Chapter 26 - Pet Names

708 26 6
                                    

Haruuuuu!!! Makikiechos lang ako sandali. Wag kayong excited. XD Gusto ko lang sabihing sorry, thank you and ahlabya! Nyahahaha! Sorry ah. Medyo natopakan ata si Ms. Author niyo kasi alas 3 na ng maaga... = 3 = Masakit na nga pwet ko eh... Ang labo ko noh? Sige na at panuorin na natin ang lovey-dovey na sina Aya-Aya at Tan-Tan (<--- Spoiler yang names na yan.. Read along! XD)

And, siguro magiging slow na ang updates after this. Siguro lang. :3 And yang part sa taas eh yung sinulat ko nung mga classmates ko palang yung bumabasa nito. XD Sorry ah. Technically it's only 11:40pm. XD Hahaha!!! Go on, read. > u < d

---

Behind Me is A Princess

Chapter 26

Pet Names

(Amaya's POV)

"Ethan! Doon tayo oh! For sure masaya dun!" sabi ko habang hinihila ko ang kamay ni Ethan.

"Hahaha! Para kang maliit na bata alam mo ba yun?" Natatawang sabi sakin ni Ethan at pinat ang ulo ko.

"Okay lang. Atleast cute." At binehlatan ko toh.

Pumunta kami sa Horror House.

"Sure ka bang gusto mong pumasok? Parang nakakatakot naman diyan." Pagbabala sakin ni Ethan.

"Ano ka ba! At bat parang ikaw ang natatakot diyan?"

"Hmphf, nagsalita ang hindi namumutla."

Hahaha! Keri ko toh noh! Hindi ako takot diyan. Mga tao lang naman yan ehh. At pagtatakutin nila ako, tatakutin ko rin sila! >:D

Pumasok na kami ni Ethan at dumilim na sa loob. It was quiet.

"H-heh. H-horror House toh? Ang w-waley naman." Sabi ko.

"Ang tapang mo naman. Mamaya niyan tingnan natin kung matapang ka pa." at ginulo niya ang buhok ko.

Pero, nakakatakot dito infairness. Red yung light tapos nagfliflicker pa siya. Minsan mawawala ng for a long time. Walang umiimik. May mga sirang upuan sa gilid, may mga bloodstains sa wall, may mga nagkakalat na kalans-

O ____________ O

"UWAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"

Kumapit ako sa kamay ni Ethan at nagulat din ito sa bigla kong pagsigaw at pagkapit sakanya.

"Oh?! Anong problema? Okay ka lang?"

"M-may k-kala-kalansay o-oh..." sabi ko habang nanginginig.

Then biglang tumawa si Ethan.

"Para kalansay iyon! Wala pa tayo sa mga nakakatakot na part. Oh? Balik na tayo at umalis na?"

"A-ayoko noh! D-duwag ka ba hah E-ethan? H-ha-ha-ha..."

Nginitian niya lang ako at naglakad na kami pero nahuli ako kasi magsisintas ako. Then may naramdaman akong malamig na humawak sa paa ko.

Pagtingin ko sa baba...

"SAAAAADAAAAAKOOOOOOOOO!!! WAAAAAAAAAAH! ETHAN SI SADAKO!!! HELP!!!!!!"

Di ko na naayos ang sintas ko pero tinuloy ko lang ang pagtakbo ko. Tumakbo ako papunta kay Ethan habang may humahabol saking Sadako. Grabe! Gumagapang talaga siya na nakakatakot. Ang bilis niya pati! > ___ <

"MAMA!!! ETHAN!!! HELP ME!!! UUWI NA AKO!!! PALABASIN NIYO NA AKO DITO!!! MAGPAPAKABAIT NA AKO!!! PROMISE!!! KAKAIN NA PO AKO NG GULAY!!! LAYUAN MO LANG AKO!!! UWAAAAAAAAAH!" naluluha na ako dito. Huhuhuhu.

Behind Me Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon