"That painting is great" bungad ni Zach sa akin.
"Thank you, Zach. Teka ano pala ginagawa mo dito ngayon akala ko busy ka sa clinic mo."
"May dala pala akong groceries para sa'yo. Wala naman masiyadong client sa clinic ko today kaya dumaan ako dito para dalhin ang mga groceries na binili ko para sa'yo."
"Salamat sa pa groceries mo, Zach."
"How's you're stay here?"
"Okay na okay medyo nasasanay na ako dito."
Halos isang buwan na rin akong nagstay dito sa bahay na nirerentahan ni Zach. Halos everyday din siyang nandito para dalawin ako. Lagi din siyang nagdadala ng pagkain at groceries. Minsan nga nahihiya na rin ako eh. Dahil mag-isa lang ako malimit kong gawin ay ang pagpipinta katunayan nga sa loob lang ng mahigit Isang buwan tatlong paintings na ang nagawa ko. Currently tinatapos ko na ang pang-apat kong painting.
"Ang gaganda talaga ng mga paintings mo,."
"Salamat, Zach."
"Ano ng plano mo sa mga iyan?"
"Balak ko sanang ibenta ito ng magkaroon naman ako ng sarili kong pera. Ayaw ko naman na aasa lang ako sa'yo habang buhay.
"Then I can help you to sell your other paintings. We can also make an art exhibit of you're paintings malay mo maraming makakita sa gawa mo at bilhin nila Ang mga ito."
"Salamat sa alok mo Zach. Ngayon pa lang tatanawin ko na utang na loob ang pagtulong mo sa passion ko."
"Ilalagay ko lang sa ref at cabinet itong mga pinamili ko."
"Gusto mo bang kumain ipagluluto kita Zach."
"H'wag na Agnes. May pina deliver naman ako na pagkain para sa atin."
"A-Agnes?"
"Hindi ka pa rin ba sanay na tinatawag kitang Agnes? dapat masanay ka na tawagin kitang Agnes. Tandaan mo wala na ang dating ikaw. New face new name new life."
"Susubukan ko, Zach."
Sa totoo lang hindi pa rin ako sanay na tawaging Agnes ni Zach. Kailangan kong masanay sa pangalang Agnes lalo na at iba na ang mukha ko ngayon. Wala na Ang bakas ng dating mukha na sinasaktan at inaabuso ng asawa.
Inilagay na ni Zach ang mga groceries sa ref at cabinet habang ako pinagpapatuloy ang pagpipinta. I'm currently painting a butterflies na nalumilipad sa flower field.
Pagkatapos ilagay ni Zach ang mga groceries bumalik siya sa kinaroroonan ko.
"Can I take pictures of you're paintings? Ipopost ko lang online malay mo may magka interest na bumili nito. Kung okay lang naman sa'yo,?"
"No problem, Zach."
Kinuha ni Zach ang mga natapos kong painting at isa-isa itong kinunan ng mga larawan. Sana talaga may magkainterest na bumili ng mga paintings ko.
Ilang sandali pa nakita kong napangiti si Zach habang hawak ang phone niya.
"Ang saya mo yata, Zach?"
"Good news yung kakilala kong businessman nakita yung painting mo he said he wants to buy all of your paintings."
"T-Talaga ba, Zach?"
"Oo, gusto niyang bilhin lahat ng paintings mo."
"I'm so happy, Zach."
"Bukas na bukas din kukunin na niya ang mga paintings mo. Gusto mo bang ikaw na ang magbigay sa kanya ng mga paintings mo?"
BINABASA MO ANG
Hiding From My Ruthless Billionaire Husband
RomanceMeet Valerie, who has beauty and wealth but not freedom from her abusive husband, Devon. Doc Zachary is a good and famous plastic surgeon in the country who still can't move on from his deceased wife, Agnes. Valerie and Doc Zach meet at an unexpect...