"Oh ano? Magsasalita ba kayo? Kayo ba si Reika? At kung oo, sino sa inyong dalawa?!" sigaw ng kidnaper samin ni Luna, na ngayon ay nakatali sa isang puno.
Matapos kaming buhatin at umalis sa resort, pumunta sila dito sa gubat. The place kung saan kami nag "Lost and Found". Tumakas sila kasi may mga pulis na na dumating. Tinali nila kami sa puno at pinagtatanong nila kanina pa.
"Ako nga si Reika. Kanina ko pa sainyo sinasabi ehh. Ang titigas ng ulo niyo." sabi ko sa kanila.
"Miss ah, tingnan mo yang bibig mo at baka mabaril kita diyan. Walang galang." sabi nung isa.
"Aba ahh! Manong, ako pa ang walang galang?! Sino yung nanghostage ng isang resort kung saan nagbabaksyon ang mga tao at nagsasaya at ngayon hinostage kaming dalawang babae ha??! Sige manong, sino mas walang galang satin dito??" sigaw ko.
"Tumigil na nga kayo! At ikaw, tikumin mo na yang bibig mo ha? Tumahimik kayo." sabi ng boss ng mga kidnaper, halatang naiirita.
Tsss.. Nakakainis dito. kidnaper ba talaga sila? Takot ako, oo. Sobra nga eh pero ang sarap lang talaga sigawan ang mga toh. Wala akong pake kung saktan nila ako. Atleast ligtas na ang mga tao dun sa resort. Ngayon, si Luna naman ang ililigtas ko. Kaya, ako na ang pagtripan nila, wag lang si Luna.
Then may nagring na cellphone.
"Hello?" sabi nung boss matapos mapindot ang cp niya.
Di ko marinig ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Pero mukhang kinabahan ang boss oh. Pinagpapawisan, medyo namutla. Sino kaya yun? Yung nagpapahanap ba yun sakin?
Binaba na niya ang cellphone niya at tinago sa bulsa.
"Ikaw ba talaga si Reika?" sabi niya sabay turo sakin.
"Oo nga eh, kanina pa ah. Ako si Reika. Ako ang hinahanap niyo okay? Kaya palayain niyo na yung kasama ko, wala siyang kinalaman dito." sabi ko.
"Kung ikaw nga si Reika, sabihin mo samin kung bakit ka andito sa Pilipinas at kung sino ang ina mo."
Waitthehell?? Anong klaseng tanong yan? Kanino o saan yan galing?
"Di ko alam kung bakit nandito ako kaya sorry kayo di ko kayo masasagot ang tanong niyo. But my mom is Harmon-"
"Ang tunay na pangalan ng mama mo!"
Napaatras ang dila ko nung biglang siyang sumigaw. Tss, I don't want to say it out loud. What if Luna knows? Then my secret will be spilled...
"WELL?! Bilisan mo!" sabi nung kidnaper sabay hawak sa leeg ni Luna.
"Minase Meiko..." I mumbled.
Ngumiti ng napakapanget na ngiti yung mga kindaper at pinakawalan si Luna, na siguro sa sobrang takot napaluhod sa sahig.
"Andito naman pala si Reika eh. Kung kanina mo pa sinabi ehdi sana wala tayong problema. At ikaw naman, pekeng Reika.." inangat nila ang mukha ni Luna at sinampal ng malakas.
"OYY! Anong ginagawa ni-"
"Kung hindi ka nagpanggap hindi ka sana nandito. Kita mo na ang nangyayari pagnakikiistorbo ka sa mga bagay na wala namang kinalaman sayo, ha?!"
Patuloy nilang pinagsasampal si Luna habang sinisigawan ko sila na tumigil na. Langya naman pala sila eh!
"Kita mo itong kasama mo ha?" sabi ng boss ng kidnaper at hinarap sakin ang mukha ni Luna. "Siya... siya ang hinahanap namin. Siya ang prinsesa ng Japan! Hahaha! Hindi mo yun alam noh? Itong babaeng toh ay isang prinsesa, kaya mas mataas ang halaga niya sayo. Diyan ka na nga."
May inutusan ung boss na talian ulit ung kamay ni Luna at itali sa puno habang sinagot niya yung tumawag sa kanya.
"Ano ba??!! Bat niyo ginawa yun sakanya?! Sabi ko sainyo na ako ang saktan niyo at wag na siyang idamay ehh!!! Wala siyang kasalanan dito! Malalagot kayo sakin!!!"
Di ako nila ako pinansin at nagpatuloy sila sa pagtatali kay Luna. Mga ilang minuto na rin kami dito sa gubat. Di ko nga alam kung ano pa hinihintay niyang mga kidnaper na yan. Dapat kanina pa nila pinalaya si Luna! Nakakainis talaga. Sakin laban toh kaya sana di na ulit masaktan pa si Luna.
"Amaya...!"
Napatigil ako, pati na ang mga kidnaper at lumingon sa direksyon kung saan galing yung boses.
Teka, pangalan ko yun ah!
"Amaya...! Asan ka...?"
Teka.. Si Ethan yun ahh?!!!
"ETHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN!!! ANDITO AK- HMMMM!"
Sumigaw ako ng malakas pero biglang tinakpan ang bibig ko ng bimpo kaya di ko na natuloy. Lumaban ako at pilit na alisin yung nakatakip sa bibig ko. Andito si Ethan! May tulong na dumating!
"Lagot tayo, pano na yan?!" Halatang kabado na ang mga kidnaper at mas kinabahan sila nang makakita sila ng ilaw mula sa flashlight na papalapit na.
"Pano niya nalaman na may paparating na rito?" sabi ng boss ng mga holdaper. Teka, alam nino?
"Itapon niyo na yung isa dun sa may maliit na bangin, pakawalan niyo na si Reika. Bilis!" Sigaw ng boss sabay kilos ng mga kasama nito.
"Pero boss, diba idadala pa natin siya kay-"
"Hindi na mahalaga yun! Nagawa na natin ang gusto niyang pagawin kaya bilisan niyo na!!!"
Matapos nila akong alisan ng tali, tumakbo na sila papalayo at hahabulin ko sana sila pero nakita ko yung isa sakanila na itatapon na si Luna. Pinuntahan ko sila at sakto naman pagdating ko dun ay binitawan na nila si Luna at tumakas na.
"LUNA!"
Tumalon ako at inabot si Luna. Dahil dun, pareho kaming nahulog at nagpagulong gulong pababa. Nung tumigil na kami, agad kong tiningnan kung okay lang siya, nakatali parin ang kamay niya at andami niyang pasa sa mukha at katawan.
"Luna... Luna! Naririnig mo ba ako? Oyy!" sabi ko habang inaalis ang tali sa kamay niya at inaayos ang posisyon niya.
Minulat niya ang mga mata niya at nayakap ko siya sa tuwa at relief, na ikinabigla niya naman.
"Sorry... Sorry talaga. Nadamay ka pa dito... Malalagot yung mga lalaki na yun sakin. Langya sila, ipapagulpi ko talaga yung mga g*gong yun. Hahanapin ko talaga sila at... AHHHH! Sorry talaga." Nakakainis, ang sama talaga ng loob ko.
"Ako... Ako dapat ang nagsosorry... Kasi... Kasi..." Naiiyak siya habang nagsasalita. "Ang sama ng sinabi namin sa sayo at sa mga kaibigan mo... Pero, linigtas at nagalala ka parin para samin... At... At sumigaw ako kanina kaya napunta ako, kaya kasalanan ko na yun..."
"Sorry talaga... Reika..."
Nabigla ako nung tinawag niya yung name na yun. Oh no... Naku, mahirap magexplain lalo na't ganito sitwasyon namin.
"Actually, Amaya pangalan ko..."
"E-eh? Pero kanina-"
"Mamaya ko nalang ipapaliwanag sayo, ang mahalaga ngayon ay makaalis tayo dito. Narinig ko boses ni Ethan at nakakita ako ng ilaw mula sa flashlights kanina, kaya try nating sumigaw."
Nagtawag kami ng tulong. Ang hirap lang malaman kung may nakakarinig sa amin o wala pero kailangan na talaga namin ng tulong. Ang daming sugat at pasa ni Luna, at mukhang may malaking sugat siya sa forehead nung tinapon siya kanina.
Naalala ko pa si Kuya Clarence... Naku, kamusta na siya...
Ethan... Asan na kayo?? Hinahanap niyo ba ako??
Nanghihina na ang katawan ko, halos maubusan na ako ng boses...
At, nahihirapan na akong huminga...
BINABASA MO ANG
Behind Me Is A Princess
RomanceFalling in love is not as easy as you think it is. You fight for the one you love, do everything to make them happy and love them like you love yourself or even more. But it’s even harder when you’re royalty. Falling in love with a commoner is not a...
