It's been 2 weeks now.
Amaya is still in the hospital pero okay na siya. Actually last week lang siya gumising. Halos umiyak kaming lahat eh. Nagpakalalake nalang kami ni Leo pero nadala rin kami ng pag-iyak nila Sophie at Leila. Konti lang.
Si Amaya naman, tawa lang ng tawa, para bang walang nangyari sakanya. Maputla pa siya at medyo nanghihina pa, pero buhay na buhay ang mga tawa nito. Andami kong gusto tanungin, andami kong gustong sabihin, pero hinayaan ko na muna ang mga iyon kasi kailangan ni Amaya magpagaling.
Okay na rin yung babaeng kasama niya. Luna is her name, sabi samin ni Amaya.
Pero, something is bothering me.
Last week kasi, after gumising ni Amaya at pauwi na kami, nakita ko si Kim sa may parking lot kausap si Sophie. Well actually, parang nag-aaway (nanaman) sila. Lalapit na sana ako pero biglang sumigaw si Sophie.
"Please! Can you please stop Ann? Alam mo naman na para sa atin yung ginagawa ko diba?" sabi ni Sophie.
"No Claire, I don't like how you're doing things. Oo, alam ko naman na para sa ikabubuti natin yung ginagawa mo pero bakit kailangan mong sirain ang buhay ng iba kapalit sa kasiyahan ng buhay natin?" sagot ni Kim.
"Hindi ko naman sinisira ang buhay nila! I'm just doing this for us, at para kay Amaya, so please.."
"Hindi mo sinisira? Ha! You know, Leila ang Leo are enduring a lot of things. I'm sure alam mong mahal nila ang isa't isa pero bakit pinagpipilit mo si Leila kay Ethan? Dahil kailangan mo ito sa plano mo? Dahil nag-aalala ka na bumalik na ang alala ni--"
"That has nothing to do with you!" biglang sigaw ni Sophie.
"And it has nothing to do with you either! And, ang kapal naman ng mukha mong sabihin na para ito kay Amaya, when you put her in harm's way and see what happened?! Nasa ospital ang best friend mo, nanghihina at malapit na sanang mamatay!!!"
"....."
Biglang tumakbo palayo si Sophie kaya napatago nalang ako sa likod ng isang kotse. Wala akong maintindihan sa sinabi nila pero may bad feeling ako sa narinig ko.
Pinagpipilit si Leila.. sa akin?
Mahal ni Leo si Leila?
Alaala nino?
1 week ko na tong pinag-iisipan. Gusto kong kausapin si Sophie, pero alam kong hindi niya naman ako sasagutin. Di ko naman alam kung sasagutin ako ni Kim. Pero kailangan ko na talaga malaman kung ano talaga ang nangyayari dito.
"Uyy, Earth to Ethan?? Yuuhuu??"
Napatingin ako kay Amaya na biglang nagsalita. Kasama ko kasi siya ngayon sa courtyard ng hospital. Gusto niya daw kasi lumabas.
"Ano?" sabi ko.
"Wala lang. Kasi, parang ang lalim ng mga iniisip mo akala ko kinuha na ng mga aliens kaluluwa mo."
"Grabe naman yan Aya-Aya. Andami kasing nagpapagulo sa isip ko ngayon."
"Oh.."
Hindi na siya nagsalita. Hindi na rin ako nagsalita. Bumalik nanaman ako sa mga misteryong bumubulabog sa aking isipan nung...
"Ethan, ano gagawin mo kung nagsisinungaling sayo kaibigan mo?"
Napatingin agad ako kay Amaya at ngumiti siya. Anong klaseng tanong yan?
"Bat mo natanong?"
"Secret. Sagutin mo na."
"Hmm. Siguro aalamin ko muna kung bakit sila nagsinungaling sakin. Kasi diba minsan may rason kung bakit hindi nagsasabi ng totoo ang mga tao." sabi ko.
Tumahimik muli si Amaya at hindi na nagsalita. Bat niya ba natanong yan?
"Pasok na tayo Amaya. Lumalamig na dito eh. Tara." pagaanyaya ko sakanya.
Tumayo na kami at bumalik sa hospital room kung saan naghihintay si Tita (mama ni Amaya).
Nagpaalam na ako sa umalis, nagtataka parin sa tanong ni Amaya. Lalabas na sana ako sa hospital pero nakita ko si Sophie na may kasamang lalake sa lobby. Teka, mukhang familiar ata siya.
Humarap silang dalawa sa direksyon ko at nakilala ko na kung sino ung lalaking yon. Siya yung kinausap namin ni Sophie dati pa. Yung medyo matanda na na palaging nakaformal ang suot. Bakit kaya magkasama sila.
Kakausapin ko sana si Sophie pero di niya ako tinitingnan.
Iniwasan niya rin ako nung naglakad na sila papunta sa mga rooms pero nginitian ako nung lalaki.
Weird.
Hahabulin ko sana si Sophie nang biglang may humawak sa balikat ko.
Si Kim.
Bumalik nanaman sa isip ko ang lahat nang narinig ko at ang tanong ni Amaya sakin.
Humarap ako kay Kim at pumikit para makapagisip ng maayos.
"Kim. We need to talk."
Tiningnan niya ako na parang nagulat pero matapos ang ilang segundo, napangiti siya.
"Finally." sabi niya. At naguluhan ako kung bakit yan ang sinagot niya.
"Ano?"
Napatawa siya at sinabing, "Wala. Ano ba ang paguusapan natin?"
Napaisip ako ng saglit. "May tatanungin sana ako sayo. Sana masagot mo."
Napangiti nalang siya at lumakad palabas. "8:00pm sa maliit na park malapit sa school."
Tiningnan ko lang siya hanggang makalabas na siya sa pinto ng hospital.
Sa ngayon wala nang pumapasok sa isip ko pero ramdam na ramdam ko ang confusion sa ulo --at puso ko.
Isang tanong nalang ang natitira. Isang tanong na posibleng magbigay sakin ng maraming kasagutan.
What the hell is going on?
BINABASA MO ANG
Behind Me Is A Princess
RomansaFalling in love is not as easy as you think it is. You fight for the one you love, do everything to make them happy and love them like you love yourself or even more. But it’s even harder when you’re royalty. Falling in love with a commoner is not a...
