Behind Me Is A Princess
Chapter 41
Rescue
Ethan's POV
"Nakita niyo na ba sila?" tanong sakin ni Leo.
"Hindi pa nga ehh. San na kaya yun pumunta."
Nandito kami sa gubat ngayon, hinahanap sila Amaya at yung kasama niyang babae.
"Hinahabol na ng pulis yung mga nangholdap at kidnap. Mukhang hindi na daw nila kasama yung dalawa. Naku, nasan na kaya sila." sabi ni Leo.
Kasama ko siya, si Kim, at iba pang mga adults sa paghahanap kanila. Si Sophie nagpaiwan at binabantayan si Leila. Si Kim eh nakasalubong namin nung papasok na kami sa gubat.
Nagaalala na ako. Kung di lang sana namin iniwan si Amaya kanina sa hot springs...
Kasi nung bumalik na ako galing sa private bath, napagdesisyunan namin na bumalik na sa mga hotel namin. Sabi ni Sophie itetext niya nalang daw si Amaya kaya yun umalis na kami. Hindi naman namin akalain na magkakahostage taking pala dun. Nalaman nalang namin nung nakabalik na kami sa rooms namin at nagkagulo ang mga tao sa area.
May mga pulis, mga taong lumabas sa hotels para malaman kung anong nangyayari at mga militar. Kinabahan nga ako bigla nung makita ko mula sa bintana ng room ko ang isang pulis car at ambulance na papunta sa resort na pinuntahan namin. Agad kong tinawagan si Amaya pero walang sumagot, so tinawagan ko sila Sophie.
Dun na ako nagalala ng sobra. Hindi pa bumabalik si Amaya. Ibig sabihin, nasa panganib siya. Pinuntahan ko yung hotel nila Sophie at nung makarating ako dun, nakita kong tulog na si Leila. Nag-usap kami nina Leo at Sophie at halata rin sa mukha nila ang kaba at pag-aalala.
Binantayan ni Sophie si Leila at umallis na kami ni Leo at pumunta sa resort. Nung nakarating na kami dun, nagulat kami kasi may isang lalaki na sinasakay sa ambulance, duguan. Nagtanong kami sa mga pulis pero di nila kami pinansin. Tapos may narinig kami na may dalawang babae daw na dinala ng mga kidnaper sa gubat.
Pilit namin sumama ni Leo sa search party, at pinayagan naman kami nung sinabi namin na baka kaibigan namin yung isa sa nawawala. At nung papunta na kami, nakita kami ni Kim at sabing gusto raw niya tumulong.
Nung naghahanap na kami, may narinig ako na mga taong nag-uusap, pero sobrang hina nito kaya nahirapan akong mahanap kung saan ito. Tinawag ko ang pangalan ni Amaya, nagbakasakali na baka sila yun. Then, may narinig ako na sigaw.
".......Ethhaaaaan!!!.....Nandito...."
Mahina lang siya pero narinig ko ito at agad ko namang narealize na boses toh ni Amaya kaya sinundan ko kung saan ito nanggaling. Sinundan naman ako ng mga kasama ko.
Habang papalapit kami, naririnig ko at nararamdaman ko na may mga tao nga dun. Nung makita na namin sila, agad kaming tumawag ng pulis na kasama namin. Siguro nakita kami ng mga kidnaper kaya kumaripas sila papalayo. Syempre hinabol sila ng mga pulis pero kami, nanatili dun sa lugar, hinahanap sila Amaya.
At narito kami ngayon, hanggang ngayon, hindi pa namin sila mahanap. Parang hindi naman sila kasama ng mga kidnaper eh, kasi ang bilis nilang nakatakas so siguro pinakawalan na nila yung dalawa. Pero saan?
"Asan na kaya sila... Amaya..."
Lumingon ako kay Kim nang marinig ko siyang tumawa. Hindi yung tawa na halakhak. Yung maliit lang na tawa, yung mga dalawang "HA" lang.
"Oh? Bat masaya ka pa?" tanong ko sakanya.
"Ano? Ahhh. Hindi ako masaya nuh. Ano ka ba, maghanap ka na diyan." sabi niya sabay talikod pero I swear hindi ako napapaniwala sa sagot niya. Tumingin siya sa may likod ko, kaya sinundan ko yung mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Behind Me Is A Princess
RomanceFalling in love is not as easy as you think it is. You fight for the one you love, do everything to make them happy and love them like you love yourself or even more. But it’s even harder when you’re royalty. Falling in love with a commoner is not a...
