Chapter 34 - Follow The Stars

1K 28 14
                                        

Hala!

Ohmee...

Sorry po sa very very very very late update! Maraming sorry!!! TT ^ TT

Medyo busy po kasi ako eh (nagfamily trip kami and doing some personal stuff. wag niyo nang alamin. XD)

Thanks po sa 1.5k likes!!! * ^ * Promise ang saya-saya ko!!! *hugs you all* Sana pwede akong magreach out sa screen tapos bibigyan ko kayo ng cookies. > 3 <

Anyways, ehto na. :D

(Yung pic po is something I did a few days ago. XD Hahaha. Natripan lang eh. ^ 3 ^)

---

Behind Me Is A Princess

Chapter 34

Follow The Stars

(Amaya's POV)

"Magkakilala na ba tayo dati?"

Nagtitigan lang kami dun ni Ethan at ehto nanaman. The longer I stare at him the more confused I get. There's something in me... Something that's telling me that this boy sitting in front of me is someone... Someone I know.

Bat ba ang familiar niya! Bat ko iniisip na si Axel ka! Ethan bakit? I need an explanation. As much as iniiwas kong isipin na hindi si Axel ang naiisip ko, walang effect! Ayoko talaga isipin na si Ethan at Axel ay nag-iisa lang. Hindi sakin magsisinungaling si Sophia. I believe in her. At wala naman akong maisip na rason kung bakit siya magsisinungaling.

Napatulala lang ako sakanya at di ko alam pero nawawala ako sa sarili ko.

Naguguluhan na talaga ako!

Sino ka?!

Sino tong lalaking nasa harap ko ngayon! Sabihin niyo sakin! TT ^ TT Si Ethan siya diba? Diba?

Di ko na alam. Ang alin? Di ko rin alam kung ano ang di ko na alam eh. Masyadong magulo ang utak ko. Nalilito. Naguguluhan.

At, umaasa.

Leche. Umaasa ka diyan Amaya. Si Ethan nga yan! Hinawakan ko ang pisngi niya at nararamdaman kong may mga bumubuo na luha sa mata ko pero bakit? Naguguluhan ako!

"A-axel?" nanginginig kong sabi.

Langya, si Ethan sabi yan eh! Ang kulit mo!

Hinawakan ni Axel este Ethan ang kamay ko na hawak-hawak parin ang pisngi niya.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"A-xel..." sabi ko.

Di ko namalayan, umiiyak na pala ako. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang isa pa niyang kamay. Ang lapit na namin sa isa't isa.

I closed my eyes as I felt his forehead touch mine. I could feel his warm breathe.

"Reah?"

Agad-agad kong minulat ang aking mga mata at tinulak siya palayo. Nakita kong gulat na gulat siya.

My heart. It's beating so fast.

An attack? Hindi pwede. I solved that problem already.

Love? No. This is much a lot tenser.

Maybe it's fear?

Because when he said 'Reah' I... I felt nervous.

No. It can't be fear. It's something much stronger.

I think it's hope.

Kasi for a moment there, I actually believed that Axel was talking to me. Na siya ang nasa harap ko.

Behind Me Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon