyak na ulit.

Then binuhat kami ng mga lalaki at kinaldkad palabas ng resort. Naririnig ko silang nagsasabi ng, "Putek, andyan na ang mga pulis."

While being carried away, di umalis ang pagtingin ko kay Kuya Clarence. Ang katawan niya... Ang dugo... Ang buhay niya...

Someone died...

Tiningnan ko si Luna na halos maubos na ang kulay sa mukha...

And will die again...

Because of me.

Behind Me Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon