Chapter 1

2.3K 26 0
                                    

Masakit ang mga katawan ko dahil pinagod na naman ako ni Devon kagabi. Grabe halimaw talaga si Devon sa kama. Hindi naman siya gannon noong unang mga buwan namin bilang mag-asawa ewan ko bakit bigla siyang naging ganoon. Pag-gising ko wala na si Devon sa tabi ko marahil ay maaga itong umalis para pumasok sa kumpanya nila.

Paglabas ko ng kwarto agad akong sinalubong ng maid sa mansion.

"Mam Valerie, kumain na daw po kayo ng almusal. Kanina pa po kayo hinihintay ni Don Rafael, Doña Victorina, at Sir Devon sa kabilang bahay daw po," bungad ng maid namin.

"Okay, po."

Hindi pa pala nakaalis si Devon. Agad akong tumungo sa kabilang bahay. Naroon na ang asawa kong si Devon si Don Rafael na Daddy niya at si Doña Victorina na stepmother ni Devon.

"G-Good morning po," bati ko sa kanila.

"Maupo ka na hija," saad ni Don Rafael sa 'kin

Naupo na ako sa mesa katabi ni Devon.

"Bakit ngayon ka lang? Alam mo naman na ayaw nila na pinaghihintay sila lalo na ni Dad." inis na bulong ni Devon sa'kin. "Kung di ka pa ipapasundo sa maid di ka pa darating," dagdag nito.

"N-Napasarap ang tulog ko. Isa pa medyo masakit ang katawan ko pinagod mo kaya ako kagabi."

"Valerie, kailan ninyo ba balak magkaroon ng anak huh?" biglang tanong ni Don Rafael.

Napalunok ako bigla sa tanong ni Don Rafael sa'kin.

Naiinip na yata si Don Rafael gusto na niya na magkaanak kami ni Devon.

Sa totoo lang hindi pa talaga ako ready na magkaanak ngayon. Si Devon nga pinipilit ako na magkaanak kahit ayoko pa. Minsan yun na din ang dahilan ng away naming dalawa. Gusto ko rin naman na magkaanak kaso hindi pa ngayon. Limang taon pa lang naman kaming kasal ni Devon, eh siguro darating din ang time na magiging ready na ako.

"Aba Devon kailan mo ba balak na magkaanak? Hindi naman yata tama na wala kayong anak ng asawa mo. Sino na ang magdadala ng apelyido natin ngayon nito?!"

"Hon, huwag mo munang pilitin ang mag-asawa," saad ni Doña Victorina sabay himas sa braso ni Don Rafael.

Alam kong naiinip na talaga si Don Rafael. Anong gagawin ko eh di pa nga ako ready na magkaanak.

"D-Devon...."

"Bakit Valerie?"

"Maari ko bang bisitahin si Mommy?"

Biglang kumunot ang noo ni Devon sa tanong ko. Mukhang ayaw na naman niya na madalaw ko si Mommy.

"Mamaya na natin yan pag-usapan Valerie kumain muna tayo ng almusal kung pwede," inis na saad nito.

Napatahimik na lamang ako. Galit na naman si Devon. 

"Devon, may business trip ako sa Japan. Maari bang ikaw na lang ang pumunta tutal naman ikaw na ang papalit sa'kin bilang CEO ng Montereal Corporation."

"O-Okay po Dad," sagot ni Devon.

Pagkatapos namin kumain ni Devon kasama sina Don Rafael at Doña Victorina bumalik na kami sa bahay namin. Napakalawak ng mansion nila Devon sa lawak kasya ang tatlong bahay. Hinati ito sa dalawa ito ang west wing at east wing. Sa west wing kami nakatira at sa east wing naman ang in-laws ko.

"D-Devon...."

"What?!" singhal ni Devon sa'kin habang inaayos ang necktie niya.

"Dadalaw sana ako kay Mommy..."

Bigla niyang hinawakan ang braso ko ng mahigpit. "Hindi ba sinabi ko huwag kang lalabas ng mansion na ito?!"

"Dadalaw lang ako kay Mommy."

Hiding From My Ruthless Billionaire Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon