Chapter 30 - Lost And Found

701 18 4
                                        

Late UD. Peace po. :) Anyway, chapter 30 guys. :D

--- 

Behind Me Is A Princess 

Chapter 30 

Lost And Found

(Amaya's POV)

"Grabe naman yang Leila na yan. May boyfriend na, nananching pa kay Leo. Ang landi landi talaga."

OH NO I DID NOT JUST HEAR THAT.

Di ko magawang tumingin sa palagid kasi baka maging suspicious si Ethan at kung sino mang nagsabi nun. So, makatanong nalang kay Tan-tan.

"Uyy. Tan-tan, diba class lang namin at class niyo yung nasa bus?"

"Hah? Bat mo natanong?"

"Pshh. Naman Tan-tan, ang tanong sinasagot, hindi tinatanong ulit."

"Huh? Di ko nagets yung sinabi mo." At tumawa.

"Ehh! Sagutin mo nalang."

"Hahaha. Hindi. May spare seats pa kasi eh kahit ipagsama yung dalwang class so may mga nagvolunteer na dito nalang. Bat mo nga natanong?"

"Wala lang. Ilan ba yung navolunteer at kilala mo ba sila?"

"Hmmm..."

Napatingin si Ethan sa paligid at napaisip.

"Yung tatlong babaeng nasa likod natin at yung dalawang babae na nasa likod nila Leila."

Di ko makita yung mga pagmumukha nila.

Yung nakita ko lang yung nasa likod nila Leila. 1 of them is wearing twin braids at nagbabasa ng book. Teka? Diary ng Pangit ba yun?! Astig ah! Super ganda niyan! San kaya siya nakabili. Hmmm, hiramin ko kaya? Ay takte. Nawala ang focus ko. XD Okay okay. Focus.

(XD Hehe. Share ko lang sa mga di pa nakakaalam: and book ng 'Diary ng Pangit' will soon be available in bookstore nationwide! > u < At dahil sa excitement ko, yan ang napala. XD Haha, pasensya na. For more info, tingin nalang kayo sa profile ni ate Denny. :3 EXCITED NAKO!!! ( / > o < ) / )

Imposible naman na siya yun so 'X' na siya.

Yung katabi niya ay nakasuot ng blue na Beats by Dre headphones. Masyadong feel niya yung pakikinig sa kung ano mang music yung pinakikinggan niya kasi naghehead bang pa. XD So 'X' na rin siya.

"Uyy, umayos ka nga, magising mo toh si Sophia baka kung anong mangyari sakin." Sabi ni Ethan na trying hard di galawin si Sophia na mahimbing pa ang tulog.

Umayos na ako pero di ko pa inalis yung tingin ko dun sa dalawa. It's so unlikely na sila yun, parang wala naman silang pakealam sa mundo eh.

Tiningnan ko si Ethan na suot ang earphones ko at nakafull blast ang volume.

Then I heard something again.

"Isa pa yang transferee na yan. Ano ba yung name niya? Amaya ba yun?"

Amaya? Diba pangalan ko yun?

"Oo. Si Villanueva."

Ako? O . O Ano ako?

"Makadikit kay Ethan wagas eh. Una si Leo. Tch. The birds with the same feathers flock together talaga, kahit kailan."

"Uyy! Hinaan mo lang, nasa unahan ata natin sila."

"So? Busy naman atang makipaglandian yun kaya di naman tayo nakikinig nun."

"Eh ano kaya yung isa pa nilang kasama. Si Sophie ba yun? Mukhang malandi din eh. Ang taray ng mukha."

Behind Me Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon